four ✓

1.8K 60 11
                                    

"Teka, yan yung pusa doon sa base ng Shinigami diba?" napatingin naman ako kay Hayate noong pinoint-out niya yun.

Yep he's right, ang pusang nasa shinigami base at ang pusang nasa harap ko ay iisa. Pero bakit ganoon? Sa tuwing nandito yung pusa, lagi akong may nararamdaman na presence ng Shinigami. Hindi kaya. . .

"Oy, hindi kaya sixth sense 'to ng Shinigami?" tanong ko kay Hayate, habang itinuturo yung pusa, na ngayon ay komportableng nakasalampak sa sahig.

"Nope, I don't think so."

"Meow." bigla namang tumayo yung pusa at lumapit sa amin.

"Someone's coming." sabi ni Hayate.

Agad ko namang dinampot yung pusa, kahit na hindi ako comfortable sa presence nito. Hindi naman pumalag yung pusa o gumawa ng kahit ano.

Inabutan ako ni Hayate ng isang maliit na vial, "Drink this."

Ininom ko naman yun agad, this is Hiroshi's invisibility fluid.

Matapos ang ilang segundo, bigla namang nag-appear ang isang hooded figure at agad na pumunta sa harapan noong pinto na kanina pa namin inoobserbahan. For a split second, akala ko nakita niya kami, dahil sa lumingon siya sa mismong kinatatayuan ko. Alam kong medyo imposible yun dahil invisible kami, at hindi pa nakakalipas ang dalawang minuto, unless he can see us even though we're invisible.

Inalis naman noong lalaki yung tingin n'ya sa akin, then he smirked. Then, I think I heard him whisper, "Chromes."

✘✘✘

Buhat-buhat ko pa rin yung pusa ngayon habang natakbo kami ni Hayate pabalik sa Agency. Halos isang oras na ring kaming natakbo, pero wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa. Ang dami ring tanong na nabuo sa isip ko after namin makita yung lalaki kanina. He's not a Shinigami, I am sure of that, pero what is he? I have this quite strong feeling na part siya ng isa sa mga underground organization na sinabi ni Sir Hideo, and someone who's in the higher part of the organization's hierarchy. Ang odd lang kasi pumunta s'ya sa coordinator's office pero hindi naman niya tiningnan kung ano 'yong nasa loob no'n. Unless hindi na n'ya kailangan pang pumasok para malaman kung ano 'yong nasa loob.

I was cut off from my reverie noong may naramdaman akong tumama sa mukha ko.

"Anak ng -"

"Tingin-tingin kasi sa dinadaanan,"

"Meow."

Nagpalipat-lipat ako ng tingin kay Hayate at sa pusang hawak ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang sumangayon 'yong pusa sa sinabi ni Hayate.

"Tingnan mo, pati 'yong pusa sumasangayon sa akin."

Iniabot ko sa kan'ya 'yong pusa, "O magsama kayo," sinimangutan ko naman s'ya at nag-umpisa na uling tumakbo. Tinatanong ko tuloy 'yong sarili ko kung bakit hindi kami nagcommute.

After 21 minutes and 36 seconds, nakarating na kami sa Agency. At halos mag-a-ala-una na no'n. Fortunately bukas pa 'yong Agency. Pagpasok namin do'n, si Hiroshi at 'yong Atama family 'yong sumalubong sa amin.

"Yo kids," nagtinginan maman sila sa akin at nginitian ako, "Ang aga pa ah."

"May case po kaming tinapos," sabi ni Akemi habang tinitingnan 'yong pusa na hawak ni Hayate. Bigla na lang nagbago 'yong expression ng mukha n'ya.

Naaalala n'ya siguro si Demi do'n sa pusa. Halos magkamukha lang kasi 'yong pusang dala namin at si Demi, except for the color.

"Nga po pala Miss Reina," napatingin naman ako kay Ken no'ng bigla s'yang nagsalita.

Mission Incognito [Tantei High FF] EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon