REST IN TROUBLE, ANGELA

3 0 0
                                    


Agad akong napabangon sa pagkakahiga nang may maalalang mali sa ginawa ko kanina lang. Imposible naman siguro 'yon, maayos ang pagkakagawa ko!

"Anika, saan ka pupunta?" My eyes suddenly widen when I saw her. No, this is surely impossible! Maybe I am just hallucinating.

Hindi ko nalang siya pinansin. I pretended to be deaf and just hallucinating with this one— that seeing her being alive and kicking right now isn't true. That this is just a part of me being a delusional girl again.

Pipihitin ko na sana ang doorknob sa pinto para puntahan ang balak puntahan dahil sobrang lakas na ng tibok ng puso ko sa nakikita ngayon, but I frozen when I felt her from behind tapping my right shoulder— refusing me to go.

No! This can't be happening! Akala ko namamalikmata o mali lang ang dinig ko o ano pero totoo!

She's alive!

Despite of the fast beating of my heart, I turned to her with my face being shook and lips being pale as snow.

"W-Why are you still a-alive?" I can feel my trembling lips as I spit those words to ask her.

She smirked. The uneasiness and fear within me risen. Hindi ko alam, malinis naman 'yong pagkakagawa ko pero bakit buhay pa siya?!

"Did you even accomplished your plan to kill me?" Her playful expression suddenly changed into a cold one.

Dahil sa sinabi niya ay biglang nawala ang takot ko, napalitan ito ng pagkatuwa dahil sa kagagahan niya. Stupid.

"Tanga ka ba, Annicka?"

Yes, you read it right, her name is the same as mine, the same pronunciation as mine, the only difference is the spelling.

"Tinatawag mo 'ata ang sarili mo, Anika." Ngumisi ulit siya. Sumiklab ang galit ko. I was about to slap her but what made me frozen is... lumagpas lang sa mukha niya ang kamay ko. Sinubukan ko ulit pero hindi ganoon ulit ang nangyari!

What the fvck is happening?

"You know what? You're just wasting your time. Bago mo ako mapatay, inunahan na kita kaya 'wag ka nang magtaka kung hindi mo na ako mahawakan, Anika..." parang demonyo siyang tumawa. "Hmm, your name sounds good but the bad thing on it is you plagiarized it from me. Hindi mo ba maalala? Halos kopyahin mo na nga ang totoong ako. But you know what? You can't duplicate me, kahit kailan."

Nakatayo lang ako roon sa harapan niya, gulat na gulat nang maalala ang pagkauna niyang mapatay ako.

Napaatras ako nang magsimula siyang humakbang papalapit sa akin. This isn't what I've imagined! I can't be a loser right in front of her!

"Mabuti nalang at nakakakita ako ng kaluluwa kaya masaya akong makita ang mukha mong talunan na siyang naranasan ko rin nang kopyahin mo ako pati ang mukha ko at wala nang kumilala sa akin bilang totoo." Tinitigan niya ako nang mariin at dinuro ang noo ko.

"Now, rest in peace or should I say, rest in trouble, Anika with your real name Angela, my dearest sister."

Waves Of WordsWhere stories live. Discover now