Gus
WALA na akong nagawa ng hindi ko mapigilan si Vaneza na lumapit kay Chan. Napatigil sa pagtutog ang huli dahil may sinabi ang kaibigan ko sa kanya. At base sa mga kilos ni Vaneza na itinuturo ako, ako ang pinag-uusapan nila.
I was about to glance at the counter when I saw may babe looking at me. Nagsalubong ang mga tingin namin. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil sa kahihiyan. I'm sure nagkataon lang na napatingin rin siya sa akin. Huwag assuming, Gus.
A minute later, bumalik sa table namin sina Marky at Hector. Halos kasabay rin lang nila sina Vaneza at Chan. Dahil malaki naman ang mesa namin ay pinaupo na ng mga kaibigan ko si Chan.
"Guess what, guys?" ani Vaneza na nakaupo na.
"What?" Hindi man lang ako tumingin sa kanya dahil nahinuha ko na ang sasabihin niya.
"Pumayag si Chan na turuan ka, Gus!" Hindi na ako nagulat subalit ang mga kaibigan ko ay tila nakakita ng sikat na artista dahil sa kilig.
"Turuan sa alin?" singit ni Marky.
"Mag-gitara." si Rochel ang sumagot.
"Oo nga, hindi ka na marunong 'di ba, Gus?" Tumango lang ako bilang pagsang-ayon.
"Gus, talk to Chan," Donna whispered to me.
"Are you sure? Willing ka bang turuan ako?" I asked him not looking in front of me. Kay Chan lang ako nakatingin.
"Yes. It's my pleasure, really. At tsaka sabi ni Vaneza marunong ka na naman dati nakalimutan mo lang."
"Ah, oo."
"So, hindi ka na mahirap turuan n'yan."
"I hope so."
"Don't worry. You're in good hands," aniya.
"Uyyyyyyy....."
"Oiiiiiiiiiiiii....."
Nagsipagtuksuhan sa amin ang mga kaibigan ko.
"You're in good hands daw, Gus oh!" ani Marky.
"Tse! Kumain ka na nga lang," sabi kong nahihiya. Iniisip ko ang iisipin ng kaharap ko. Baka sabihin nito na lumalandi na naman ako. At tsaka bakit ba umaasta ang mga kaibigan ko ng ganito? Alam naman nilang si Hector ang gusto ko.
"E-inform na namin mamaya si Gng."
"Isasabay na rin namin ang pangalan mo Nickolas?"
"Sure. Thank you."
"Kailan naman kayo magsisimula ni Gus?" Donna asked.
"As soon as possible. Malapit na ang acquaintance party, hindi ba?"
"Oo."
Nakikinig lang ako sa usapan nila. Tinatapos ko na ang pagkain ko upang makalayo na kina Marky at Hector. Hindi pa rin ako maka move on sa nangyari kahapon.
"Saan naman ang balak n'yo n'yan?" Vaneza asked.
"Balak na ano?"
"Na mag-practice," ani Vaneza na nakatingin sa akin.
"Anywhere. Kung saan pwede. Magkaklase naman kami ni Chan," sabi ko.
"Can I have your number?" biglang tanong ni Chan na ikinatahimik ng mga kaibigan ko.
"Para kung sakaling may time ako sa weekend, tatawagan kita."
"Naku, hindi pwede si Gus sa weekend, Nickolas," singit ni Rochel.
"Why?"
"Family day na kasi iyon. May dinner party, lunch party at kahit breakfast. Depende sa usapan ng mga magulang nila."
BINABASA MO ANG
First Love Actually Dies
RomanceThirteen years old is too much young to fall in love with. Kaya kung ano-anong kagagahan ang pinanggagawa ni Gus sa kaniyang 'apple of the eye' na si Hector Jeff Guzman. He's her first love and she'll do everything para mapansin lang nito. Kasehodan...