1

26 3 0
                                    

"Cleo!Pumayag kana,please?Ang sakit talaga ng puson ko."sigaw ko mula sa kabilang kwarto,nakadapa sa kama  at yakap ang unan.

Bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok sya,nakabusangot at magulo pa ang buhok.Sinubukan ko namang ngumiti ng malambing sa kabila ng sakit ng lintik kong puson.

"Sira ka ba?Hindi naman pu-pwede ang gano'n!"atungal niya.Iritadong nagkamot ng ulo.

"Eh anong magagawa ko?Alangan namang hindi ako mag-enroll?Last day na ngayon,Cleo!"

Pinakita ko sakanya ang namamasa kong mga pisngi dahil sa iyak.Ganito talaga ako kapag may buwanang dalaw,kulang nalang ay humagulgol ako sa iyak.Imbis na maawa ay tinawanan nya pa ako,palibhasa'y lalaki at hindi nakakaranas ng ganoon.

"Tigilan mo nga ako sa mukhang 'yan,Kea!Akala mo naman kinaganda mo yan?" inirapan ko sya at binato ng unan.

"Dali na kasi!Para namang wala tayong pinagsamahan!"

Niyakap nya ang sarili at mukhang aping-api.Malinaw rin ang pandidiri sa mukha at umakto pang nakakita ng multo.Lalo atang namula ang mukha ko sa inis.

"Kapag ako naging presidente, ipapatupad ko talaga ang buwanang tuli!Leche ka!"sabay bato ko uli ng unan.Humalakhak pa siya.

Napapikit ako sa kirot ng biglang sumakit uli ang puson.Mukhang napansin naman niya yon kaya umayos siya ng tayo.Bumalik ako sa pagkaka-dapa at niyakap ang hotdog kong unan.Bahala na!Huwag nalang mag-enroll tutal tamad rin naman mag-aral!Amaw.

Huminga sya ng malalim at lumapit sa'kin.Bahagyang sinipa ang paa kong nakalawit sa kama.Hindi ko pinansin.

"Arte."bulong niya, "Oo na,ie-enroll na kita!Baka mamaya  kulamin mo ako diyan."

"Huwag na!Halata namang labag sa loob mo.."pambabara ko.Nagsisi rin agad kasi baka magbago nga ang isip nya.

Buti nalang hindi.

"Magbibihis lang ako.Kapag talaga ako napagalitan,papalayasin kita dito."

Huling sabi niya bago lumabas ng kwarto.Hindi na ako kinabahan dahil alam ko namang biro lang yon.Kahit napakahirap niyang pakiusapan,tumutupad 'yon sa pangako.Saka hindi ako no'n matitiis.Ako pa ba.

Ala-una na ata ng bumangon ako sa kama.Tahimik ang buong bahay kaya siguradong may kanya-kanya na silang lakad.Nag-iinat akong pumunta sa kusina  na agad na nagpasakit sa ulo ko.

Punyemas.

Mga hugasin sa lababo ang bumungad sa'kin.Hindi pa nakaligtas ang tinik ng isda na mukhang kinain na naman ng pusa ng kapitbahay namin.Mahuli ko lang yon,gagawin kong siopao!Tapos ipapakain ko sa mga walang kwentang kasama ko rito sa bahay!Bwisit!

Kinalma ko ang sarili at lumapit pa rin sa mesa.May tupperware doon na may lamang ulam.Buti naman at naisipan nilang tirhan ako?May natitira pa palang pakikisama ang mga animal na--

Dumako ang tingin ko sa rice cooker na walang laman.

Wala na talagang pag-asa.Mukhang hangin na naman ang magsisilbing kanin ko ngayon.








"Hindi niyo talaga ako tinirhan ng kanin?"mataray kong tanong ng isa-isa silang pumasok sa bahay.

Ang ilan ay naka-jersey kaya paniguradong galing sila sa plaza.Sina Kaito at Baste lang ang nakapormal na damit.Hindi nila pinansin ang sinabi ko at nag-ingay lang sa sala.

"Gago ka kasi,sabi ko naman ipasa mo kay Yvo!Ayan tuloy talo ng bente."

"Bente lang naman ang talo.Hindi kawalan,tsk."Hinagis ni Easton ang bola kay Baste na nag-aayos ng buhok sa harap ng salamin.

"Kahit na.Pambili rin ng ulam 'yon."sabat na naman ni Kaito.

Palihim akong tumango.Sabagay,ulam na sana namin yon.Palagi nalang ako ang bumibili ng ulam tapos hindi ko naman maabutan.Kung aabot man ako,sabaw nalang o di kaya'y napagpilian na.Ang aaga naman kasi nilang gumising!

"Ano uli sinasabi mo,Kea?"tanong ni Caleb.

Nagtinginan sila sa'kin at mukhang doon lang napansing kasama pala nila ako.Sarap kutusan!

Nilagay ko ang kamay sa bewang at tinaasan sila ng kilay."Bakit hindi niyo ako tinirhan ng kanin?May ulam nga,wala namang kanin!Ano? Tingin niyo ba nakakabusog ang hangin?"

May nakinig pa akong tumawa kaya hinanap ko kaagad kung sino.Seryoso na uli silang lahat pero kilala ko na ang tawang yon,isa lang naman ang pinaglihi ata sa katatawanan dito.

"Wala talagang kanin.Kaya paano ka pa namin titirhan?" slang na sagot ni Lexus.

Sumang-ayon naman iba.

"Eh bakit hindi kayo nag-saing?Anong kinain niyo?"

Nagkamot ng ulo sina Arlo at tinuro si Atlas na nagtatanggal ng sapatos.Natigil ito ng maramdamang sakanya ang tingin naming lahat.Kumunot ang noo niya sa mga nakaturo sakanyang mukha.

"Babaliin ko 'yang mga daliri niyo!"banta niya."Ano ba meron?!"

"Tinatanong ni Kea kung ano kinain natin."bulong ni Kaito.

"Oh bakit hindi niyo sagutin?"bara ni Atlas at nagpatuloy sa ginagawa.

Medyo naawa naman ako ng may napagtanto.Tiningnan ko sila isa-isa pero lahat sila'y hindi makatingin sa'kin.Parang tanga pa si Arlo na kinakausap ang unan.

"Hindi pa kayo kumakain?"hula ko habang nakaturo sakanila.

Nagkatinginan sila.Tumaas ang kamay ni Kaito kaya napatingin ako sakanya.

"Hindi pa."sagot niya sabay dumighay.

Tumaas ang kilay ko."Sa lagay na yan,hindi pa?"sarkastiko kong sabi.

Siniko siya ni Lexus na tinanguan ako."Kumain na kami.Nag-order kami sa Jollibee kanina."

"Ay gago."rinig kong bulong ni Arlo.Naka tingin pa rin sa unan.

Halos mapantig naman ang tenga ko.Tangina,ang tagal ko ng nagccrave sa Jollibee tapos hindi manlang nila ako inalok?

"Ano..biglaan lang.Sabi ni Atlas,Um-order nalang daw kami kasi tulog ka pa."

Tumalim lalo ang tingin ko,lalo na kay Atlas.Ikaw pala pasimuno,hayop ka. Hindi manlang ako naalalang tirhan,kahit burger manlang.Panigurado namang marami ang order nila kasi hindi sila bibili ng mabibitin sila!Di bale ng sobra,huwag lang kulang kamo.

Ano ba naman yong bigyan ako kahit coke manlang?Hindi manlang ako ginising!

Bwisit!Si Cleo lang talaga matino sa mga ito!

"Hindi manlang kayo namigay?!" bwisit kong sabi,pero yung totoo ay may pagtatampo na.

Nanahimik silang lahat habang nakatingin sa'kin.Napalunok si Caleb at nagkamot ng ulo bago umiwas ng tingin.Nahuli ko pang binatukan ni Kaito si Arlo.

"M-meron dapat.Kaya lang dumating kasi sina Erza kaya inalok na namin."ani ni Arlo sa mahinang boses.Para syang tuta sa isang sulok,akala mo naman seryoso talaga.Paniguradong nagpipigil lang yan ng tawa.

Basta talaga chicks aalukin!Yan tayo e.

Napakamot nalang ako sa ulo at tinalikuran sila.Bumalik ako sa kusina at tiningnan ang lagayan namin ng bigas kaso wala na rin palang laman.Lalo lang ako nainis.Ang init-init pa!




Never Have I EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon