(Np: She was mine by aj rafael)
Paolo's POV
"Drivin' me crazy huh?" Cool na sabi ko habang nagddrive pa rin papunta ng baguio
Ang babaing ito.. ano ba talagang ginagawa niya sa akin? Una ayaw niyang patahimikin ang buhay ko sa eskwelahan, sunod kung anu-anong pinagkkwento niya sa akin na hindi ko na makalimutan sa sobrang paulit-ulitulitulit.. ngayon naman?! Parati ko na siyang gustong kasama?! Lalo na kaninang umaga! Halos mawasak na yung phone ko dahil sa kakatext at kakatawag sa kanya! Pero ang pangit na ito! Hindi manlang sinasagot!
Yeah your right.. nag-aalala nga ako sakanya kanina, hindi sa gusto ko lang siyang pagmadaliin oh dahil sa nasakanya ang mga equipment para sa documentary.. ewan ko ba! Pag kasi hindi ko siya nakikita ang pakiramdam ko ay may katangahan nanamang nangyayari sakanya, ewan ko ba sa babaing iyan! Tinalo pa ang salitang katangahan sa sobrang tanga!
Pati tuloy ako nag-aalala! Hindi sa may gusto ako sakanya okay?! She's not my type! Sobrang hindi! Napaka layo kaya ng itsura niya sa itsura ni gabriel! Sobrang layo! From bulacan to baguio!
***
I look at my wrist watch to check the time "Lunch, shit" bigla kong binilisan ang pagpapatakbo at humanap kaagad ng malapit na resto
Buti nalang at nandito na kami sa baguio
I stopped the car sa pinakaunang resto na nakita ko, baka kasi gutom na itong pangit na kasama ko e. Baka lalong pumangit tas sisihin pa ako!
Baka may ikapapangit pa to?! Baka magpatiwakal na lahat ng lalaki pag nangyari yon? Ts
"Hoy pangit" sabi ko sabay hawak sa kamay niya at pisil nito
Tulog mantika! Pangit na nga tulog mantika pa!
"Hoy, pangit! Get up! I'm hungry!" Pagkasabi ko noon ay bigla ko nang binuksan ang pintuan ng kotse sabay labas at lumipat ako sa kabilang side ng kotse kung nasaan ang bintana ni sydney
I opened the passengers door and I took off her seatbelt "Hoy pangit" sabi ko habang magkalapit ang mukha namin
Matangos na ilong, mapupulang mga labi, mahabang pilikmata. Maganda naman pala siya e.. kung wala nga lang siyang makapal na salamin, tigyawat, at kung hindi siya manang, kaso manang siya e, kaya pangit siya
Bigla niyang iminulat ang mga mata nya
At ipinikit ulit, sabay dilat ulit
Problema netong babaing to?
Biglang nanlaki ang mata niya sabay takip ng bibig
"Aray!"
"Shit!"
Sabay naming sabi, paano ba naman itong babaing ito?! Bigla ba namang nataranta! Ayan tuloy! Nagkauntugan kami! Aysh! Tanga talaga!
"Sorry! Sorry!" Sunod sunod na sabi niya sabay labas ng kotse at habol saakin dahil papasok na ako ng resto
"Huy sorry na!" Sabi niya pa sabay kalabit sa akin
"Waiter!" Sabi ko sabay cross arms
Ang babaing ito! Tao ba talaga siya? Oh baka naman balat lang siya? Napaka malas kasi e! Pati ako dinadamay sa kamalasan!
"Sir? Order niyo po?" Dali dali akong kumuha ng menu at itinuro ang mga gusto ko
Pagkatapos kong um-order ay napatingin ako sa pangit na kasama ko, shit! Bakit ganon?! Bakit namumula yung mata niya? Bakit parang iiyak na siya?
"Hey" sabi ko sabay hawak ng chin niya at angat ng mukha niya
Shit! Umiiyak ba siya?!
"S..*sob*so..*sob*sorry" pagkasabi niya noon ay bigla kong hinawakan ang kamay niya at tinignan ko siya ng diretso
"No need, it's okay" I smiled
She smiled back and in just one click? Bigla nalang naglighten up ang mukha niya
That smile.. that is what I'm looking for.. a smile
"Sydney, I have a great idea" pagkasabi ko noon ay umalis na ang waiter at napatingin siya sa akin
"Idea?" Halata ang paktataka sa mukha niya
"Alam ko na kung ano ang iddocument natin"
Pagkasabi ko noon ay inexplain ko na ang plano ko sakanya
And as I expected? Halatang nagustuhan niya ang plano ko
Tuwang tuwa pa nga siya habang iniimagine niya ang kakalabasan ng mga plano namin e, minsan nga ay napapapalakpak pa siya. Baliw talaga
Sydney's POV
Nandito kami ngayon sa isang strawberry farm sa baguio, para sa documentary namin. Bwisit kasing computer class yan e, kailangan pa ng docu. bakit kaya hindi nalang siya manuod sa TV? Ayun mas totoo pa iyon!
"Pao, paki set up nalang yung dalawang camera dito atsaka dun sa kabila ha? Para maganda yung makuha natin na angles" he nodded
Pagkatapos ay nilagay na niya ang mga camera sa assigned place
First shoot? Strawberry farm. Anong shoot? Simple lang, mga masasayang mamamayan ng baguio habang nagtatawanan halatang masaya sa mga ginagawa nila kagaya ng paghharvest, pagtatanim at kung anu-ano pa
Habang nagshshoot kami? Pati kami ni paolo ay napapangiti habang pinagmamasdan ang mga tao na masayang-masaya sa mga ginagawa nila.
Ang galing lang kasi.. kahit sobrang hirap na nung ginagawa nila ay nakukuha pa rin nilang ngumiti.. hindi kagaya netong paolo na ito.. laging busangot! Pakainin ko kaya ito ng isang truck ng strawberry? Possible kayang ngumiti ito ng panghabang buhay?
Paolo's POV
Ang sarap nilang pagmasdan.. parang ang gaan ng buhay nila.. alam mo yung tipo ng tao na parang walang ibang iniisip kung hindi yung present? Sila iyon.. halatang gustong gusto nila yung mga ginagawa nila..
At ito.. ito yung mga tao na gusto kong makita.. yung mga ngiti nila.. yung mga tawa nila.. na kahit ang bigat bigat na ng dinadala nila nagagawa pa rin nilang ngumiti..
Pero bigla akong napatingin kay sydney, nakangiti rin siya..
Bigla kong iniwas ang tingin ko at ibinalik sa camera
Mahirap na.. baka mamaya magfeeling pa itong pangit na ito. Baka sabihin niya pa ninanakawan ko siya ng tingin, may pagka feelingera pa naman itong pangit na to.
BINABASA MO ANG
Gabriel's Revenge
RomanceKasalanan ko bang mainlove?! Kasalanan ko bang magpaka-tanga?! Kasalanan ko bang magbulag-bulagan?! Kasalanan ko bang wala akong ibang ginawa kundi mahalin siya?! Siya lang at walang iba?! Kasalanan ko bang hindi nalang pansinin ang sinasabi ng iba...