CHAPTER TWO: HIS OTHER SIDE

43 6 0
                                    

RYAN'S POV

Maaga akong nagising kahit medyo madilim pa sa labas at nag-unat-unat. Unang araw ko rito sa puder ng mga Cortez, sana maging maayos ang trabaho ko bilang bodyguard ni Lady Antoinette.

Paglabas ko sa kwarto, nakita ko Nemo na lumalangoy pa rin kasama, Eric, Bob, Maki, Jake, Gabrielle, at Mandy. Mga isda rin sila na barkada ni Nemo. Oh 'di ba? Sana all!

"Maayong buntag, Nemo and prends!" bati ko sa kanila sabay katok sa aquarium. "Akala ko ako pa lang ang gising, kayo rin pala! Kamusta tulog niyo? Wait, natutulog ba ang isda?"

Tiningnan ko sila, nagbabakasakaling sumagot. Pero patuloy pa rin sila sa paglangoy.

"Good morning, hijo."

Mabilis akong napatingin sa likod at nakita ang isang matandang babae. Kasambahay din siguro s'ya rito.

"Gud morneng den po," nakangiti kong sagot.

"Halika, mag-almusal muna tayo sa kusina kasama 'yung iba," pag-aaya n'ya sa'kin.

Sumang-ayon agad ako at sumunod papuntang kusina habang nililibot pa rin ang paningin ko sa ganda ng paligid, nang may makita akong picture frame ng isang buong pamilya. Wait, parang pamilyar sila ah?

"Manang Generva!" napukaw ang atensyon ko sa tili ng isa pang kasambahay. "Pakilala mo naman kami d'yan!" bulong niya kay Manang Generva kuno.

"Oo nga, Manang!"

"Ang g'wapo kasi!"

"Mine na lang!"

"Ang talap-talap, Meneng, ehe."

Dahil sa mga pinagsasabi nila, bigla akong nakaramdam ng hiya at napayuko habang nilalaro ang mga daliri ko.

"Mame pengger, mame pengger, wer are you?" mahinang kanta ko.

"Ano ba magsitahimik kayo!" rinig kong saway ni Manang Generva sa kanila.

"Parang pakilala lang, manang, e."

"Oo nga!"

"Mag-almusal nalang tayo," iritadong sabi ni manang. "Hijo, tara samahan mo kami."

"Dade peng — po? Um...sige po," tugon ko.

Nagtilian ang mga kasambahay at nag-unahan sa pagtimpla ng kape at pagkuha ng pandesal sa paper bag. Kulang nalang kalbuhin nila ang isa't-isa.

Mabilis nilang binigay ang isang tasa ng kape at limang pandesal sabay pa-cute sa harap ko kaya nagpa-cute rin ako. Kaya halos mangisay sila sa harap namin.

Tawa lang ako nang tawa sa inasta nila, habang panay ang iling ni manang Generva, nang tabihan ako sa lamesa ng isang matandang lalaki at dalawang mas bata pero mukhang mas matanda pa sa akin.

"Ikaw 'yung bagong bodyguard ni Lady Antoinette, 'di ba?" tanong sa'kin ng matanda na parang pamilyar.

"Opo," magalang na tugon ko.

"Ano pangalan mo, hijo?" tanong niya

"Ryan Villaruiz po."

"Ang ganda naman ng apelyido mo! Bagay sa'kin!" sabat ng isang kasambahay.

"Hoy, Emma! Pinagsasabi mo? Mas bagay sa'kin 'yon," sagot naman ng isa sabay sampal kay Emma na ikanagulat ko.

Gumanti naman ng sampal si Emma.

"Walang hiya ka, Georgia! Mang-aagaw ka talaga ka!"

"Pupusta ako kay Emma!"

"Kay Georgia ako, 'tol!"

My Childish BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon