Part 7

287 13 0
                                    

          Sa isang Italian restaurant siya dinala ni Carlo, noong una ay nahihiya siya ngunit naisip niya wala naman siyang dapat ikahiya at saka minsan lang mangyari na makasama niya ito sa pagkain kaya itotodo na niya.

“Siguro dito pwede na kitang makasama bilang isang fan ko diba?” anito ng hinihintay pa nila ang order. Tumango lang siya bilang sagot.

“Bakit mo nga pala ako niyayang kumain sa labas?” alam niyang may iba itong dahilan kung bakit siya nito niyaya at marahil iyun din ang rason niya kung bakit pumayag siyang lumabas kasama ito kahit na it will lead to another misunderstanding mula sa mga taong walang magawa sa buhay.

“Well, I just want to have a fun talk sa taong nagtanggol sa akin sa presscon.” ang tamis ng ngiti nito habang hindi man lang inilayo ang mga tingin sa kanya. Carlo, please huwag mo akong titigan ng ganyan dahil iyan ang kahinaan ko! Gosh!

“Talaga? Naalala mo pa ang insidenting iyun?” hindi siya makapaniwalang naalala pa nito ang pangyayari.

“Ofcourse, and I feel bad dahil ni hindi man lang kita nagawang pasalamatan sa pagtatanggol mo sa akin.”

“Huwag kang mag-alala bayad ka na sa akin, may sukli pa nga dahil sa mga ginawa mo para sa akin.”

“Paanong nangyari na may sukli pa?” tila naguluhan nitong tanong

“Eh kasi sinagip mo ako noong natumba ako sa premeir night ng movie mo, tapos doon sa bar tinulungan mo din akong huwag bumagsak sa sahig at pati na rin doon sa muntikang mini stampede sa concert ni George Collins kaya bayad ka na at may sukli ka pa.” hindi niya inaasahang tawang-tawa ito sa mga sinabi niya.

“Bentang-benta ata sayo ang mga sinabi ko ah!” aniyang sinimulan kaagad ang pagkain pagkahatid ng waiter sa kanila.

“Ewan ko ba, pero aliw na aliw ako sayo.”

“So fan na pala natin ang isat-isa kung ganoon?” wika niya kahit na punung-puno ang bibig ng pagkain.

“Hey, don't talk if your mouth is full.”

“Pasensiya na Mr. de Guzman, ganito kasi talaga ako kumakain eh.” nahihiya niyang amin na ikinatawa naman nito.

“Its ok, walang problema sa akin yan. Carlo nalang ang itawag mo sa akin ang awkward kasing pakinggan na tinatawag mo akong Mr.”

“So, ibig sabihin close na tayo ganoon?” Kapal mo Jesica!

“Sure!” nagtatalon naman ang puso niya sa tuwa

“By the way, diba sinabi mong may sukli pa ako sayo?”

“Yeah, kaya singilin mo lang ako anumang oras. Kung magpapalinis ka ba ng kotse o di kaya'y gusto mo ng PA tawagan mo lang ako.” huli na para maisip niya ang mga pinagsasabi sa kaharap. Ano bang klaseng espirito ang sumanib sayo Jesica at hindi ka nag-iisip.

“Really?, sinabi mo yan ha.”

“Ha? O-oo!” aniyang hindi mapigilang hindi kabahan.

        Ilang sandali rin ang lumipas na pareho silang tahimik. Pinipigilan niya ang sarili na huwag masyadong magsalita,dahil kung anu-ano nalang ang lumalabas sa bibig niya lalo na at sobrang masaya siya.

“Can I ask you something miss media personality?” wika nito kapagkuwan

“Can I ask you something too?” natawa naman ito sa sinabi niya

“Ok, ladies first.”

“Bakit media personality ang tawag mo sa akin?” napangiti naman ito sa naging tanong niya

Inlove ako kay IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon