Amethyst's POV
Inihinto na ni Earl ang motor na sinasakyan namin at inalalayan ako nito ako sa pagbaba.
"Thank you," sabi ko rito nang tuluyan na akong makababa.
I-pi-nark naman n'ya nang maayos ang motor n'ya pagkababa n'ya.
Paglingon nito sa akin ay nginitian n'ya ako at lumapit ito sa akin.
"Oh, saan na n'yan tayo?" tanong ko rito at hinawakan nito ang isang kamay ko.
"Gusto mo ba roon?" tanong nito sa akin sabay turo sa rooftop ng Hotel Montecillo.
"Paano naman tayo makakarating doon?" natatawang balik tanong ko rito.
"May alam akong daan papunta r'on, at saka kung mahuli man tayo nandoon naman si Joshua eh," sagot nito sa akin.
"Si Joshua? 'yong pinsan mo? d'yan tumutuloy?" tuloy-tuloy na tanong ko rito at tumango lang s'ya na nakangiti.
"Ano arat na?" tanong nito sa akin at natatawang tumango na lang ako.
Hinalikan n'ya muna ang kamay kong nakahawak sa kan'ya bago s'ya nauna sa paglalakad at nagpatianod naman ako.
Ngayon nga ay papasok na kami sa isang medyo madilim at maliit na eskinita.
How I love this man, he respects me and love me more than I do. I can't say na sobrang guwapo s'ya, pero hindi rin s'ya pangit--- wala talagang taong pangit, pangit lang ang mindset ng society.
He's adorable actually. Medyo may pagka-Korean look s'ya dahil sa magagandang nitong medyo singkit na mata, medyo maputi rin, medyo may jawline din tapos cute ang ilong sakto lang ang size gano'n. Look lang dahil purong Pilipino s'ya.
Earl is my boyfriend for four years now.
Grade nine pa lamang kami ay nililigawan na n'ya ako at noong moving up namin noong grade ten ay saka ko pa lamang s'ya sinagot.Napakatiyaga n'ya at sobra ang respeto n'ya sa akin at sa dalawang taon n'yang panliligaw sa akin ay 'di nagbago ang ugali n'ya o pagtrato sa akin, hindi talaga s'ya sumuko at consistent s'ya sa panliligaw sa akin.
Lalo na noong sinagot ko na s'ya, lalo s'yang naging sweet at caring sa akin, alam din naman n'ya ang dahilan kung bakit naging matagal ang panliligaw nito sa akin. Ito pa ang pinangako n'ya sa akin, kahit na anong mangyari ay dadalhin n'ya raw akong birhen sa altar. Oo, wala pang nangyayari sa amin ni Earl dahil alam namin na mahal na mahal namin ang isa't isa at 'di lang kilig ang hinahanap. We believe that there's a perfect that for that love language.
"Hu-huwag po p-please,"
"S-sorry po, d-'di na po n-namin uulitin," dalawang boses ang narinig namin ni Earl.
Huminto kami ni Earl at nagtago sa likod ng basurahan. Malapit na kami sa dulo ng eskinita nang marinig namin ang mga lalaking 'yon.
"Anong nangyayari?" bulong ko rito.
"Shhh, sandali titingnan ko." Humarap ito sa akin at sinenyasahan akong huwag mag-ingay. Kumalas naman ito sa pagkakahawak sa kamay ko at dahan-dahan na sumilip sa dulo ng eskinita.
"Earl mag-ingat ka, n-natatakot na ako," mahina pero alam kong maririnig n'ya ako at sinenyasan ako nito na 'wag akong maingay.
Nanginginig na ako at nanlalambot dito sa pinagtataguan ko. Baka madawit pa kami rito.
"Earl, umalis na lang tayo!" sabi ko pa rito.
"WAAH!" tili ko nang makarinig ng mga putok ng baril at agad akong napatakip sa bibig ko.
Agad akong nilapitan ni Earl na nag-aalala at agad akong tinayo nito.
Kumaripas naman kami ng takbo.
"Ayon habulin n'yo! Bilis!" rinig namin na sigaw ng isang lalaki habang tinuturo kami.
Nagpaputok naman ng baril sa ere ang mga lalaking humahabol sa amin na s'yang dahilan para mapatakip ako sa tainga ko at mapabagal ang takbo namin ni Earl.
"Argh!" daing ni Earl.
"Eaaaarrll!!" Pilit kong tinatayo si Earl habang umiiyak ako at nanginginig dahil nabaril ito sa likod.
"P-please E-earl tumayo ka." Umiiyak na pakiusap ko rito habang pinipilit pa rin na itayo s'ya pero walang nangyayari dahil parang s'ya mismo ayaw n'yang tulungan ko s'ya. Sinasadya n'yang bigatan ang timbang nito pero pinipilit ko pa rin s'yang maitayo.
"B-babe, iligtas m-mo a-ang sarili m-mo," nahihirapan na sabi sa akin ni Earl at muli pa itong napadaing.
"N-no,babe, sabay tayong aalis dito." 'Di ko na maramdaman ang sarili ko dahil sa takot pero patuloy ko pa rin s'yang tinatayo dahil hanggang ngayon ay nasa semento pa rin ito.
"EEAARL!!!" sigaw ko dahil walang awa s'yang binaril ng mga lalaki dahil naabutan na kami ng mga ito.
Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko. Ayaw mag-sink in sa akin ang mga nangyayari.
Yakap-yakap ko ang walang buhay na katawan ni Earl habang umiiyak.
Tinaas ko ang ulo ko at nanlaki ang mga mata ko dahil isang baril ang nakatutok sa mukha ko.
"Stop!" sigaw ng isang lalaki palapit sa amin dahilan para alisin ng lalaki ito ang pagkakatutok ng baril nito sa mukha ko.
"H-huwag n-n'yo a-akong p-patayin," nahihirapan na ako sa pagsasalita dahil sa sobrang iyak ko.
Tiningnan ko ang lalaki na nagsalita kanina, dahan-dahan kong binitawan ang katawan ni Earl at paluhod ko itong nilapitan.
"T-tulungan mo ako," pagmamakaawa ko rito habang hawak ko ang kan'yang kamay. Nakaluhod ako rito at para akong nagmamano sa kamay nito habang umiiyak.
"Bakit naman kita tutulungan?" malamig na tanong nito sa akin.
"G-gagawin ko ang kahit na anong gusto mo." Parang nagising ako sa sinabi nito at pataranta ko itong sinagot. Tiningnan ko s'ya sa mata kahit saglit at niyakap ko ang binti nito.
"P-please 'wag n'yo akong patayin mga walang hiya kayo," mahinang usal ko na lang dito dahil
halos mawalan na ako ng boses."Be mine," sabi nito sa akin na ikinagulat ko kaya napatayo ako at sinampal ko ito.
"Kapal mo naman! Sa tingin mo ba basta-basta na lang ako papayag?!" galit na sigaw ko rito.
Kinasa nito ang baril nito at tinutok sa akin na s'yang ikinalaki ng mga mata ko sa takot.
"Yes or die?" nakakalokong tanong nito sa akin.
Napaatras naman ako dahil dito."Why?" tanong ko.
"Just pick!" sigaw nito kaya napapitlag ako dahil nakakatakot ang boses n'ya.
Takot at nagtatakang nakatingin lang ako rito habang ramdam ko ang pangangatog ng mga tuhod ko dahil hindi n'ya pa rin binababa ang baril n'ya at nakatutok pa rin ito sa akin.
"ANSWER ME!" sigaw muli nito at napapitlag ulit ako.
"PICK!"
"Yes!" Napapikit na lang ako sa sagot ko. Ano 'tong nangyayari sa akin? Bakit ito nangyayari sa akin? Ano na ang mangyayari sa akin?
/w.w./
BINABASA MO ANG
Love In Lust Series #1 : AIVAN WARREN FLAIR
Storie d'amoreIMPORTANT ANNOUNCEMENT! I JUST WROTE THIS FOR 5 FREAKING DAYS! I DIDN'T EDIT IT OR REVISE, KUNG PAANO KO S'YA SINULAT YUN NA S'YA. WALA AKONG BALAK NA I-EDIT OR WHAT SO EVER. SO,PLEASE BEAR WITH THE LAMENESS THANKS!