Sabi no'ng mga unang nakakita no'ng bangkay, nag suicide raw 'yong estudyante. But her bestfriend insisted na hindi 'yon kayang gawin ng kaibigan n'ya kaya tumawag sila sa Agency. The school's principal was outraged, pero wala naman s'yang magagawa dahil si Anika, 'yong tumawag sa Agency ang anak ng may-ari ng school na 'to.
Thats what Akane told me and the sole reason why they're here.
"Ma'am malayo pa po ba?"
"Daming reklamo ni Ken," ani ni Akane habang nakasunod sa akin.
"We're almost there," sabi ko. Nasa seventh floor kasi ang library.
Nang makarating kami do'n, may mga pulis kaming nakasalubong, at mukhang mag-cconduct na sila ng autopsy.
May mga yellow tape na rin na may caution ang nakapaikot sa entrance ng library.
Pagpasok namin, dumiretso kami sa Filipiniana Section kung nasaan 'yong bangkay.
"We're here," sabi ko sa kanila, at nag-umpisa na silang mag investigate.
Nag-obserba na rin ako, at tiningnan ko 'yong bangkay, after noticing that thing, I have come into a conclusion na this is not a suicide. Pinagmukha lang na nagsuicide 'yong estudyante.
"Her name is Ariella Montefalco, she's 16 years old," ani ni Riye, "She died because of excessive loss of blood due to her severed carotid artery and jugular veins."
"Let's conduct an autopsy, " napalingon naman sila kay Hiro, "This is not a suicide, it's murder."
Tumango naman 'yong mga kasama n'ya.
"Miss Reina if you don't mind?" napalingon naman ako kay Reiji no'ng bigla n'ya akong hinawakan sa braso at binulungan. Itinuro n'ya rin sa akin 'yong bangkay.
Pasimple naman akong tumango at inabutan nila ako ng disposable gloves. No'ng wala ng pulis na nakatingin, hinawakan ko naman 'yong sugat ni Ariella.
Tinanggal ko naman agad 'yong gloves ko, "She died about thirty minutes and seven seconds ago,"
Kinuha naman ni Reiji 'yong gloves sa akin, "Thank you Ma'am."
Agad namang lumabas ng library si Akane at Akemi at agad na pumunta kay Miyu dahil mag-cconduct sila ng Autopsy. Si Hiro naman at 'yong iba ay nag-tatanong do'n sa mga estudyante na nakakita no'ng bangkay at do'n sa librarian.
Napalingon naman ako kay Anika na ngayon ay naka-tayo sa isang gilid at nakatingin sa kawalan, "Hey," linapitan ko naman s'ya at pinat sa shoulder. Bigla namang tumingin sa akin Si Anika,
"Hindi ko dapat s'ya iniwan, I should have known," ani n'ya at tuluyan ng umiyak.
"Is there something wrong?"
Pinunasan naman n'ya 'yong luha n'ya at tumingin sa akin, "She's been acting weird since last week... madalas din po n'yang nakakaaway 'yong mga kaibigan namin..."
I nodded my head and urged her to continue, "Usually po, sabay kaming umuuwi ni Ella pero kahapon, sinabi n'yang mauna na ako umuwi dahil may aasikasuhin s'ya... I was about to go and leave the school no'ng naalala kong naiwan ko 'yong mga survey forms for research namin sa classroom..."
She suddenly stopped talking and started to look around, bigla namang nagbago 'yong expression ng mukha n'ya, "No'ng nakarating na po ako sa room, I saw her and Angelo... and... I overheard them arguing," she heaved a sigh, "Angelo was asking Ella to leave the school at once... nakakatanggap po kasi s'yang mga anonymous notes - "
Natigil s'ya sa pagsasalita ng biglang may pumasok na estudyante sa library, agad naman itong lumapit sa amin, "Anika anong nangyari?"
"A-angelo..."
"Shit, ilang beses ko na kasi s'yang sinasabihang umalis pero hindi s'ya nakinig," Angelo blurted out, he suddenly fetched his phone for his pocket and started to dial.
Bigla namang lumapit si Ken kay Angelo, "Excuse me Sir, pwede ka bang makausap?"
Tiningnan naman ni Angelo si Ken mula ulo hanggang paa bago ito tumango, "Sure."
Ibinalik ko naman kay Anika 'yong atensyon ko, "So she's receiving various notes from someone..."
"Y-yes..." bigla namang nagliwanag 'yong mukha n'ya, "I have the notes Ma'am..."
Bigla naman n'yang kinuha 'yong bag n'ya na nasa lapag at naghalungkat, "D-dahil po natakot si Ariella, tinapon n'ya 'tong mga notes... b-but I retrieved them..."
Iniabot naman n'ya sa akin ang isang ziplock na naglalaman ng maliit na piraso ng papel. Tiningnan ko naman 'yong papel na nasa ibabaw na may nakasulat na, You shall perish... Meron ding rose wax stamp 'yong papel. I eyed it suspiciously, nagpabalik-balik naman 'yong tingin ko kay Anika at doon sa ziplock na ibinigay n'ya sa akin.
"Dapat siguro natin 'tong ibigay sa kanila, and you must tell them what you know..." sabi ko kay Anika na ngayon ay mukang kinakabahan.
Hinawakan naman n'ya 'yong braso ko, "I brought this papers and asked one of my Dad's friend to check kung may fingerprints po ba 'yong papel," she closed her eyes at huminga s'ya ng malalim bago uli binuksan ang mata n'ya, "Meroon pong-"
She wasn't able to finish her sentence dahil bigla nalang dumating si Akane na hingal na hingal. Patakbo s'yang lumapit kay Hiro, at agad namang lumapit sila Ken, Reiji at Riye sa kanila.
"A-another dead body was found in the AV Theater..."
BINABASA MO ANG
Mission Incognito [Tantei High FF] EDITING
Fiksi Penggemar[ Tantei High Fanfiction / Ongoing ]