CHAPTER NINE: THE WOMAN IN BLACK CLOAK

109 8 8
                                    

RYAN'S POV

Nagising ako nang makarinig ako ng isang mahinang kalabog mula sa labas ng kuwarto ko. Dahan-dahan akong bumangon at kinuha ang isang Caliber 45 sa katabing desk ng kama ko.

Tahimik akong naglakad patungo sa gilid ng pinto at maingat na nag-abang at nakinig sa posibleng kasunod na ingay pero parang nawala ito na parang bula. Unti-unti kong pinihit ang doorknob ngunit nabigla ako nang paglabas ko, imbis na ang living room ang sumalubong sa akin, isang damuhan at babaeng nakaitim ang nakita ko, bitbit ang isang baril.

Mabilis kong kinasa at tinutok ang baril sa kaniya, wala siyang ginawa kung hindi ang tumayo at tingnan ako. Hindi ko makita ang mukha niya sa dilim pero parang pamilyar siya sa akin.

"Sino ka?!" bulyaw ko.

Hindi siya sumagot at nanatiling nakatayo na parang estatwa. Ngunit sa isang kisap mata itinutok niya ang kaniyang baril sa akin at pinutok ito.

"Die..." bulong niya bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Nagising na lamang ako sa lakas ng tunog ng alarm clock. Mabilis akong napabangon at kinapa ang aking katawan kung may tama ba ako ngunit wala dahilan para makahinga ako nang maluwag.

Kaagad akong kumuha ng tuwalya at lumabas papunta sa banyo para maligo. Habang naliligo ay di ko makalimutan ang mukha ni dad sa sitwasyon niya ngayon. Malayong-malayo sa buhay na kinalakihan namin.

Araw-gabi rin akong inuugong ng aking konsensya sa pagkamatay ng mga magulang ni Lady Antoinette, pero hindi ko rin kayang mahirapan ang tatay ko. Kahit pagbali-baliktarin ang mundo, sa kaniya pa rin ako galing at sa tindi ng galit ni Lady Antoinette hindi ko alam kung anong maaaring gawin niya.

Napasabunot ako sa aking sarili sa inis. Hindi ko man naisin alam kong darating araw at kailangan kong mamili sa kanilang dalawa.

Pagkatapos kong maligo at magbihis, agad akong nag-almusal kasama sila Manang Generva, kasambahay, si Kuya Hector at ilang security sa kusina.

"Matanong ko lang po, manang," panimula ko habang nagtitimpla ng kape.

"Ano 'yon, hijo?" tugon ni Manang Generva.

"Bakit kaunti lang po 'yung security dito?" tanong ko.

Biglang napatahimik si manang maging ang mga kasambahay, ang mga guards naman ay napangisi lang sa akin, habang si Kuya Hector patuloy lamang sa pagbabasa.

"Alam mo, pogi," bigkas ni Ate Emma. "Ang Cortez Manor ang may pinakamahigpit na seguridad, hindi nga lang halata."

"Talaga?" saad ko saka nilibot ang paningin baka may mahanap akong compartment ng baril sa pader o booby traps.

"O siya, tapusin niyo na yang almusal niyo para makapaghanda tayo nang maaga," bilin ni Manang Generva.

"Opo," sabay-sabay naming sagot.

Matapos kong maubos ang aking almusal, pinunasan ko na ang lamesa nag linis na rin ng dining room bago ko pakainin si Nemo and friends.

"Pakabusog kayo!" wika ko sabay katok sa aquarium.

Dumiretso ako sa kusina para tumulong sa paghahanda ng almusal ng pamilya Cortez saka kami kumuha ng plato, kubyertos, baso, at table napkins. Saktong paggising nila Master Lancelot at Mistress Elizabeth ay natapos na kami sa pagluluto.

"Good morning," bati sa amin ni Master Lancelot.

"Good morning, Master, Mistress."

Hinain nila Manang Generva ang mga pagkain habang hinanda ko ang gatas ni Lady Antoinette. Saktong pagpunta ko sa dining room, nakita ko si Antoinette sa hagdanan suot ang kaniyang uniporme.

My Childish BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon