CHAPTER 6

5 2 0
                                    

Wala naman akong karapatan...

(Kagaya kahapon unedited ito at puro typo, hanap nalang ako ng time para ayusin tambak kasi. Dalawa lang kamay ko, haha! Nga pala the official them song ng story na ito ay Happier Than Ever- Billlie Eilish doon ko talaga nakuha insparation dito sa story. )

*

"Fucking Hanniel! Wake up! Kanina pa tumatawag saakin ang road manager mo, it's irritating." Inalog alog ko pa ang nakadapa nitong katawan sa malambot kong kama. "Wake up and fix your freaking scandal." Inis na sigaw ko ulit at walang pasabing kinuha ang unang nasa tabi niya at inihagis sakanya kasabay ng katawan ko.

"Shit! Elly your heavy." Paos na awat nito saakin.

Pero parang wala akong narinig at inilubog ang mga mukha sa unan na nag sisilbing nakapagitan saamin ng likod niya.

"You have a fucking kissing scandal with that bitch and yet your here with me after kissing me endlessly last night. Do you think matutuwa ako na makita kang nandito?" Malutong at madiing sermon ko dito habang hindi parin inaalis ang pakakadagann sa likudan niya.

I won't deny, na nag s-selos dahil kulang pa ang galaw ko ngayon para ipakita ito. Pero wala naman akong karapatan kaya ang magagawa ko lang ay sumbatan siya dahi hinalikan din n'ya ako.

Kahapon ay may kumakalat na nag dadate sila sa at may picture sila sa isang hotel, before him telling me that he is on the rooftop of my building, tapos ngayong umaga ang mag kahalikan naman sila sa gitna ng tagong parte sa isang park.

"Then bakit ka ngayon nakapatong saakin ng ganyan." Iritadong ani nito at walang pasabing inikot ang katawan dahilan para malaglag ako sa sobrang parte ng kama.

"Dahil nakakairita ka!" Walang kwenta kong dahilan dito.

"Ano na naman problema mo saakin?" Masungit na tanong nito sabat upo sa kama dahilan para makita ako ng maayos ang mga pandesal nito na sa picture ko lang nakita kahapon.

"Hinalikan mo ako kahapon kahit alam mong dumikit sayo ang labi ng linta na 'yon. Malay ko ba kung anong virus ang meron siya at mahawa-" Hindi nito pinatapos ang sinasabi ko at inihagis sa mukha ko ang unan sabay tayo.

"Wala akong nakahalikan kahapon bukod sayo." Masungit na ani nito at padabog na lumabs sa kwarto ko.

Umirap lang ako sa kawalan bago inayos ang higaan na siya lang ang natulog at sumunod dito. Kahit na gaano ko pa kagustong tumabi dito at pinilit ko ang sarili kong lumayo. Gusto ko pag nakatabi ko siya ay hindi siya lasing.

Mabibigat ang paang nag lakad ako papunta sa kusina, pero agad ding gumaan ng makita ko itong nag luluto ng agahan namin. Napangiti naman ako ng malawak at naupo sa harap ng hapagkainan nakapalumbaba habang pinpaanood siya.

"Hanniel." Tawag ko, hindi siya lumingon he just hummed as an answer. "Pag sinagot mo ako papakasalan na agad kita." Dahil sa sinabi ko ay agad itong napalingon saakin at tinaasan ng kilay.

"Stop saying that." Masungit na ani nito pero hindi makatingin sa mukha ko. Ngumisi lang ako at tumango para iwas away.

"Sana kagaya ni Jenliese pwede din akong maging katambal mo sa isang scandal." Parang tangang bulong ko, sino ba naman kasi ang matinong tao na gustong masama sa isang scandal?

Narinig ko ang pag paltak niya, umirap ako. "Ang choosy mo naman, sabi ng mga fans ko kung lalaki lang daw ako madaming mag kakagusto saaking babae dahil sa ugali ko. Bakit sa lalaki wala?" Kunwaring nag tatampong ani ako. Pero alam ko naman na wala siyang pakeelam kaya inirapan ko nalang siya ulit.

"Pano madaming mag kakagusto saiyo e mas' gentleman kapa sa lalake?" Natawa ako at tumayo. Walang pasabing niyakap ko siya mula sa likuran, this is new. Hindi niya ako tinutulak palayo, hindi na siya ganoon kasungit saakin. Nakakapanibago.

Celebrity Series 1: ReclaimedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon