Chapter 8

11 2 0
                                    

NAKAPANGALUMBABA kong tinatanaw ang mga kaklase kong abala sa proyekto na ginagawa nila. Bakit ngayon pa nila ginagawa ang mga iyan? Ngayon ang deadline ng proyekto namin sa Musika.

"Ewan ko ba sa mga 'yan, walang ibang inatupag kundi shopping doon, shopping dito," wika ni Vaneza na tila narinig ang sinabi ko sa isip. Nasa tabi ko siya at nakatingin rin sa ibang kaklase namin.

"Mabuti na lang at mga good students tayo. Naku! Magkukumahog sana tayo katulad nila."

"Ang sabihin mo, Chel, suwerte ka dahil sinabihan kita. Kahapon mo nga lang natapos 'yong proyekto natin sa Musika," natatawang sabat ni Donna.

"Oo nga, Don, a million thanks to you, mahal."

"Hahaha!"

Natawa na rin ako nang marinig ang asaran ng dalawa. Minsan kasi ay makakalimutin si Rochel lalo na pagdating sa mga proyekto at taldang aralin. Mabuti na lang at nandito kami upang ipaalala ang mga iyon sa kanya.

"Kmusta naman ang dinner n'yo noong Sunday, Gus?" tanong ni Donna.

Pagkaalala sa dinner kahapon ay muling nanumbalik ang kahihiyang tinamasa ko. Kahit sina Marky at Hector lang ang nakakaalam, nakakahiya pa rin.

Ayaw kong sabihin sa mga kaibigan ko ang nangyari dahil for sure pagtatawanan lang ako ng mga ito.

"Okay naman. Masaya," ani ko.

"How's my Marky?"

"Pasaway pa rin, parang bata."

"Naku! Mga bata pa naman kasi tayo, Gus."

"Nope. Bata as is walang kamuwang-muwang. Alam mo naman 'yong love of your life, noh!" wika ko.

"Hayaan mo na, magbabago pa naman ang Marky ko."

"Tse! Love is blind, ika nga."

Nagtawanan sina Vaneza at Rochel sa sinabi ko.

"Oi! Did you know..." at ikinuwento ko sa kanila ang nakakagulat na nalaman ko kahapon, namin ni Marky. Na ang Mommy ko, Mommy ni Marky at Mommy ni Hector ay matalik na magkaibigan pala noong mga bata pa sila. Kung nagulat ako, maging sila ay nagulat din. Imagine? Ang liit talaga ng mundo.

Sinabi ko rin sa kanila ang ginawang matchmaking ni Tita Gwyneth sa amin ni Hector. At sinabi ko rin na nagalit ang baby ko dahil doon. Ikinuwento ko rin sa kanila kung paanong nagalit si Daddy ng nalaman nito kay Marky na may hinahabol daw akong lalaki sa campus.

"Bakit naman niya ginawa iyon?"

"Naawa na raw s'ya sa'kin sa kakasunod kay Hector." And I told them everything. Ang sinabi ni Daddy at pinag-usapan namin ni Marky.

"Super strict talaga ni Tito sa inyo, Gus."

"Parents ko rin naman ganyan din," ani Rochel.

"Lahat naman siguro ganyan pero tayo itong matitigas ang ulo. Sinabihang huwag magbo-boyfriend pero sige pa rin nang sige," wika ni Vaneza.

"We both know our limits. Alam naman natin kung hanggang saan lang tayo, hindi ba?"

"Tayo, oo. Pero ang iba nagpapadala sa bugso ng damdamin. Sa tawag ng laman."

"Ikaw ba, Chel, nagpadala ka na ba?" tanong ni Donna.

"Hindi pa, noh! Gusto ko munang makapagtapos ng pag-aaral. Gusto ko muna iyong may marating bago ko gagawin ang mga bagay na iyon," sabi ni Rochel.

"True! Maging ako ay ganyan din. Ayaw kong magsisi sa bandang huli. Gusto ko 'yong mapapangasawa ko ang pag-aalayan ko ng Bataan," wika ni Donna.

"Bakit ba iyan na ang pinag-uusapan n'yo? Ang pagbo-boyfriend lang ang topic natin," sabi ko.

First Love Actually Dies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon