UD 10

55 1 0
                                    

MEG'S POV

"Hi! I'm Alice. I'm looking for Ms. Meg, andito ba sya?" Narinig kong bati ng tao sa may pintuan. That familiar voice. I knew he will do this. I must do something. Think Meg, think!

"Girl! May naghahanap sayo, ms. Alice daw. Kilala mo? " pagbaling naman ni Jean sa akin.

"Ha? Ah--eh.. I think so." walang buhay kong sagot. Agad din naman akong lumapit sa kanila.

"Hello Ms. Meg! Its nice to see you again" bati ng magandang babae. Tama nga ang hinala ko, si Ms. Alice nga ang pamilyar na boses na iyon. Stylist at assistant sa botique ng mama ni Pace. Hindi ko alam kung paano ako makakahindi ngayong mama na ni Pace ang nangungulit.

"Nice to see you again din po. Pasok po kayo"  agad din naman siyang pumasok kasunod ang dalawang beki na kasama nya.

Naupo sila sa sala at hinainan sila ni Jean ng juice at biscuits.

"Ms. Meg, nabanggit naman po siguro ni madam kung bakit kami nandito. So shall we start? " sabi ni ms. Alice. Gosh! Wala na bang ibang paraan para tumakas?!

"Opo, pero--" naputol ang salita ko nang biglang may tumawag sa hawak hawak kong phone. Yeah right! Mom ni Pace. 

"Excuse lang po. Sagutin ko lang po." Saka ko sinagot ang tawag

"Yes tita?"

{Hello Meg! Andyan na ba ang mga pinadala ko?}

" yes po. Medyo kakarating lang po nila"

{" oh. Mabuti naman.  Maaasahan ko talaga yang si Alice. Sila na bahala sa inyo ni Jean. Ako mismo ang pumili ng mga damit na susuotin nyo. Wala na kayong ibang aalalahanin, may susundo na rin sa inyo." }

"Thank you po tita, pero--" hindi nya ako pinatapos magsalita. Bakit? Bakiiiittt??!!

{"You're welcome! Sige na, magayos ka na at baka malate pa kayo. Bye!} And then she hung up.

Omg! That's it. Wala na akong choice kundi magpunta.

"Girl! I thought hindi ka pupunta? Pero bakit mukang handa handa ka naman" pagpapabalik ni Jean sa akin sa ulirat.

"Wala talaga akong balak magpunta kaso yung mom ni Pace, sya mismo nagpadala nyan. Pati mga isusuot natin sya na rin daw ang pumili. " mapakla kong sagot.

"Really? As in natin? Including me?" Tuwang tuwa nyang tanong sa akin.

"Yeah. Of course. Sino pa bang kasama ko?"

"Wow! I should thank her, di ba? " Sabay kuha ng phone nya at nagastang magdidial sa phone nya. "On the other hand, wala pala akong contact nya. Next time na lang."

Natawa naman ako sa sinabi nyang iyon. Hindi halata sa kanya ang pagkaexcite ha. Hinding hindi!

Kaagad na din naman kaming nagpaayos kila ms. Alice at sa assistants nya.

Iniabot sa amin ang dress na pinili ni tita para maisuot na namin bago mag makeup. Ang sa akin ay black tube dress na may sheer covering para maging off shoulder. Kay jean naman ay baby pink na sleeveless na A-cut yung lower part at knee length din parang sa akin.

"Girl! Dapat pala laging body fit ang damit mo para ma emphasize ang curves mo." Si Jean na pumasok pala sa kwarto ko.

"Baliw. Alam mo namang mas okay sa akin yung mejo loose na shirts ang blouses di ba?" sabi ko habang nananalamin.

My midnight DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon