Part 4

386 11 0
                                    

Kinabukasan ng gabi ay hindi na niya natanggihan ang mga kaibigan sa paanyayang lumabas. Alam niyang nabalitaan na ng mga ito ang nangyari sa kanya at kay Carlo. Pagdating niya sa paborito nilang bar ay sinalubong kaagad siya ng makahulugang ngiti ni Carvy at ni Meme na nauna na palang dumating.

“Marami kang dapat i kwento sa amin Jesica.” salubong na wika kaagad sa kanya ni Carvy.

“Ang aga niyo ah!, Nasaan nga pala si Steven?” aniyang hindi pinansin ang sinabi ng kaibigan.

“Sus, kunwari ka pa, gusto mo lang ibahin ang usapan.” komento ni Meme sa nang-iinis na tinig

“Ano ba ang gusto niyong malaman?”

“Ano ba ang nangyari at bigla ay napansin ka ng iniirog mo?” Ubod ng tamis ang ngiti ni Carvy habang nagtanong na halatang kinikilig.

“Nasagot ko na yan sa interview eh.” maktol pa niya at hinimigan pa ng pagkainis ang tinig.

“Bakit bigla ay maasim na ang mood mo tuwing pag-usapan natin ang crush mo dati-rati ay tila hihimatayin ka na sa tuwing makita mo siya, tapos ngayon kinarga ka na nga choosy ka pa?” sabat naman ni Meme

“Noon iyun, ngayon nagbago na ako.” Sabay namang napataas ang dalawang kilay ng dalawa na hindi makapaniwala sa mga sinabi niya.

“Narinig mo ang sinabi ni Jesica, Carvy ha. Itaga ko talaga sa bato yan.” Tumawa nalang si Carvy sa sinabi ni Meme at nagpatiuna sa mesa na inukopa ng mga ito kanina bago pa siya dumating

           Pagdating nila sa mesa ay siya namang pagdating ni Steven na galing sa rest room. Si Jocel naman ay hindi pa dumating dahil may assignment pa itong tinapos.

“Kumain ka na ba Jesica? tanong sa kanya ni Carvy. Isang mahinang tango lang ang sinagot niya.

“So, pwede na akong umorder ng maiinum natin?” wika ni Meme na wala pa mang sumagot ay tumayo na ito at pumunta sa counter. Ilang sandali pa ay bumalik na ito at may dalang tequilla at beer. Ibinigay nito ang beer kay Steven at inilagay naman sa kanyang harapan ang bote ng tequilla.

“Meme, ano yan balak mo bang lasingin si Jesica?” ani Carvy na tahimik na nagmamasid dahil hindi naman ito umiinum.

“Dont worry, Carvy alam kung gustong uminum ng kaibigan natin. Dahil nagluluksa siya ngayon kakalimutan na daw niya si Carlo eh.”

          Hindi na siya sumabat sa usapan ng dalawa dahil alam niyang hindi siya titigilan ni Meme sa pang-iinis. Tahimik niyang binuksan ang bote ng tequilla at walang salitang tinungga ang laman. Nagtinginan naman ang dalawa niyang kaibigan samantalang tahimik lang na nagmamasid sa kanila si Steven.

          Hindi niya alam pero sa loob niya ay may nagtulak na maglasing siya. Ewan ba niya kung dahil ba iyun sa disisyung ginawa na kakalimutan na niya si Carlo dahil wala itong magandang idudulot sa kanya. Nagpakawala siya ng malalim na paghinga bago hinugot ang cellphone sa bulsa. Sisimulan na niya ang paglimot sa kabaliwan niya kay Carlo. Pinindot niya ang isang button at nagawa na niyang i-unfollow si Carlo sa twitter at instagram nito. Pati ang facebok fan page nito ay ina-unlike na niya. Ngunit bakit ang bigat ng kanyang loob sa kanyang ginawa? Ganoon na ba talaga siya kabaliw kay Carlo? Napailing-iing nalang siya sa naisip, mukhang tama nga ang ginawa niya hanggat hindi pa ganoon kalala ang paghanga niya sa aktor baka tatandang dalaga siya sa paghihintay na mapansin nito.

“Jesica?” untag sa kanya ni Carvy. Noon lang niya napansin na nakatayo na pala ito sa tabi niya kasama ang asawa nito.

“Bakit?”

Inlove ako kay IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon