Sydney's POV
"Nandito na tayo" sabi ni kuya albert
"Ah osige po, pasok na po ako" I replied then he leave
Nandito na ako.. nandito na ako sa isa sa pinaka sikat na eskwelahan mg bansa
Ano kaya ang naghihintay sa akin dito?
Kasi naman itong si gabriel e.. nagpumilit pang dalhin ako rito..
At ang masaklap pa dun? Dito pa ako pinag-aral! Sa eskwelahan kung saan ang unang batayan ng salitng respeto ay ang itsura bakit ba may mga ganitong lugar? Nasaan ang hustisya?!
***
"G..goodmorning sydney roberts here" sabi ko sabay yuko sa harapan ng klase
Nandito na ako ngayon sa bago kong room
Iginala ko ang tingin ko sa buong klase
Wala naman akong nakikitang ano mang problema..
Mukha naman silang mababait..
Sana..
"Okay miss roberts humanap ka na ng vacant seat"
Pagkasabi niya noon ay humanap na kaagad ako ng bakanteng upuan at.. viola!
May bakante sa dulo
Papunta na ako sa isa sa tatlong bakanteng upuan ng biglang may sumabay saakin sa pagpunta doon
Alam mo yung feeling ng dambahan momemt sa basketball? Ganon ang nangyari saamin ng nilalang na ito! Srsly? Babai po ako! Hindi ako lalaki! Wag mokong madamba damba!
"Hoy ano ka----" I stopped
Shit! Siya nanaman?! Bakit ba sagabal itong lalaking ito sa pag unlad ng buhay ko?! Naalala niyo pa ba? Yung lalaki na nagbagsak ng mga libro sa paa ko?
"Mr paolo clemente!" Napatigil ang lahat sa pagsigaw ni mrs perez
Teka? Paolo Clemente? Ayun pala ang pangalan ng antipatiko na ito?
Wala namang nag inform sa akin na paolo na pala ang bagong pangalan ng demonyo ngayon?
"What?" Pacool na sagot niya pa
Aba't! Tignan mo nga naman oh! Wala talagang takot ang hambog na ito! Dapat sa mga ganitong tao ginigilitan ng leeg e!
"Pwede ba? For once? Maging gentleman ka naman?! Paunahin mo si ms roberts!" Naiinis na sagot niya sabay cross arms
Aba.. mukhang nakahanap ng katapat itong abnormal na ito ah..
Naupo na ako sa gitna ng dalawa pang vacant seat at lahat napatingin saakin ng bigla siyang umupo sa tabi ko, teka? Ano nanamang kasalanan ko? Bawal na bang maupo ngayon sa upuan na ito? Sabi naman ni mrs perez sa bakante ah? Eh bakante kaya ito! Ano?! Aangal?!
"Hoy antipatiko" mahinang sabi ko
He nodded "Pangit"
Aba't! Loko talaga itong lalaking ito ah! Ako na kaya ang kumitil sa walang kwenta niyang buhay?
"Bakit sila nakatingin sa atin?" Seryoso kong tanong
He smirked, oh.. oh..
Parang hindi ko yata gusto yung mukha netong hambog na ito ah.. mukhang mayuyurakan nanaman ang pagkatao ko rito..
"Pangit na nga feeler pa" sabi niya sabay yuko at tulog
Ahhhhhhhhhhhhhh! Tangina talaga netong lalaki na itooooo! Pengeng baril! Babarilin ko lang itong lalaki na ito!
BINABASA MO ANG
Gabriel's Revenge
RomanceKasalanan ko bang mainlove?! Kasalanan ko bang magpaka-tanga?! Kasalanan ko bang magbulag-bulagan?! Kasalanan ko bang wala akong ibang ginawa kundi mahalin siya?! Siya lang at walang iba?! Kasalanan ko bang hindi nalang pansinin ang sinasabi ng iba...