three ✓

2.1K 64 3
                                    


Halos isang linggo na rin yung nakakalilipas mula nung binigay ni Sir Hideo yung mission sa amin, and today we are going to start our mission.

Inayos ko naman yung bag na dadalhin ko sa apartment na panandalian naming titirhan.

"Reina, are you done?" nagulat naman ako noong bigla nalang may nagsalita, paglingon ko si Hayate lang pala.

I nodded my head. Isinuot ko naman yung backpack na dadalhin ko. Dumiretso naman kami sa agency dahil may kukuhanin daw si Hayate, after that, dumiretso na kami kay Miyu.

"What took you so long?" napatingin naman ako kay Hiroshi na nasa driver seat.

"We're on time." ani ko sabay ngiti sa kaniya. Sinamaan naman niya ako ng tingin, pero tinawanan ko lang siya.

Pumasok naman kami kay Miyu. After naming ilagay at ayusin yung mga gamit namin, pumuwesto na kami sa center table at may inilabas na envelope si Hayate.

"Aside from our treasure hunt mission, Sir Hideo also asked us to observe and monitor the activities of these people." Ibinaba naman ni Hayate yung envelope at inilabas yung laman.

Kinuha ko naman yung file na nasa ibabaw. Profile yun ng isang babaeng nagngangalang Jasmine Ramirez. Iniscan ko naman yung profile niya at tinakenote yung mahahalagang information about sa kaniya. After doing so, kinuha ko pa yung dalawang natitirang profile. Yung isa kay Jed Lincoln and yung last ay kay Hadashi Illyan.

"They're all blood related." Hayate said.

"And it looks like they all share the same interests." I pointed out. Lahat kasi sila, chemistry related ang course and they are all members of Illyan Chemist Association.

Natapos naman naming basahin yung mga profile nila at ibinalik yun doon sa envelope. Nagulat naman ako nung biglang sumulpot si Hiroshi at may dala siyang box.

"Who's driving?" Nag-aalangan kong tanong.

"Miyu." Sagot ni Hiroshi habang ina-adjust yung salamin niya.

Seriously? Paano kung may makakitang humdrum tapos magtaka kung bakit gumagalaw ang isang sasakyan ng walang driver?

Bigla maman akong tiningnan ni Hiroshi, "Don't worry, saglit lang 'to."

Ilinatag naman niya yung mga accessories na laman nung box. May eyeglasses, earrings, hairpin at wristwatch.

"Siguro naman alam niyo na kung paano yan ginagamit."

"Of course."

"Syempre naman."

Iniabot naman sa amin ni Hiroshi yung mga accessories.

"I got that earrings from Dale," itinuro naman ni Hiroshi yung hawak na earring ni Hayate, "Nagccamouflaged yan sa skin color."

Tumango naman si Hayate at bumalik naman si Hiroshi sa driver seat. After 26 minutes and 36 seconds, nakarating na kami sa harap ng school. Nagpaalam naman kami kay Hiroshi at pumasok na sa loob ng school.

Medyo maaga pa kaya naman wala pang masyadong estudyante. Pagdating namin sa main building, isang babae yung ngumiti sa amim at inapproach kami, "Hello, you're Miss Janelle Castro and Mr. Nikko Felidad right?"

Tumango naman kami ni Hayate, "We are."

Mas nagbrighten up naman yung mukha niya, "Follow me."

✘✘✘

Natapos na ang pinakahuli kong klase para sa araw na ito. Napangiti naman ako noong biglang nagunahan lumabas ng classroom yung ibang mga estudyante. Yung iba sa kanila, nag thank you sa akin at nagpaalam.

Nang makalabas yung natitirang mga estudyante ay saka lang ako lumabas. Dumiretso naman agad ako sa faculty room.

"Hi Ma'am Jane." bati sa akin nung kafaculty room ko na si Jean.

Nginitian ko naman siya at dumiretso ako sa table ko. Nakita ko namang binuhat ni Ma'am Jean yung tote bag niya. Nagpaalam naman siya sa akin bago umalis at pinaalalahanan akong saktong 8:30 p.m. magsasara ang school. Walang pinapayagang magstay dito from 8:31 onwards. If that's the case, we only have 20 minutes para makapag-ikot. Halos isang floor pa lang kasi ang naiikot ko kaninang vacant time ko. May kalakihan din kasi ang school na 'to.

Bigla naman akong may narinig na tunog galing sa earrings ko, "Jan."

"Yep, I'll be there."

✘✘✘

It's already 9:24 p.m. nang lumabas kami ni Hayate sa pinagtataguan namin. We're going to look around the school and its premise to check kung may mga kahinahinala pang bagay and to familiarize ourselves with this place. According to our gathered data, may possibility na may entrance ang underground hive dito sa Academy.

Inabutan ako ni Hayate ng isang black cape. Isinuot ko naman ito. I draped the cape's hood on my head. This will help us to conceal ourselves, lalo na't madilim na.

"Let's go."

Dumiretso naman agad kami doon sa malaking puno malapit sa room ng last class ko kanina. Umakyat kami doon at binuksan yung bintana. Bago ako umalis ng room kanina, linagyan ko yun ng papel pangkalang para hindi iyon masara. Nang makapasok na kami, isinara namin yung bintana.

"Where to?" I asked, using my inner voice.

"Coordinator's office."

Agad naman kaming umakyat sa third floor at nagtungo sa pinakadulo ng hallway kung saan naroroon yung coordinators office. On our way there, naramdaman ko bigla yung pagsakit ng mata ko, kaya naman tinanggal ko muna yung contact lenses ko.

"Reina, don't remove them." tiningnan at sinimangutan ko naman siya.

"Don't worry dala ko yung droplets." kinuha ko naman yun sa inner pocket ng blazer ko at pinakita sa kaniya.

Ginamit ko naman agad yun, at naramdaman kong nag solidify yun sa mga mata ko.

Nang makarating na kami sa tapat noong room, may nakita akong papel na nakaipit doon sa pinto. So they wanted to make sure na walang papasok sa room na 'to pag wala sila. Once kasi na binuksan yung pinto mahuhulog yung papel. Pero what if ibalik yun nung pumasok? Siguro may iba silang paraan to know na walang pumasok dito.

Tiningnan ko si Hayate na ngayon ay iniiscan yung kwarto mula sa labas. Napaka-useful talaga ng sixth sense niya.

"Uy, tara nga dito."

Lumapit naman siya sa akin, "O?"

"Tingnan mo nga 'tong hinge ng pinto," agad namam natuon yung atensyon niya doon, "So?"

"May lead ng mechanical pencil sa loob nung hinge."

Napangiti ako, the lead of mechanical pencils are quite fragile. Maaari itong maputol kapag binuksan yung pinto, plus hindi pa 'to madaling mapansin.

"Tss." I heaved a sigh.

Napatingin naman sa akin si Hayate, "Why?"

Napasummon ako bigla ng dagger dahil sa may naramdaman akong faint presence ng Shinigami. Tumingin naman ako sa kaliwa ko dahil doon ko nararamdaman yung presence.

Nagulat naman ako noong bigla nalang may lumabas na pusa mula sa kawalan.

"Meow."

Lumapit naman yun sa amin, its green eyes stands out in the dark. Pero teka, parang nakikila ko 'tong pusang 'to ah.


---

Mission Incognito [Tantei High FF] EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon