UD 12

31 0 0
                                    

MEG'S POV

"I told you, he's your stalker" bulong sa akin ni Arnold.

Nagulat din ako nang makita ko sya sa lobby. Paano kung totoo nga yung sinasabi ni Arnold? Seriously? Si Arnold naniniwala sa mga ganon?!

Nagpanggap na lang akong hindi apektado sa sinabi nya at nagtungo na lang sa elevator.

Tanghali na nang magising ako kinabukasan. Bigla kong naalala si Jean na hindi ko kasabay umuwi kagabi. Kaagad akong nagpunta sa kwarto nya at doon dinatnan ang isang humihilik na Jean. My poor bestfriend. Saan kaya siya dinala ni Pace kagabi.

Speaking of Pace. Makokonyatan ko talaga yung lalaki na yun e. Bigla bigla na lang nawawala, at sa mismong party pa talaga nya ah.

*bzzt bzzt*

Nagvibrate ang phone ko na hawak hawak ko.

Arnold:

Hope you had a good sleep. Good morning!

W-wait. Baka wrong sent lang. Isang Arnold magtetext ng ganito? Magugunaw na ba ang Earth?!

*bzzt bzzt*

Isa pang text ang dumating galing naman kay Pace.

Sunduin kita ngayon. May kailangan tayong pagusapan. Seryoso to.

At talagang magugunaw na ang Earth. Si Pace, seryoso? Asa naman.

Binalikan ko ang mensahe ni Arnold at binasa ulit.

Habang nakatitig ako sa phone, nagtext ulit sya

Hope you had a good sleep, Meg. Good morning!

Dun ko lang na confirm na di sya nagkamali ng send.

Mukhang kailangan na ng Earth ang enery ball ni Goku.

Naggood morning lang din ako sa kanya bilang reply. Ewan ko pero medyo na aawkward ako.

Naglilinis ako ng kwarto ko ng biglang may nagdoorbell.

Pagbukas ko, mukha ni Pace ang sumalubong sa akin.

"Bat ka nandito?" Tanong ko sa kanya.

"I missed you too." Sagot naman nya at nagtuloy tuloy ng pasok sa unit.

"I missed you your face."

"Yan ba suot mo pag alis natin? Tara na." Pag iba nya ng usapan.

" anong aalis. Hindi ako aalis."

" nagtext ako sayo. Hindi mo ba natanggap?" Sabay kuha ng phone nya para ipakita yung sakin yung text nya. " ayan oh"

"Nabasa ko. Malay ko bang marunong ka palang magseryoso. Hahaha" pagbibiro ko sa kanya

Isang buntong hininga lang ang naisagot nya sabay upo sa couch.

"Ano bang problema mo?" Tanong ko.

"Wala. Magbihis ka na. Bilisan mo."

"Ayoko umalis, may ginagawa ako. Dito na lang tayo magusap."

" hindi pwede. May ipapakilala ako sayo. Bilisan mo. Kanina pa yon nasa coffeeshop. "

" hindi ako nakikipagblind date, Pace. Sa iba mo na lang ireto. " sabay pasok sa kwarto ko.

"Hindi to blind date. Sige na Mae, pagbigyan mo na ako." Sinundan nya pala ako. Nakita ko syang nakasandal sa may pintuan.

"Hindi pa ako tapos maglinis oh. Di mo ba nakikita?" Pagsusungit ko sa kanya.

"Ako na bahala jan mamaya. Basta sumama ka na lang."

My midnight DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon