The untold story of the girl behind her in the mirror r

3 1 0
                                    


Nagpatianod ako sa mga kaibigan ko papuntang cubicle. Hindi ko sana gustong sumama pero pinilit nila ako, mag re-retouch daw kasi sila sa natanggal na make-up nila.

Hindi ko gustong sumama dahil kapag nakakakita talaga ako ng salamin o nakikita ko ang aking sarili sa salamin, bigla na lamang akong nakaramdam ng takot.

Sa tuwing tinitingnan ko ang repleksiyon ko sa salamin, may bigla nalang magpapakita sa likod ko. Kamukhang-kamukha ko, nakaputing bestida at may bahid na dugo ang mukha.

"Marielle, halika nga rito. Ako ang maglalagay ng liptint sa'yo." Ani Juda dahil alam niyang hindi ako mahilig mag lagay ng mga kolorete.

"Ayoko..." mahina kong sagot dahil baka kung ano na naman ang makita ko sa salamin.

"Hay naku! Ang putla-putla mo na nga, e! " Aniya at hinigit ako dahilan para makita ko na ang sariling repleksiyon.

Nanginginig ang labi ko habang dahan-dahan itong nilalagyan ng liptint ni Juda.

Walang nagpakita sa likod pero ang mas nakakikilabot ay nakita ko ang aking sarili na naka puting bestida, may bahid na dugo ang mukha at nakangisi.

Bigla akong napatili at umalis sa may salamin dahilan para magtaka ang mga kaibigan ko.

"Hey sis, what happened?" Tanong ni Ayana.

"Nothing... balik lang ako sa classroom." Paalam ko at tumango naman sila.

Hanggang sa pag-uwi ko'y bumabagabag parin sa akin kung bakit kamukha ko 'yung babaeng 'yun at kung bakit naging ganoon ang mukha ko kanina.

Kaya pagdating ko sa bahay ay napag desisyonan kong magtanong sa lola ko kung sino ang misteryosong babaeng 'yun.

Kami nalang ni lola ko ang magkasama sa buhay. Last year ay nadisgrasya ang mga magulang ko, kasali ako noon pero bigla akong nanlumo nang ako lang ang nakaligtas sa amin.

Na amnesia ako. Ang naalala ko lang ay ang mga magulang ko at si lola.

Na wirdohan ako sa sinabi ni lola na tatlo daw ang namatay pero dalawa lang naman, sila mama at papa lang.

"Oh apo, nandito ka na pala." Wika ni lola pagdating ko sa bahay. Nagmano agad ako sa kanya.

"La, may tanong lang po sana ako." Panimula ko.

"Ano 'yun, apo?"

"May namatay po ba ditong babae noon? Magkahawig po kami at lagi po siyang nagpapakita sa likod kapag nagsasalamin ako, kinikilabutan po ako lola..." Tanong ko at hinimas-himas pa ang braso ko dahil nanindig ang balahibo ko.

Napatigil naman siya at nawalan ng emosyon ang kanyang mukha.

"Mag kwento muna ako." aniya, kaya tumayo naman ako.

"Sa isang malaking mansyon, may magkakambal na babae na kulang nalang ay magkadikit ang dalawa dahil close na close talaga sila. Kung saan pupunta ang isa, sasama ang isa," Simula ni lola sa kanyang kwento.

Napatulala naman ako dahil parang nararamdaman kong kasali ako sa kwento. Weird.

"Hanggang sa lumaki sila ay ganoon parin pero nakita na ang pagkakaiba nila. Tawagin natin sa pangalang Marie ang isa, siya ang palaging pinupuri ng mga tao. Matalino, masipag mag-aral at maraming talento.Tawagin din natin sa pangalang Marian ang isa, walang pumupuri sa kanya sapagkat kahit anong gawin niya, magsipag man siya ay hindi niya maaabot ang pagiging katulad ng kambal niya," Tumikhim muna siya bago magpatuloy.

"Doon na nagsimula ang inggit ni Marian kay Marie. Lumalayo na ang loob nito sa kanyang kakambal. Hanggang sa dumating na talaga sa puntong gusto na niyang mawala si Marie dahil palagi nalang siya ang umaangat.

"Isang araw ,nang silang dalawa lang ang nasa bahay doon na sinimulan ni Marian ang plano. Planong patayin na si Marie. Sa araw na 'yun dadating din ang mga magulang nila para mamasyal silang apat pero gusto niyang siya lang ang isama kaya agad niyang sinaksak ng kutsilyo patalikod si Marie at agad itong nawalan ng buhay,"

Hindi ko alam kung bakit naramdaman ko ang pagiging kuntento. Parang ako 'yung nasa kwento.

"Inilagay niya ang bangkay nito sa kanyang cabinet tapat sa salamin. Noong araw ring iyon nang dumating ang kanyang mga magulang, nagsinungaling siya na masama ang pakiramdam ni Marie kaya hindi ito sumama,"

"Sa kalagitnaan ng kanilang byahe ay na disgrasya ang kanilang sinasakyan at si Marian lang nakaligtas. Ikaw lang Marielle... sapagkat ikaw ang Marian na tinutukoy ko sa kwento." Sabi ni lola at tumitig ng diretso sa mga mata ko.

Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Pumasok agad sa isipan ko ang ala-alang iyon.

"Kambal mong si Marie ang nasa salamin mo Marielle... KAMBAL MONG PINATAY MO!" Tumaas ang boses ni lola dahilan para magsitaasan ang mga balahibo ko habang himas-hinas ko pa ito.

Dahil sa pagtaas ng boses ni lola ay biglaang umihip ng malakas ang hangin at nagliparan ang mga gamit sa paligid na nagdadala ng kilabot sa akin.

Bigla nalang lumitaw sa aking harapan ang kambal kong naka itim na ang bestida ngayon habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.

May dala siyang kutsilyong matalim habang dahan-dahang pumorma ng ngisi ang kanyang labi.

Napaatras ako dahil sa naramdamang takot pero bahagya akong nagitla nang maramdamang nasa dingding na ako. Na corner na ako!

"Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa'kin ngayong araw na 'to! PAGBABAYARAN MO!" sigaw niya sa isang makapanindig balahibo na boses.

Sinundan pa ito ng napakalakas na halakhak kaya mas lalo kong naramdaman ang panginginig ng katawan ko.

Itinutok niya ang kutsilyo sa aking dibdib, hindi ko na naiwasan pa ang pagbaon nito sa aking kailaliman. Naramdaman ko ang pagdanak ng dugo at ang sakit na dulot nito.

"Iyan ang nararapat sa iyo! For pretending that you're under amnesia! For pretending that you don't know me!"

Nakalimutan ko. Nagpapanggap lang pala ako na wala akong maalala dahil nandoon parin ang pagka-inggit at pagkamuhi ko sa kanya kahit patay na siya!

Well, see you in hell my dear twin.

S. Altarejos
@fiery

Waves Of WordsWhere stories live. Discover now