Park

2.9K 52 0
                                        

Gabriel's POV

Nandito kami ngayon ni paolo sa loob ng kotse niya.. remember? Nagpumilit siya na ihatid ako?

Nakakabagot nga lang dahil buong biyahe ay tahimik lang kami.. ewan ko ba.. pagkatapos ng nakita namin kanina ay parang binagsakan kami ng malaking bato na may naka sulat na AWKWARD.. gusto ko sanang magsalita pero.. pero di ko magawa.. ayshh! Paki ref nga po yung laway ko! Baka mapanis na e!

"Doon pa rin ba sa dati yung bahay niyo?" Tanong niya habang nakatingin sa daan habang nagddrive

"Yes" tipid kong sagot habang nakatingin sa bintana ng kotse..

Sakto namang nadaanan namin yung park.. yung park.. yung park! Ayshit! Ulit-ulit?!

"Pao.. stop the car.." sabi ko sabay bukas kaagad ng pinto at takbo papunta ng park

Kung siya pa rin si paolo ko? Baka sigawan na ako neto ayaw na ayaw kasi niya nang basta basta nalang tumatakbo sa daan, ewan ko ba dito.. masyadong paranoid! Anong akala niya sa akin? Hindi marunong tumawid? Gahd! Minsan talaga feeling nanay to e!

Para akong bata na sabik na sabik makapunta ng park dahil tumakbo pa ako papunta dito sa swing sabay upo

"Hoooooo! Yipppppy!" Sabi ko sabay taas ng kamay habang tumataas baba yung swing

Isip bata? Baliw? May topak? Name it.. wala akong pakielam! Dahil WALA PA RING FOREVER! Okay.. bitter alert.. bitter alert

"Babe look oh.. ang cute nung baby sa picture.. sana maging ganyan din kacute yung magiging baby na'tin.." tuwang tuwa na sabi nung babai habang pinapakita yung photo sa phone niya..

"Oonga babe.." sabi nung lalaki sabay halik sa noo nung babai at himas sa tiyan noon.. halatang halata ang pagka excite sa mga mukha nila.. siguro ay malapit nang manganak yung babai..

*flashback*

Nandito kami ngayon ni baby paopao sa bench dito sa park malapit sa house ko.. lagi kaming dumadaan dito every monday, wednesday, and friday.. quality time? Yeah.. masyado kasi kaming busy sa school e.. so.. dito nalang kami nakakapag-usap at nakakapagsama ng medyo matagal..

"Lala.." sabi niya sabay hawak sa right hand ko at sandal sa shoulder ko..

Napangiti ako.. nakakatuwa lang kasing isipin na ang isang badboy sa campus ay sobrang sweet sa isang kagaya ko.. natatawa na lang nga ako kapag naririnig ko ang pangjjudge ng ibang tao sakanya e.. kagaya ng mayabang.. masungit.. palaaway.. etc etc etc..

Hayy.. kung alam niyo lang.. kung alam niyo lang kung gaano kasweet ang lalaking ito.. kung alam niyo lang kung gaano 'daw' siya katakot na mawala ako.. kung alam niyo lang kung gaano siya kaamo kapag kasama niya ako.. hay.. nakakatuwa talaga.. nakakatuwa talaga kapag naiisip ko kung gaano ako kaswerte sa lalaking ito

"Lala.. nakikita mo ba yun?" Sabi niya sabay turo sa isang couple

"Yung may kasamang preggy?" Sabi ko sabay tingin sakanya habang siya nakasandal pa rin saakin

"Oo.. lala.. gusto ko five yung magiging anak na'tin ha?" Sabi niya sabay upo ng maayos at tingin sa akin habang nakangiti

Ano daw?! Lima?! Seryoso ba siya?! Paano niya naiisip yung mga ganitong bagay?! Eh firstyear high school palang kami! Hibang ba siya?!

"Hoy clememte! Manahimik ka nga dyan! Ang bata bata pa natin no!" Sabi ko sabay hampas sakanya

Tumayo siya at tumakbo dahil sa umiiwas siya sa panghahampas ko sakanya "Seryoso.. gusto ko ng limang anak! Okay?! Apat na lalaki isang babai!" Sabi niya habang tumatakbo at ang loko? Ayun! Natatawa pa!

"Aba't!! Hoy! Halika nga ditong abnoy ka!" Sabi ko sabay tayo at habol sakanya "pag ikaw nahuli ko humanda ka!!"

*end of flashback*

Napahinto ako sa pagsswing.. napatingin ako bigla sa relo ko, late na pala.. seven pm.. at napatingin ako sa langit.. pinipigilan ang pag-agos ng mga luha ko..

Ang weak ko pa rin pala.. sobrang weak.. bakit ba puro iyak nalang ang ginagagwa ko ngayong araw?! Ayshhh! Tumayo ako at inayos ang sarili ko

"Tapos ka na bang maglaro?" Bored na tanong niya habang nakapamulsa sa harap ko

Nandito siya? Sumunod siya? Kailan pa? Ganon ba ako kaconcentrated sa pagddaydream ko kanina at hindi ko napansin na nandito siya?! Nako naman.. mukhang pinanuod pa yata niya ako habang nagddrama kanina ah!!

"Whatever.." sabi ko sabay lakad papunta ng kotse niya at pasok sa loob

Silence..

Silence..

Viola! Nandito na kami ngayon sa harapan ng bahay ko.. nang akmang bubuksan ko na ang pinto ay bigla nalang siyang lumabas ng kotse at siya ang nagbukas ng pinto para sa akin.. wow naman.. how sweet.. kikiligin na ba ako?! Ts

I managed to smile "thanks" sabi ko sabay baba "Pasok ka muna?" Pagaaya ko pero tumanggi siya

"Sige.. ahm.. pao?" Sabi ko then I hugged him.. at nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya, nakita ko rin na namumula ang mga tenga niya, kinikilig siya? Mygahd! Yakap palang yon! Paano pa kaya kung hinalikan ko siya no?! Baka nangisay na to ng todo rito "thanks.." sabi ko sabay alis sa pagkakayakap ko sakanya

"Okay, goodnight.. yung knee mo.. sabihin mo kela yaya elena tignan okay?" Sabi niya sabay pasok sa kotse niya at start

I waved at him.. clemente.. bakit ba sobrang pinapadali mo lang ang lahat para sa akin? Sabagay.. ayos lang yun.. para madalian ako sa pagdurog ng puso mo..

Gabriel's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon