AMETHYST'S POV
Tatlong araw nga na ganito ang nangyayari sa akin.
May dumarating na pagkain sa amin sa tuwing oras na ng kainan.
At sa tuwing tatanungin ako ni mama kung saan galing ang mga ito ay sinasabi ko na lang na in-order ko ang mga 'yon.
Ewan bakit gusto ni Aivan na sinasabi ko sa kan'ya lahat ng mga ginagawa ko. Nakakailang na nakakairata kaya.
Pero 'yon na lang nga ang ginawa ko, no choice, eh. Lagi ko na lang sinasabi sa kan'ya lahat ng ginagawa ko kapag nagtatanong ito.
Yes, kapag magtatanong lang ito. Hindi naman ako kusang nag-a-update sa kan'ya.Baka totohanin n'ya pa kasi ang sinabi n'ya na pupuntahan n'ya ako rito sa amin kung sakaling naging pasaway ako.
Takot ko lang.
At heto nga ako nakahiga na para matulog dahil bukas ay papasok na ulit ako sa trabaho.
"Work na naman. Back to reality na," usal ko bago ko pinikit ang mga mata ko pagkaayos ko sa puwesto ko.
Katabi ko ang kapatid ko na kanina pa tulog.
PAGGISING ko ay hinanda ko na ang sarili ko para sa trabaho.
Kumain at naligo na ako.
Nang makapagbihis na ako ay hinanap ko muna si mama para makapagpaalam ako at nakita ko ito sa kusina at naghuhugas s'ya ng mga pinagkainan namin.
"Ma, alis na ho ako," paalam ko kay mama habang nakasilip na lang ako sa kusina.
"Sige, anak ingat ka ha." Ngiti naman sa akin ni mama nang lingunin ako nito.
Buti na lang at ayos na ang nasa pagitan ng hita ko.
Nakakalakad na ako nang maayos at hindi na ako parang jellyfish kung maglakad.
Bumyahe na ako hanggang sa makarating na ako sa pinagta-trabauhan ko.
"Baaaaalll!!!" Salubong agad sa akin ni Bella pagpasok ko pa lang sa pinto nitong office.
"Oy! kumusta?" bati ko pabalik dito bago kami nagyakapan.
"Ok naman, ikaw?" sagot n'ya naman agad nang kumalas na kami sa pagkakayakap.
"Ok naman na." Malalaki ang mga ngiti kong sabi rito.
"Sorry, ah, at hindi kita napuntahan." Nahimigan ko ang guilt sa boses nito.
Natigilan muna ako dahil humaba pa ang nguso ng loka-loka at ikinatawa ko naman nang mahina.
"Ano ka ba? Ayos lang," natatawang sabi ko rito.
"Alam ko naman na busy ka eh," dagdag ko pa.
"Huwag kang mag-alala, sa susunod na rd naten, magpa-pamper tayo!" excited na sabi nito.
"Owemji?! Nagpa-pampers ka pa?! Napkin na gamit ko eh," oa na sabi ko rito kaya naman binatukan ako nito.
"Sira," iiling-iling nitong sabi sa akin.
"Charot lang, sige sige sige." Ngiti ko na rito at pumunta na kami sa mga kaniya-kaniya naming stations para makapagsimula nang magtrabaho.
Sayang nga at morning shift kami. Kasi ang talagang gusto namin ay night shift. Sayang kaya night differential!
Bella is my best friend for a long time. To be exact, isang dekada na.
Yes, ten years na rin kaming nagdadamayan sa isa't isa. S'ya rin ang saksi sa pagmamahalan namin ni Earl.
BINABASA MO ANG
Love In Lust Series #1 : AIVAN WARREN FLAIR
RomanceIMPORTANT ANNOUNCEMENT! I JUST WROTE THIS FOR 5 FREAKING DAYS! I DIDN'T EDIT IT OR REVISE, KUNG PAANO KO S'YA SINULAT YUN NA S'YA. WALA AKONG BALAK NA I-EDIT OR WHAT SO EVER. SO,PLEASE BEAR WITH THE LAMENESS THANKS!