Warning: Rated SPG
Gus
"Who the hell are you?!" I am so angry, and I wanted to smash his face against the wall.
"Funny, isn't it? We've just met last night pero nakalimutan mo na agad ang pangalan ko." Nakakalokong saad niya habang matiim na nakatitig sa akin.
"I am not interested kung sino ka man! Gusto kong malaman kung bakit mo ako dinala dito? Gusto mo ba nang pera? How much?" Iyon naman talaga siguro ang pakay niya, hindi ba? Wala na akong ibang maisip na dahilan kung bakit niya ako kinidnap.
"Save it, baby. Hindi pera ang kailangan ko dahil marami ako niyon." Kinilabutan ako sa tinawag niya sa akin.
"If it's not for ransom then what is it?" Naghihisterya na ako. Gusto ko siyang saktan at muling kalmutin sa mukha. Hindi siya sumagot bagkus ay umupo siya sa harap ko. Akma niyang hahawakan ang mga tuhod ko ngunit bigla akong umiwas. Ayaw kong madantayan kahit na madaplisan lamang ng kanyang balat ang kahit saan mang parte ng aking katawan.
I heard him sigh. I did not look at him. Sa mesa lang nakatuon ang aking paningin at noon ko lang din napansin ang nakahaing mga pagkain. Manok na tinola, kanin at iba't ibang klase ng prutas na nakahiwa na.
"I just want to be with you." Napabaling ako sa lalaking naka-upo pa rin sa harap ko. Blangko ang kanyang mukha kaya naman hindi ko malaman kung nagsasabi ba ito nang totoo.
Isa ba siya sa mga stalker ko? Sa isiping iyon ay agad akong kinilabutan. Hindi maaari ito. Kung stalker ko man ang lalaking ito, mas lalong nanganganib ang buhay ko. Baka hindi na niya ako ibalik sa fiance' ko.
"No! Hindi maaari! I am getting married. Pakawalan mo na ako. Siguradong naghihintay na sa akin ang mapapangasawa ko." I was thinking na baka maawa siya sa akin at pakawalan na ako. Nag-aalala ako kung ano na kaya ang nangyari kay Chan. Siguradong hinahanap na niya ako.
Nakita kong nagtagis ang kanyang bagang. Galit ang taong nasa harap ko. Marahas siyang tumayo at malakas na itinulak ang upuan sa tabi ko.
"Walang kasalang magaganap sa pagitan niyo nang lalaking iyon!" Dumagundong ang boses niya sa buong kuwarto. Napaigtad ako nang dahil doon. Tumalikod siya at dagling lumabas ng silid. Malakas na isinara ang pinto. Naiwan akong nakatulala at hindi malaman ang gagawin.
Script ba ito? Is this some kind of a movie? Hindi pa rin nagsi-sink in sa aking isipan ang mga nangyayari. Hindi ko lubos maisip na magagawa ng mga bodyguards kong pagtaksilan ako. Kunsabagay, amo nga naman nila ang lalaking 'yon. I forgot his name at wala akong balak na alamin pa. Saang lupalop ba ng Pilipinas niya ako dinala? Nasa Pilipinas pa ba kami?
Muli akong lumapit sa pintuan at sinubukan ko iyong buksan. Naka-lock na naman ang pinto. Pinagbabayo ko iyon kasabay nang malakas na sigaw. Halos mamaos ako sa kakasigaw at nanakit ang mga kamay ko sa kakahampas ng pintuan. Kahit ni isa walang nakapagbukas ng pinto. Nanlumo akong bumalik sa upuan ko kanina sa harap ng lamesa.
Biglang kumalam ang aking sikmura nang maamoy ko ang tinolang manok na nasa harapan ko. Kahapon pa pala ako hindi kumakain kaya pala labis ang pagkagutom na aking nararamdaman ngayon.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at nagsimula na akong kumain. Takam na takam ako sa tinolang manok. Ngayon pa lang ulit ako nakakain ng ganito. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling kumain ng tinolang manok. Halos maubos ko ang ulam at ngayon naman ay ang mga prutas naman ang aking kinain. Kailangan ko nang lakas upang makapag-isip ako nang maayos kung paano ako makakalabas sa bahay na ito.
Lumipas ang maghapon nang hindi ko na ulit nakita ang taong iyon na ikinatuwa ko naman. Nakakainis ang pagmumukha ng lalaking iyon. Hindi ko gusto ang mukha niyang puno ng balbas at may maliit na bigote pa. Ang rungis tingnan. Hindi katulad sa nobyo kong ang linis tingnan. Pagka-alala ko kay Chan ay muli na namang nanumbalik ang lungkot ko.
BINABASA MO ANG
First Love Actually Dies
RomanceThirteen years old is too much young to fall in love with. Kaya kung ano-anong kagagahan ang pinanggagawa ni Gus sa kaniyang 'apple of the eye' na si Hector Jeff Guzman. He's her first love and she'll do everything para mapansin lang nito. Kasehodan...