Prologo: Ang Pagtatagpo

19 2 0
                                    

Prologo: Ang Pagtatagpo

   “Wala kang karapatang umibig sa aking anak!” sigaw ni Ginang  Consolacion na siyang nakapagpatigil kay Leandro. Hawak siya ngayon ng mga kawal sa isang madilim na silid sa kanilang panuluyan. Pilit syang nagpupumiglas ngunit tila wala siyang lakas upang makawala sa mga tauhan ni Ginang Consolacion. “Ang nilalang na katulad mo ay walang karapatang umibig!” walang pasubaling sigaw muli nito.

Nanghihinang napaupo na lamang si Leandro sa kawalan ng pag-asa. Wagas at totoo ang pag-ibig na ipinababatid nya sa dalagang si Carmen, sa kabila ng mga usap-usapang nakatakda na itong ikasal sa isang ring anak ng mayamang negosyante. Si Binibining Carmen lamang ang babaeng hindi naniniwalang kakaiba sya at ramdam ni Leandro na minamahal nila ang isa’t isa.

“Ngunit tunay ko pong minamahal ang inyong anak, wala po akong intensyon na saktan at iwan sya,” pabulong na lamang na usal ni Leandro dahil sa labis na nararamdamang panghihina. Sa kabila ng mga sinabi nyang iyon, nanatiling matigas ang puso ni Ginang Consolacion. “Kailanman ay hindi magiging posible ang inyong pag-ibig, ilang ulit mo mang piliting haluin ang langis sa tubig, kailanma’y hindi ito magiging isa,” may diin at pinalidad na usal ng Ginang. “Saktan sya hanggang sa tuluyang manghina, itapon sa gitna ng gubat at hayaan nyong pagpyestahan ng mga kapwa nya hayop ang kanyang katawan.” huling utos ng ginang sa mga tauhan at agad silang tinalikuran.

Ang mga luha sa mata ni Leandro ay walang humpay na sa pagpatak, bawat luha ay katumbas ng paghihinagpis at tuluyang pagsuko. Ngunit sa isang iglap tila may kakaibang lakas na bumalot sa buong pagkatao ni Leandro, kamangha-manghang buong lakas syang nakawala sa bugbog na ginagawa ng mga tauhan ni Ginang Consolacion, kung kaya't mabilis syang nakatakbo. Pero nang marating ni Leandro ang gubat, nanumbalik ang kanyang panghihina na siyang dahilan upang mahabol at maabutan sya ng mga kawal.

    Sa kabilang banda ay tahimik na namang paglalakad si Yoranda at Kiko sa gubat. Hindi alintana ng magkaibigan ang huni ng iba’t ibang mabangis na hayop, palibhasa’y parehong bihasa sa pakikipaglaban gamit ang espada.

Nawala lamang ang katahimikan ng dalawa nang magtanong si Yoranda sa kaibigan. “Kiko, sa tingin mo may mahahanap pa kaya akong magiging kabiyak ko?” inosenteng tanong ni Yoranda habang patuloy sa paglalakad, lingid sa kaalaman ni Yoranda na matagal nang umibig sa kanyang kaibigan magaling lang itong magtago ng nararamdaman.

“Alam mo sa tingin ko? Wala nang ibang Ginoong magkakagusto sayo. Tingnan mo nga yang pananamit mo, tila nagmumukha kang lalaki, at hindi normal sa mga babae ang makipaglaban gaya ng ginagawa mo, daig mo pa nga ang isang lalaki sa pag gamit ng espada, at iyang buhok mo, subukan mong ayusin at ilugay nang hindi ka mapagkamalang lalaki,” walang tigil o hingang paliwanag ni Kiko habang ikinukumpas ang kamay na tila abogadong may ipinagtatanggol na kriminal. Napatigil naman sa paglalakad si Yoranda at kunot noong binalingan ng masamang tingin ang kaibigan.

“Grabe naman yang mga pinagsasabi mo, Kiko! Kaibigan ba talaga kita? Kung ganoon, ikaw na ang pinaka-masamang kaibigan na nakilala ko!” pasigaw na tugon ni Yoranda saka pinalo ng hawak nyang espada si Kiko at nagpatuloy na sa paglalakad na nakanguso at tila nagtatampo.

Napailing naman si Kiko at nag desisyong asarin pa lalo si Yoranda. “Syempre, ako lang naman kasi ang kaibigan mo, kaya ako na ang pinaka-masungit, masama, mabait, masunurin at higit sa lahat matipuno at magandang lalaki,” kunwaring hinawakan pa ni Kiko ang baba at tumingala na parang nagmamalaki saka nilingon ang napipikon nang si Yoranda.

Muli namang inihampas ni Yoranda ang espada sa paa ni Kiko na ikinatawa na lamang nito. Sa huli ay tatawa-tawa na lamang silang nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa ilang saglit ay nagsalitang muli si Yoranda.

“Pero naalala mo yung sinabi saakin kanina ng matandang monghe sa pamilihan...” tanong pa nito habang patuloy sa paglalakad, “Ang sabi nya, ang lalaking nakatadhana saakin, ang syang tanda na ako’y mamalasin at hindi ko nanaisin na sya’y makapiling, pano na yun? Wala na ba akong karapatang umibig?” nagmamaktol na usal pa ni Yoranda na ikinangisi na lamang ni Kiko.

Half Human's Love [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon