UD 9

79 1 0
                                    

ARNOLD'S POV

Naglalakad kami from parking lot ng bldg papunta sa unit nila. Hindi kami nagkikibuan. This is so awkward!!

Kung hindi lang ako natapilok ng mejo epic ay wala naman ako sa sitwasyong ito. Ang plano ko lang naman talaga ay silipin kung ano nang ginagawa nya at sundan sya hanggang sa makauwi sya.

On the other hand, okay na rin at nakasama ko sya. Hindi ko alam kung anong nakain ko and I had the courage to talk to her.

"Pace!" Tawag ni Meg sa lalaking pasakay ng elevator.

Paglingon nya, si Pace nga. One of the schools celebrity basketball player and her bestfriend. Perfect timing huh?!

Tumakbo si Meg towards him and she hugged him. Woah! Seriously?! Ganon sila kaclose?!

Pag sakay namin ng elevator ay ipinakilala na ako ni Meg kay Pace.

"Uhm. Arnold, si Pace nga pala. kilala mo naman siguro sya no?"

"Not really. " sagot ko naman sa kanya.

"Pace pare" inabot nya yung kamay nya sa akin. Hindi naman ako naging bastos at nakipagkamay na rin pero hindi ako nagsalita.

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" Tanong ni Meg kay Pace.

"Ah. Oo nga pala. Confirm ko lang sa inyo about dun sa party ko this sat. Cannot be reached kasi yung phone mo e so I decided na dumaan na lang dito." Sagot naman ni Pace.

Nakarating na kami sa floor nila pero hindi pa rin natatapos ang paguusap nila.

Parang hangin lang ako dito, nakabuntot sa kanila.

"Eh sya? Bakit sya nandito?" Narinig kong tanong ni Pace sabay turo sa akin.

Bumulong naman yung isa pero hindi ko narinig. Ilang saglit pa ay umalingawngaw sa corridor ang pagtawa nitong mokong na 'to.

"HAHAHAHA! Magluluto ka? For real? Baka lalong madagdagan ang kasalanan mo sa kanya! Hahahaha!" Malakas nyang sagot kay Meg.

"Ang ingay mo! Ang ingay mo! Nakakahiya ka!!" Pinaghahampas nya sa braso si Pace.

"Ehrm" Napatingin sya sa akin atsaka tumigil sa harutan nilang dalawa. E kung umuwi na lang kaya ako?! Hmp!

Kinuha nya ang susi sa bag nya at saka pinapasok kaming dalawa. Tumuloy kami sa sala nila.

MEG'S POV

Napasubo ata ako sa pag invite ko kay Arnold. Di ko naman kasi inexpect sa sasama sya. Hayyy!

Naalala ko bigla yung binilin sa akin ni Jean kanina. Alam ko nagluto sya e.

Tinignan ko sa mesa yung ulam pero pang isang serving na lang yun. Hindi kasya sa aming dalawa... or tatlo?

"Pace! Dito ka rin ba kakain?" Tanong ko sa kanya mula sa kusina na hindi naman kalayuan.

"Of course! Hindi ko dapat mamiss ang luto mo.. you know, it's a rare thing. I must be present as your bestfriend. Hahaha" eto talagang lalaking to, sarap batukan ang lakas lang mantrip e.

Tinignan ko yung laman ng ref kung ano pwede kong lutuin.

"Ano bang lulutuin mo?" Tanong sa akin ni Pace na nasa likod ko na pala.

"Uhm. Ah. Eh. Hindi ko pa alam. Ano ba palagay mong pwede kong lutuin gamit yang mga yan?" Pinakita ko sa kanya ang laman ng ref.

"Don't ask me. Im not helping you. Hahaha!" Sabay takbo papuntang sala. Pasalamat sya mabilis sya kumilos, kundi, baka nabatukan ko na sya.

My midnight DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon