Gus
ISANG malakas na batok ang nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Dagli kong nilingon ang pangahas na bumatok sa akin.
"Ano ba Gustiniana?! Kanina ka pa namin tinatawag hindi ka man lang natinag!" nakangising mukha ni Donna ang bumungad sa akin
"Bakit ba Gustiniana ka nang Gustiniana? Gustaniana ang pangalan ko Donnabelle ha!" asik ko
"Oo na Gustaniana.. Hahaha. Ano ba kasi ang iniisip mo at para kang wala sa ulirat diyan?"
"Wala.. Nagbabaliktanaw lang sa nakaraan. Hehehe." aniko
"O siya! Halika na at nagugutom na ako. Tayo nalang ang natitira dito."
Inilibot ko ang paningin at nagulat ako nang mapagtanto na kami na nga lang ang tao sa room. Ganoon ba ako katagal na nagmuni-muni? Tsk!
Agad kong kinuha ang mga gamit ko at sumunod na sa kanila. Tinatahak namin ang daan papuntang canteen.
" Malapit na ang acquaintance party natin may isusuot na ba kayo?" narinig kong tanong ni Rochel
"Oo nga ano? Sa susunod na buwan na pala yun." si Vaneza
"Wala pa akong isusuot. Medyo matagal pa naman marami pa tayong oras para makapamili." sabi naman ni Donna
Hindi na ako nag abala pang sumabat sa usapan nila. Kahit ako ay wala pa ring isusuot sa nalalapit na party. Baka manghiram nalang ako sa ate ko. Maraming gown at formal dress ang nakakatanda kong kapatid. Nasa college na kasi siya at marami nang party ang napuntahan. Kada party ay bumibili siya ng bagong isusuot kaya naman marami na rin akong pagpipilian.
Hindi naman ako materialistic at maluho, nakukuntento lang ako sa mga simple at maliliit na bahay kahit pa kaya ng mga magulang kong ibigay ang lahat nang gusto ko. Parehong abogado ang mga magulang ko at nagtatrabaho sila sa sarili naming law firm na minana pa nang Daddy ko sa Papa niya. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang bunso.
Ang Kuya Gherald ko ay isa na ring lawyer pero mas piniling magtrabaho sa law firm nang Tita namin na naka base sa New York. Ang Tita Ursula na kapatid ni Daddy.
Ang Ate Germmalyn ko naman ay kasalukuyang nag-aaral nang medicine dahil gusto niyang maging doctor.
Alam kong hindi rin namomroblema ang mga kaibigan ko dahil kayang kaya din nilang bumili nang mga bagong damit na isusuot sa party. Galing sa mayayamang pamilya ang mga kaibigan ko. Pawang mga matagumpay na negosyante ang mga magulang nila. Pero hindi mababakasan ng kayabangan at kung kumilos ay walang mga finesse minsan. Minsan lang naman.
Bigla akong napatigil sa paglalakad nang mamataan ko sila Marky na nakatambay malapit sa canteen. Iisa lang ang daanan papunta sa school canteen at bago ka makarating nang canteen ay may mga bleachers na maaaring upuan sa ilalim ng mga punong mangga.
Biglang bumilis ang tibok nang puso ko ng makita kong kasama nila Marky si Hector.
Tumigil din ang mga kaibigan ko at alam kong nakita din nila si Hector. Lumingon sila sa akin at pilyang ngumiti."Nandito na ang bumubuo nang araw mo."
"Maganda ba ako?" sabi ko na medyo nataranta
"Oo.. Huwag kang mag-alaala hindi halatang haggard ka. Hahaha!"
Satuwing makikita o makakasalubong ko si Hector ay iyon nalang palagi ang tinatanong ko sa mga kaibigan ko.
'Maganda ba ako?'
'May dumi ba ang mukha ko?'
'Okay ba ang itsura ko?'
At nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko dahil ni minsan ay hindi sila nag reklamo bagkus ay walang sawa nilang sinasagot bawat tanong ko.
BINABASA MO ANG
First Love Actually Dies
RomanceThirteen years old is too much young to fall in love with. Kaya kung ano-anong kagagahan ang pinanggagawa ni Gus sa kaniyang 'apple of the eye' na si Hector Jeff Guzman. He's her first love and she'll do everything para mapansin lang nito. Kasehodan...