A/N
Hello people! Heres another short story of mine inspired in pocketbooks.
Kung nabasa niyo na ang The Amnesia Wife ay nakilala niyo na si Jesica Gil.
Actually, I made this story for Jesica herself, my good friend as my birthday gift for her.
So hope you will enjoy although its a bit short ..
Prologue
“Dali, itaas niyo na ang banner guys!” pautos na wika ni Jesica sa tatlong kaibigan na kasama, habang patuloy pa rin ito sa pagtitili lalo pa at lumabas na ng backstage ang aktor na si Carlo de Guzman.
“I love you, Carlo!” sigaw pa nito na halos kasabay sa iba ding mga fans ng actor na hindi rin magkamayaw sa ini-idolo.
“Hoi, Jesica Gil tumigil ka nga diyan sa katitili dahil malapit na akong marindi sa boses mo!” asik ng kaibigang si Meme na hindi maitago ang pagkairita pero tila walang narinig ang nauna at ipinagpatuloy pa rin ang pagtitili habang kinikilig sa kumakantang si Carlo.
“Bakit ka pa kasi sumama Meme?” asik din Jocel sa isa, para itong sinuhulan ng pera ni Jesica at si Carvy dahil sa kasipagan ng mga ito sa pagbitbit ng banner na gawa ni Jesica para sa idol nito.
“Tumigil na nga kayong dalawa diyan!” sita sa kanila ni Carvy na buong- buo ang ipinakitang suporta sa kabaliwan ng bestfriend nitong si Jesica. Tumahimik naman ang dalawa, si Meme ay itinuon na lang ang atensiyon sa hawak na cellphone.
Kasalukuyan silang naroon sa isang mall na kung saan nag mall show ang aktor na si Carlo de Guzman kasama ang kapareha nitong si Bianca Diaz para magpromote ng movie ng mga ito. Walang nagawa ang tatlo kundi samahan si Jesica na dead na dead sa pagkainlove sa actor na si Carlo. Kahit na siksikan at sobrang init sa kinatatayuan nila ay isinawalang bahala nito basta lang masilayan nito ng kahit na sandali ang mukha ng idolo.
“Oh my gosh!, Oh my gosh! Guys, help me I think im gonna die!” pag-aarte pa nito ng tuluyan ng umi-exit ang mga artista sa entablado.
“Tigilan mo nga yang kadramahan mo Jesica.” sita na naman ni Meme dito.
“Hay, kailan mo ba ako susuportahan Meme?” nagmamaktol na tanong nito sa kaibigan.
“Kapag nauntog na yang ulo mo at magising ka na sa kabaliwan mo na yan sa chickboy na Carlo na yan.”
“Ay, ang bitter mo te!”
“Uwi na nga tayo!” yaya ni Carvy
“Sandali muna Carvy, hindi pa ako makahinga. Pakiramdam ko hanggang ngayon lumulutang pa rin ako sa alapaap habang pinakinggan ang boses ng aking mahal.” emote- emote na wika ni Jesica na nakatingala pa sa kisame ng mall. Pareho namang umiling-iling ang mga kaibigan nito.
“Baliw ka na ngang talaga Jesica!” magkasabay na wika ng magkaibigan at iniwan ang nakatunganga pa ring kaibigan. Agad naman itong humabol.
“Guys, bakit niyo ako iniwan?” Walang sumagot.
“Someday, kapag naka graduate na ako at maging reporter talagang hindi ko hihiwalayan ng aking mata si Carlo, ay!” kinikilig pa nitong wika na ikinataas naman ng kilay ng mga kaibigan nito.
“Hindi ka reporter sa gawi na yan, Jesica kundi stalker ka na!” wika ni Jocel
“Bakit ba ang nega niyo ngayon?”
“ Eh kasi naman gabi na girl, papagalitan na ako ni nanay pag-uwi ko nito.” ani Carvy
“At saka nangangawit na itong braso ko sa kakahawak nung banner mo sa tagal lumabas ng mahal mong si Carlo.” nakangiwi pang sabi ni Jocel.
“Ahh basta sobrang saya ko ngayon. Thanks god, may inspirasyon na ako ngayon na mag-aral para sa midterm namin bukas.” ngiti-ngiti pang pahayag ni Jesica habang hinahalik-halikan ang kuhang litrato ni Carlo sa cellphone nito.
“Ang sabihin mo puro pangalang Carlo ang isagot mo bukas sa test paper.” sabat ni Meme at sabay sila nagtawanan.