“Saan mo ba ako dadalhin?!” tanong niya ng mapansing palabas na sila sa building ng DBC.
“Sa lugar na walang tao, gusto mo bang doon kita kakausapin sa loob!?”
Tumahimik nalang siya hanggang sa pinasakay siya nito sa kotse dahil baka mas lalo lang itong magalit sa kanya at baka ideritso siya nito sa kulungan. Huwag naman sana Lord!
Sa harap ng isang malaking bahay sa Quezon nito inihinto ang minamanehong kotse. Mabuti naman akala pa naman niya ay sa kulungan na siya mananghalian mamaya.
Nauna itong lumabas ng sasakyan at agad naman siyang sumunod dito. Nakita niyang sandali muna itong bumuga ng malalim na paghinga bago galit na humarap sa kanya na nakapamulsa ang mga kamay. Natatakot ata itong mapagbuhatan siya ng kamay dahil sa labis na galit.
“Nababaliw ka na ba o talagang hindi ka nag-iisip?!” iyun ang unang mga katagang lumabas sa bibig nito na hindi maitago ang galit sa tinig.
“Im sorry Carlo!, promise last na talaga ito.” parang bata siyang humingi ng tawad sa ina dahil inubos ang tindang kendi. Napasuklay ito sa buhok ng wala sa oras dahil sa galit.
“Huwag kang mag-alala, im ready to pay the consequences for the things ive done today. Kung idemanda mo ako dahil sa pagsisinungaling ko, handa akong harapin iyun. Kung gusto mo akong saktan dahil sa inis at galit mo sa akin, then you are free to do it!” mangiyak-ngiyak niyang wika kahit ang totoo ay gusto na niyang mahimatay nalang kaysa harapin ang galit nito.
“Ano pa ang hinihintay mo? Gawin mo na ang gusto mong gawing parusa sa akin ngayon , maibsan man lang ang galit mo.” naglakas-lakasan niyang hamon dito ng hindi pa rin ito kumilos.
Ngunit sa halip na gawin ang mga hinamon niya dito ay bigla nalang siya nitong yakapin ng sobrang higpit.
“Baliw ka ngang talaga Miss media personality.” wika nito na nakangiti habang hindi pa rin bumibitaw sa pagkayakap sa kanya. Gusto ko to, stay stay ka lang diyan Carlo.
“Hindi ka na galit sa akin?” gusto niyang magtatalon sa tuwa ng makitang nakangiti na ito ng pakawalan na siya nito mula sa pagkayakap.
“Galit pa rin ako sayo.” bigla napalitan na naman ng galit ang mukha nito.
“Pero nakita na kitang nakangiti kanina.” hindi naniniwalang wika niya
“Galit ako dahil siguradong maghinala ang press kapag hindi nila makitang lumobo yang tiyan mo paglipas ng araw.” Oo nga ano? Bakit hindi niya naisip ang bagay na yan. Ang tanga ko talaga. Gumawa na nga lang ng kasinungalingan marami pang palpak!
“Sabihin nalang natin na nakunan ako o hindi kaya ay false alarm lang ang pagbubuntis ko “kunu”. Iyun, iyun nalang ang sasabihin natin kapag may magtanong na press.” Ang talino ko talaga!
Pero tila hindi kumbinsido sa naisip niyang paraan si Carlo.
“Hindi mo nagustuhan ang naisip ko?” tanong niya rito ng hindi ito sumagot sa halip tinitigan lang siya nito ng matagal at saka ngumiti ng mapang-akit. At mabilis siyang hinila papunta sa malaking bahay.
“Carlo, saan mo ako dadalhin!?” kinakabahan niyang tanong dito hindi niya maiwasang mag-isip ng hindi maganda.
“Su-solusyunan lang natin ang problema.” nakangiting sagot nito na tila may ipinahiwatig.