CHAPTER 23

0 0 0
                                    

Leave
(Unedited)

"Ulit!" Malakas na sigaw ni Faith. Inirapan ko siya at sinunod ang choreography niya sa bagong kanta ko.

"Ang init ng ulo mo ngayon." Rinig kong boses ni Blaise na kapapasok lang sa practice room. Faith is Blaise's best friend that she recommended to me, hindi ko naman alam na ganito pala ito kahigpit. Kung alam ko lang...

Nadaan lang din dito si Blaise para dalhin ang pinapabili ng kaibigan nito.

"Are you pregnant?" Hindi nag iisip na tanong ko dito, napansin ko naman ang biglaang pag iwas nito ng tingin at ang gulat na mukha ni Blaise.

"Buntis ka?" Pimikit ito ng mariin at tumango. Gulat man ang mukha ni Blaise napalitan ito ng ngisi at lumapit sa kaibigan. "Sino tatay? Ikaw ha hindi ka nag sabi balak mo pala akong sabayan."

"Dashiro." Maigsing sagot nito. Nung una ay nag loading pa ako, kalaunan ay naalala ko na isa pala iyon sa kababata ko.

"Oh, The Dash Volte." Natatawang niligon ko ang mag kaibigan. "Hindi naman kayo nagusap na mag papatira kayo sa parehas na member ng X9 no?"

"What the hell, Elsi. Of course not." Malakas na angal ni Blaise. Napanguso nalang ako at padabog naupo sa sofa.

"Hayss, ako kaya kailan?" Kung sino pa ang mas madalas masangkot sa scandal saamin ay siya pa ang huling mabubuntis. Sabi na ako talaga pinaka matino sa circle of friends na mayroon ako.

Hindi naman sa gusto ko na, pero parang ganon na nga. Napag iiwanan na ata kami ni Hanniel, medyo mahina ang asawa ko.

"Tapusin mo muna ang tour mo, mag pahinga ka muna mag uusap lang kami ng kaibigan ko." Hindi ko sila nilingon at tumango nalang.

Ipinikit ko ang mata ko hanggang sa hindi ko namalayan ang oras nakatulog na pala ako.

"Bruha gising dyan, number 1 ka nanaman sa bird app." Parang mabuhusan ako ng tubig noong narinig ang boses ni Vince at agad agad binuksan ang mata ko.

"Twitter? Bakit ano na naman ginawa ko daw?"

"Lumalabas na may anak ka." Tumaas ang kilay ko sa narinig, tumayo ako sa sofa na hinihigan ko na pala at pinuntahan ang pagkaing dala ni Blaise kanina.

Hindi na nila binalikan, nakalimutan ata o sinugod na ng bestfriend ko si Dash. Bahala sila sa buhay nila malaki na sila.

"Totoo naman." Bulong ko nang maalala ang kambal na pamangkin ko.

"At single mother ka, pilit mong pinapa ako kay Hanniel ang mga anak mo." Imbis na mainis sa marinig ay natawa nalang ako. Ano anong kwento nanaman ang nabubuo nila.

Pwede na silang maging writer sa lagay na iyon.

"Bakit ko naman gagawin 'yon? At saan ba nila nakuha ang balita nayan." Sumubo ako ng putong puti. Dinada ko lahat ng nasa supot pabalik ng sofa, nakapikit na nginuya ang laman ng bibig.

"Kumakalat picture mo kasama ang kambal at si Lucio." Kung hindi lang ako nakapikit ay umirap na ako. Nakakasawa na ako palagi ang napag didiskitahan ng mga tao. Ayos lang naman kung ako lang pero sana iwasan nilang sumali sa personal na buhay ko.

"Bahala sila gumawa ng issue, Vince pabayaan mo na." Walang pakialam na sagot ko pero nag dadabog na hinatak ako nito. Inis na naupo ako pabalik at tinignan siya ng masama.

"Mawawala endorsements na meron ka pag nag tuloy tuloy ito." Pagod din ang mukha niya dahil din siguro sa inaayos naming concert at ang album na ilalabas ko. Pati na ang promotions at scedule na mayroon ako. Nagulo kase ang lahat dahil sa naunang scandal, naiintindihan ko naman na ayaw na niyang madagdagan pa ang pag hihirap niya.

Celebrity Series 1: ReclaimedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon