CHAPTER 1

15 3 0
                                    

Stop being insecure on what they said, You know yourself better than anyone else.

Trust yourself.

-Louella

Bestfriend

"You did it, Elsi!" I hug my mom, The soonest that I enter on our house at walang pag dadalawang isip na pinuno ng halik ang mukha nito. 

"I did it mom." Mahinang bulong ko dito lumayo ako sakanya. "Nagkausap ko  nadin si Han." Hinaplos nito ang buhok ko at walang sinabing salita na tila alam na niya ang resulta ng pag uusap namin.

"Nag away lang ulit kami. Blame my temper." Parang batang pag susumbong ko dito. Natawa lang siya at humiwalay sa yakap ko kasabay ng paguupisa ko ng ka-dramahan ko sa buhay. "I am wondering, why it is so fast."

"Alin?"

"Bakit ang bilis kong mawalan ng kaibigan."

"Elsi, madami kang kaibigan. You just lost the people you treasure first, madami namang dumating diba?" Mahinahong sagot nito at kinuha sa katulong namin ang dalang tray na may lamang inumin para saakin tsaka nag lakad papuntang sala sumunod naman ako.

"Nasasanay na ata ako sa mga pagiwas at masasakit na salitang lumalabas sa bibig n'ya. " Sumandal ako sa headrest ng sofa. "Pakiramdam ko konti nalang ay susukuan ko na siya." 

"But then, I still like him." Kinuha ko ang juice sa maliit na lamesa sa harapan ko at ininom ito. Niligon ng kulay asul kong mata ang salamin sa kaliwa ko. "Kung hindi ko lang talaga siya kababata at matagal ng kilala baka iniwasan ko na s'ya, ang sakit nya sa puso." Basungot ang mukha na bulong ko.

"Pano niyang nasabing mag kamukha kami? Kung ang mata ko ay kulay asul samantalang siya ay itim na itim." Natawa ako at hinarap ang nanay ko na at abala sa pag tipa ng kung ano sa laptop niya. Alam kong may trabaho pa siya pero pinili niyang samahan ako at pakingan ang mga reklamo ko, kagaya ng laging ginagawa saakin ni Cacie.

Kahit walang kwenta ang mga reklamo ko.

"Iyon lang naman ang naiba sa inyo. Sige na, Umakyat kana at may trabaho kapa bukas." Tumango nalang ako at tumayo para mag lakad papuntang kwarto. Ginawa ang madalas kong ginagawa bago matulog.

Bago mahiga sa kama ay kinuhanan ko muna ng litrato ang dalawang tropeo na nakuha ko ngayong araw, at nilagay ito sa instagram ko para makapag bigay ulit ng panibagong pasasalamat.

Kinabukasan ay maaga akong gumising para gumayak papunta sa trabaho.

"GOOD MORNING!" Masiglang bati ko sa mga staff ngayoon sa photoshoot namin para sa cover ng pinikula na una kong pag bibidahan.

Marami ang bumati saakin pabalik madami din ang hindi ako pinansin. Pero umasta nalang ako na walang napansin sa pag susungit ng iba at nginitian silang lahat.

Pumasok ako sa loob ng studio, hinanap ng mata ko ang make-up artist ko para mag paayos. Una akong nakita nito kaya agad niya akong kinawayan sa kabila ng pagaayos niya ng mga gagamitin

Mabilis akong nag lakad papunta sa gawi nito at binati.

"Nasaan si Vince?" Tanong ko dito. Si Vince ang road manager ko, madalas kasi ay mas maaga pa ito saakin pero himala ata at nauna ako. Kumilos ito para tanggali ang pag kakaharang ng buhok ko sa mukha ko.

"Nasiraan sila, sinundo pa kasi niya si Dan sa boyfriend nito." Ngumiwi naman ako sa narinig, si Dan ang assistant ko. Matagal ng may gusto si Vince dito ngunit alam naming lahat na hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ni Dan sakanya.

Celebrity Series 1: ReclaimedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon