Us?!

1.6K 30 0
                                    

Sydney's POV

"Goodmorning class!" Mr james greeted us cheerfully

Aysh! Eto nanaman po siya..

Ang pinakagwapong teacher sa balat ng lupa..

Pero bading naman!

Aysh! Naalala ko nanaman tuloy yung nangyari last valentines day! Akalain niyo ba namang may nag surprise sakanya na co-teacher niya? Eh alam naman nun na bading si sir james e! Alangan namang sagutin siya nun! At si sir james? Ayun.. binusted si ma'am jean!

Minsan nga gusto ko nalang sigawan to ng 'sir james! Haba ng hair! Nag rejoice kaba gay?' Hahaha! K! Corny alert! Corny alert!

"Okay class.. as you can see march na ngayon.. and malapit na ang realising of grades, clearance, at ang pinakahihintay ng lahat.. ang graduation!!!! Pero bago yon? Bago ang masasayang mga araw niyo? Syempre kailangan niyo munang maghirap.." pagkasabi niya noon ay halata ang pagkalungkot sa mga mukha ng classmate ko

Kahit naman ako e! Mygahd! Napaka KJ naman ni sir james! Kelangan talagang makisabay sa bumabahang projects, quiz, assignments at kung ano pa man?!

Kulang nalang lahat kami magsabi ng 'awwwwwww' sa sobrang pagkadismaya pero alam niyo kung ano ang weird? Bigla nalang ngumiti si sir james.. alam niyo yung ngiting may masamang binabalak? Uh oh..

What's happening in this country?!

"Class.. I will group you into two okay? Wala kayong choice.. simple lang naman ang gagawin ninyo eh.. magppunta kayo sa baguio! Isn't amazing?!" Tuwang tuwang sabi pa ni sir james

"Kyaaaaaaaaaaaaaah!!!!!!"

"Baguio! Baguio!!!!!!!! Wohooooo!"

And the crowd just got wilder and wilder and wilder! Emeeee!

"Eh sir? Ano naman po ang gagawin namin doon?" Nagtatakang sabi pa ng isa kong classmate

Oo nga.. ano namang gagawin namin doon? Pipitas ng strawberry at papatubuin ang mangga out of it? Yeah right! What a joke! Ipagpatuloy mo yan sydney!

"Simple lang.. ang bawat assigned partners ay gagawa ng documentary tungkol sa mga tao, bagay, pagkain, oh kahit hayop na matatagpuan sa baguio.. pero siguraduhin niyo lang na catchy ang gagawin niyong iyan okay? I mean.. dapat maccatch ang attention namin.. is that clear? Tandaan niyo.. clearance niyo ang nakasalalay rito.." pagkasabi niya noon ay may ipinaskil siyang dalawang white cartolina sa blackboard

"Class.. nandito ang schedule ng alis natin, kung kelan babalik, at kung sino sino ang mga partners. See you tommorow! Ciao!" Pagkasabi niya noon ay isa isa nang nagsitayuan ang mga classmate ko at sabaysabay na nagpunta sa board

Pagkatapos ng ilang saglit ay tatlo nalang kami nila paolo, at stanley na naiwan sa classroom

Sino kaya ang kapartner netong dalawang ito?

OMG! Sino kaya ang kapartner ni fafa stanley?!

Dali dali akong lumapit sa board at iniscan ang cartolina

"Stan.. stan.. stan.. ayun!" Pagka stop ko sa tapat ng pangalan niya ay napayuko ako ng malaman ko na lalaki ang kapartner niya

Nasaan ang hustisya?!

Pero bago pa ako tuluyang madismaya ay bigla nalang lumaki ang mata ko ng malamam ko kung sino ang kasama ko!

"Paolo Clemente - Sydney Roberts" what the?!

Anong kagaguhan ito?!

Sinong herodes ang naglagay neto rito?!

"Syd?" Bigla akong napatingin sa lalaking tumawag sa akin mula sa likod

"Bakit stan?" I managed to smile kahit ang totoo ay gustong gusto ko nang magpatiwakal

"Ingat ka pauwi okay?" Pagkasabi niya noon ay lumabas na siya ng classroom

Ako naman ay naglakad na papunta sa upuan ko para kunin ang bag ko

"Pangit" Pagkasabi niya noon ay nag walk out na kaagad siya

Teka?! Uso ba ang mga nagwwalkout ngayon?!

*bzztbzzzt*

Bigla akong napatingin sa phone ko

One message receive

From: 09*********

Pangit save my number, tawagan mo ako bukas pagkadating mo. Meet me at the parking lot

Ano?! Pangit?! Gago ba ito?!

Sira ulo talaga itong unggoy na ito! Saan ba to pinaglihi ng nanay niya?! Oh baka naman itinanim lang siya? Alien mga ganon? Sabagay.. aysh! Bahala na nga siya! Sapakin ko lalamunan niya e! Akala niya ba susundin ko siya? Ano siya? Chic? Manigas siya!

Gabriel's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon