Isang linggo na ang nakalipas mula ng naging viral ang larawan niya kasama ang aktor na si Carlo de Guzman at tama nga ang sinabi ni Jocel na mawawala rin sa sirkulasyon ng chismis ang isyu dahil matatakpan ito ng bago. Ang showbiz pa naman na hindi nauubusan ng bago.
Ngunit ayaw pa ring maniwala ng mga kasamahan niya na wala silang relasyon ng aktor kahit na ano pang pagtatanggi ang ginawa niya. Lalo pa at walang itinanggi o kinumpirma si Carlo de Guzman ng tanungin ito tungkol sa isyu kaya mas lalong lumakas ang hinala ng iba na may tinatago nga silang relasyon ng aktor. Kung noon ay iyun ang pangarap niya, ang maging kasintahan ang idol niya ngayon ay naiinis na siya dahil sa kanilang dalawa siya ang naiipit. Sa mga interbyu nito ay kalmadong-kalamado nitong sinagot ang mga issue at pangiti-ngiti pa ito sa tuwing napag-usapan ang kumakalat na larawan gayung halos ikabaliw na niya ang pagkasangkot sa iskandalo.
“Well, its a great shot actually. Kung sino man ang kumuha ng larawan na yun, congrats dahil sa galing mong tumayming ng pagkuha ng larawan!” naidaan pa nito sa biro ang pagsagot sa isyu.
Ang dali lang ng lahat para dito gayung siya ay halos hindi na niya magawang bumisita sa mga social media sites dahil puro pambabatikos at pang babash ang inabot niya mula sa mga fans ng aktor na dati rin naman niyang ginagawa sa tuwing may bagong babaeng nali-link kay Carlo. Life is definitely ironic. Dahil ngayon bumaligtad na lahat sa kanya.
Kasalukuyan siyang nasa Araneta Coliseum para makakuha ng interview mula sa sikat na fil-am singer na nagconcert dito sa Pilipinas para sa world tour nito. Silang lahat ng mga kasamahan niya sa media ay matiyagang naghintay sa backstage at nagbabasakaling mainterbyu ang singer. Ilang oras na siyang nanatili roon ngunit napakahigpit ng security nito na kahit silang mga media ay halos hindi makalapit. Gusto na nga niyang umuwi dahil sumasakit na ang paa niya sa tagal ng paghihintay at wala man lang mauupuan.
Nasa gilid lang siya at pagod na nakaupo sa sahig ng makitang nagtakbuhan na naman ang kanyang mga kasamang taga media papunta sa exit door mula sa stage ibig sabihin nito ay tapos na ang concert. Wala sa loob din siyang tumayo at kinuha ang mga gamit para sumali na rin sa umpukan ngunit ilang hakbang pa lang ang nilakad niya ng makitang nagkagulo na ang mga reporter at ang rumaragasang fans ng singer. Nagkatulakan hanggang sa may mga natumba. Hindi kaagad siya nakakilos sa sobrang pagkabigla naramdaman nalang niyang may malakas na mga kamay ang humila sa kanya palayo sa umpukan. Hindi siya kaagad nakahuma dahil sa bilis ng pangyayari, nalaman nalang niya na nasa isang bakanteng kwarto siya na halatang isang dressing room.
“Ikaw?” hindi mapigil sa bilis ng pagtibok ang kanyang puso ng makilala kung sino ang humila sa kanya roon.
Halos matuyo ang lalamunan niya sa sobrang lapit ng mukha nila sa isat-isa. Noon lang niya napansin ang awkward position nila, nakasandig siya sa pader samantalang nasa likod ito ng pintong bukas kung kaya't ganoon na lang ang lapit ng katawan nila sa isat-isa na pati bawat paghinga nilay nagkakasalubong na.
“Stay still.” halos pabulong nitong wika habang sumisilip sa nakaawang na pinto. Ang bango ng hininga niya, gosh!
At sa pagsilip niyang muli sa labas nakita nga niyang may mga nasaktan dahil sa tulakang nangyari. Mabuti nalang at mabilis na rumisponde ang medical team na nakaantabay para sa buong show.
“Oh my God!” nanlumong nasambit niya sa nakita, kung naroon siya siguradong isa siya sa mga nasaktan. Paano eh, noon pa man ay medyo may pagka lampa na siya at sa height niyang 5'2 mahihirapan siyang makipagkarera sa mga fans na tila baboy ramo sa bangis.
“Are you ok?” tanong ng aktor na nagulat din sa bilis ng pangyayari sa labas mabuti nalang at mabilis na dumalo ang mga security.
“Maraming salamat sir Carlo.” nahihiya niyang wika at bahagyang inilayo ang sarili sa aktor upang maibsan ang awkward moment nila.
“Pasensiya na, if you feel uncomfortable in a bit sinigurado ko lang na walang makakita sa ating taga press.”pagdadahilan nito at tuluyang inayos na rin ang sarili. Chos!press din kaya ako baka nakalimutan mo? Pero actually sobrang comfortable ako kanina sa posisyon natin, ang sarap kaya makulong sa bisig mo. Pinili nalang niyang huwag isatinig ang nasa isip dahil nakakahiya.
“Are you here para kumuha din ng interview from George?” medyo napataas ang kilay niya sa pagtawag nito sa first name ng sikat na singer.
“Yeah, sana but I think malabo ng mangyari.” aniya at umaksiyon ng paalis dahil baka may makakita pa sa kanila roon, mahirap na. Lalo pa ngayon na desperado na yung mga kasamahan niyang makakuha ng scope dahil sa kaguluhang nangyari at baka sila ni Carlo ang mapagbalingan.
“I think I should go na sir Carlo at baka hinanap na ako ng camera man ko, thank you ulit. Kung hindi mo siguro ako nahila kaagad kanina ay siguradong isa ako sa mga nakasakay sa ambulansiya ngayon.”
“Its not a big deal actually.” dumaan muna ang sandaling katahimikan sa kanilang dalawa
“Ahm,about the interview,” pa hanging nitong wika sapat para lingunin niya ito.
“Yes?” tipid niyang wika kahit ang totoo ay kanina pa siya gustong maglupasay sa tuwa dahil kinausap siya ni Carlo de Guzman.
“I think I can help you about it.” nakapamulsa pa ito na nakatayo sa harap ng pintuan. Hindi naman niya maipaliwanag ang saya buhat sa narinig.
“Talaga?!” hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi nito
“Hey, Hindi ka ata naniniwalang I can do it for you?” bahagya pa itong sumimangot para ipakitang nagtampo ito.
“Ofcourse not! Sobrang saya ko lang sir Carlo!” at walang babalang tinakbo niya ang pagitan nilang espasyo at niyakap ito ng walang paalam dahil sa labis na tuwa na pati siya mismo ay nagulat sa ginawa niya.
“Im sorry sir. Im sorry po talaga.” namumula siya sa sobrang hiya ng marealize ang kapangahasang ginawa. Nakita naman niyang amuse na amuse itong pinanood siyang halos hindi magkamayaw sa paghingi ng paumanhin.
“Akala ko ang nagtutula lang ang nagba bow, pati pala ang humihingi ng sorry?” ngiti-ngiting wika nito na ang tinutukoy ay ang nakasanayan na niyang pagba bow sa tuwing humihingi ng tawad.
“Pasensiya na po talaga sir Carlo sobrang saya ko lang talaga.”
“Its fine, dont worry. Segi magkita nalang tayo doon sa sinabi kung hotel.” anito at nauna ng umalis. Nagalit kaya yun dahil niyakap ko siya ng walang paalam? Grrr, ang landi mo talaga Jesica!