UD 4

112 15 16
                                    

MEG'S POV

Natapos na ang klase ko sa buong araw. Stress-free pala ang sched ko ng TTh e. Woohoo!!

Nandito nga pala kami ngayon ni Jean sa coffee shop sa loob ng school. Dito nagiintern yung some HRM students ng school. Dito kami tumatambay since naging bf ni Jean si Carlo. HRM and business courses kasi usually ang kinukuha ng mga varsity e. Yes, varsity si Carlo kaya naman talagang lapitin ng mga babae. Eto namang bestfriend ko, bantay sarado talaga kay boyfie.

Nagrereview ako para sa recitation bukas ng kausapin ako ni Jean.

"Girl, naguusap na kayo ni Arnold? Sabi nya classmates daw  kayo sa psychology ah" tanong nya sakin

"Uhm. Yup. Classmate ko sya. masungit pa rin but partner ko sya sa isang research."

"Ooh! Interesting!" Nakangisi nyang sabi sakin.

Di nagtagal ay pumasok ng coffee shop si Carlo.

"Babe!" Tawag ni Jean dito. Tinanguan lang sya nito at nagpunta ka mga kaklase nya.

"Parang di ka girlfriend ah. Yung totoo, baka naman hindi nya alam na kayo?" Sarcastic kong sabi kay Jean

Tumawa naman sya ng pilit. Matagal ko na syang kilala. Kahit hindi nya sabihin, alam kong nasasaktan sya sa kung paano sya tratuhin ng boyfriend nya. Aww! Poor Jean :(

Pumasok naman ang iba pang varsity. Ang dami nila, ang iingay pa, ano ba yan. Paano ako makakapagaral nito?! Tsk!

"Mae!" Tawag ng isang lalaki. Di ko naman nilingon kung sino iyon. "Mae!" Tawag nya ulit sabay gulo sa buhok ko. Gosh! Walang matinong tao ang nagtatangkang hawakan ang buhok ko!! Babalatan kita ng buhay. Grr! Pag lingon ko, si Pace pala. Team Captain ng basketball.

Anak ng tokwa talaga to. Sinabi nang hanggang sa bahay lang ang 'Mae' na yun. Si mommy kasi, kaya daw 'Maegan' ang spelling ng name ko para daw 'Mae' ang nickname ko. Ayoko nga. It's too girly for me!!

Agad ko namang kinuha ang kamay nya para maiwasan ang further damage sa buhok ko :/ pagkatapos ay kinurot ko iyon ng makapal. Ganon talaga kami, mejo pisikalan. Haha. He's one of my closest childhood friend. Yung isa kong kababata, bigla na lang nawala e. Same kasi kami ng village kaya naman naging malapit talaga ako sa kanya.

"Wag mo nga akong tawaging Mae, kinikilabutan ako e. Meg or alex will do, okay? " sita ko sa kanya.

"Ayoko nga. Dun ako sanay e :p" at talagang dumala pa sya ah.

"Akala mo naman ikinagwapo mo yang pag dila mo?"

"Hindi, ikina'cute ko lang. Tignan mo, effective.  Hahaha" sabay turo nya sa mga babae sa dulong table. Wala pa rin talagang ipinagbago to. Habulin pa rin. Kung tutuusin, sino ba naman ang hindi maglalaway sa tulad nya, gwapo na, maganda pa katawan at pag kumanta, wala na, nagkalat na ang mga panty sa sahig sa dami ng nalaglagan. Haha

Pero wala pa akong nabalitaang naging gf nya e. Nakikipagdate lang daw sya, but not exclusively.  Hmm. Bakit kaya.

Nabaling ang tingin nya kay Jean. Magkakilala na naman sila kaya no need for introductions na. "Hi Jean!" Bati nito kasabay ng matamis na ngiti

"Hi!" Sagot naman ni Jean

"Umaano ka ba dito?  " pag iba ko naman.

" wala lang.  Nahatak lang nila ako e. Papunta na sana ako sa dorm, kaso naharang nila ako e. " sagot nya naman sabay subo sa new york cheesecake ko.

"Uwi ka ba this weekend?" Tanong ko sa kanya

"Yup. Bakit?"

"Pasabay ah. Sayang pamasahe. Haha"

My midnight DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon