Chapter 20

10 2 0
                                    

Chapter 20

Gus

"Ano'ng gagawin natin ngayon?" Namomroblema ako dahil sa sinabi ng guidance counselor namin. Dumaan muna kami sa malapit na Café. Hindi pumayag ang mga kaibigan namin na iwan kaming dalawa ni Chan.

"Ang hindi ko maintindihan, yakap lang naman 'yon. Overacting naman si Bb. Joyce. Ipapatawag agad ang mga parents n'yo," ani Vaneza. Magkakaharap kaming naka-upo sa mesa habang umiinom ng milk tea.

"Prohibited nga raw. Bawal ang PDA sa school," wika naman ni Rochel.

"Puntahan kaya natin si Ma'am. Sabihin natin sa kanya na mali ang iniisip niya." Donna suggested.

"Sa tingin mo maniniwala siya sa atin?"

"We're here. Witness tayo."

"Nakita niya mismo na nagyayakapan silang dalawa. Hindi lang iisang beses kundi tatlo o apat na beses pa."

"Hindi sila nagyayakapan. Si Nickolas lang naman ang yumakap kay Gus."

"Parehas na rin 'yon! Sweet silang tingnan. Gumawa sila ng ipinagbabawal ng eskwelahan."

"I think I should try to talk to her. I'll explain everything," ani Chan pagkaraan ng mahabang katahimikan.

"Paano kung hindi siya maniwala? Or e-insist pa rin niyang kausapin ang mga magulang n'yo?"

"My parents are not here. It's impossible for them to attend and talk to her. Baka next year pa ang balik ng mga iyon." Napatingin kaming lahat kay Chan. Hindi na lingid sa kaalaman ko kung bakit hindi makakarating ang mga magulang niya. I looked at him because of his voice. Malungkot siya.

Nakikita ko sa mga kaibigan namin na gusto nilang magtanong kay Chan kung bakit. Subalit nirerespeto nila ang desisyon ni Chan. Hindi na ito muling nagsalita pa kaya hindi na rin sila nagtanong.

"We should try to talk to her. Maiintindihan naman siguro ni Ma'am."

"Yes, we should do that. Paniguradong magagalit ang Daddy mo kapag nalaman niya," Rochel looked at me with sympathy.

"Knowing Tito Thomas, I'm sure na magagalit 'yon."

Iyon rin ang ikinatatakot ko. Baka isipin ni Daddy na si Chan ang lalaking sinasabi ni Marky. Siguradong magagalit siya sa akin lalo na at pinapapunta ko pa si Chan sa bahay. I can see my father's anger at ayokong mangyari iyon. Nakakatakot si Daddy kapag nagagalit siya. He may not be hurting us physically but he will see to it na masasaktan kami emotionally. Ganoon siya kalupit.

"Pupuntahan ko siya first thing in the morning. Ako na ang bahala ng kumausap sa kanya. Don't worry, Gus. It's my fault kaya ako rin ang bahalang lumutas nito."

"No. Wala kang kasalanan. Tinulungan mo lang ako kaya huwag mong isipin na may kasalanan ka. Sasama ako sa'yo bukas ng umaga. I will help you explain to her everything."

"Ano'ng sasabihin n'yo?" Vaneza asked us.

"Sasabihin n'yo bang kaya ginagawa ni Nickolas iyon ay dahil nasasaktan siya sa mga ginagawa ni Hector?" Sinabi ko na sa kanila ang nangyari sa library. Ang ginawang pagtulak sa akin ni Hec. Sinabi ko rin sa kanila na humingi agad siya ng tawad sa akin.

I told them everything excluding the kissing part. Wala pa akong lakas na loob para sabihin sa kanila. That my baby is my first kiss. Kaya naman maging sila ay galit sa baby ko. Ayaw raw nilang ipagpatuloy ko pa ang pagkahumaling ko sa kanya. Which is impossible to do, I thought.

"I don't think so. Maybe I should tell her na may problema lang si Gus and it's personal. Siguro naman ay hindi na nais na malaman pa ni ma'am iyon," ani Chan. He is cool while saying those.

First Love Actually Dies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon