UD 5

102 9 10
                                    

MEG'S POV

10pm na nung nagising ako. Sabi ko idlip lang e. Tsk.

Naramdaman kong tumunog ang tyan ko. Hindi pa nga pala ako kumakain ng dinner so I decided na bumili ng food sa convenience store sa baba ng building. Hindi na naman ako nagpasama kay Jean dahil mahimbing na syang natutulog sa kama nya.

Pag labas ko ng unit, sabay din namang may lumabas sa unit ni Troy. Natulala na lang ako *0* he's freaking hot!!! Bakat sa kanyang body hugging na v-neck shirt ang kanyang magandang katawan, bumagay din sa kanyang mahabang legs ang tight jeans at high cut leather shoes nya. Stylish din ang hair nya na naghighlight sa magandang features ng mukha nya. Sino kaya to? Pinsan kaya to ni troy or baka friend nya. Tanungin ko na lang sya bukas.

Papuntang elevator yung guy so sinundan ko na sya since pababa naman talaga ako *palusot pa Meg!!*

Ground floor din pala sya bababa. Kaagad din namang nagsara ang elevator. May naamoy akong pamilyar na amoy. Ah! Kaamoy sya ni Pace, Lacoste Red. I really love that smell, so manly. *sniff sniff*

Palingon na sya ng umayos ako ng tayo. Nahalata nya ata na mejo inaamoy amoy ko sya!*gulp* napalunok na lang ako. Di naman nya tinuloy ang paglingon nya. Nakakahiya!!!! T_T lamunin mo na ako ng buo, elevator.  Huhuhu.

Ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto ng elevator. Kaagad naman akong lumabas. Nakakahiya talaga.

Kumuha na kaagad ako ng food ko para makapag simula na din akong magreview. Noodles, siopao at red tea lang naman ang binili ko para sa dinner/midnight snack ko. Nakita ko namang may sumundo dun sa guy na nakasakay ko sa elevator kanina habang nakapila ako sa counter. Hmm. Pamilyar yung car, hindi ko naman nakita yung plate number.

nagsimula na ako magreview habang kumakain. Ano ba yan, recitation lang naman pero sobra ang pagrereview ko. Ako ba 'to? Haha.

natapos akong magreview bago mag ala una ng madaling araw. nagtoothbrush at naghilamos muna ako at saka natulog. Sana magising ako ng maaga T_T

PACE'S POV

I have a habit putting my earphones on but not playing any music. Hindi naman sa nag'e'earvesdrop ako, pero its really funny how people act when they know that you're not listening. I think that's my own way para makilala talaga ang isang tao. And kanina nga,may nangyari nanamang hindi ko inaasahan. Kasama ko ang team nang magpunta kami sa coffee shop sa school then I saw may bestfriend and her bestfriend there. Well, its a common scenario naman pero di ko inaasahang aalis kaagad si Meg. Alangan namang iwanan kong magisa si Jean doon.

So yun nga I put my earphones on and pretend that i'm asleep, hindi naman kami gaano close ni Jean e. Then all of a sudden I heard Jean and Carlo talking. Ayoko man makinig, wala na akong magawa. Narinig ko ang nanginginig na boses ni Jean at pagalit na pagsagot ni Carlo.

 Dude! that's not the right way to treat your girl! Wala ako sa posisyon para mgalit pero kung sa kapatid ko o sa bestfriend ko gagawin yun, uuwing lumpo 'tong si Carlo.

"Pace! Pare! Hindi ka ba sasama sa amin?" pag tawag sa akin ni Frank. Syempre hindi ako sasama. at the first place, napilitan lang naman talaga ako magpunta dito. at saka, how can I leave this girl here. She doesn't deserve to be treated like this. I should do something to make her feel better, atleast, maybe.

"No, Pre! Kayo na lang. Something important came up! Enjoy na lang kayo"  at umalis na nga sila.

Naalala kong nabanggit nya kaninang gutom na sya e. At narinig ko ring tumunog yung tiyan nya. Haha. gutom na nga sya. Kaya naman inaya ko na sya.

"tara?"

"Huh?" nagtataka nyang sagot sa akin. I cracked a joke pero wala syang reaction. Wrong move Pace, wrong move! Tsk. Sinabi ko na nga sa kanya na kakain lang kami.

My midnight DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon