4

19 3 0
                                    


                                
~*~


     

"Ano ba 'yan,Zea!Ano bang gagawin mo sa mga palakang yan?Kadiri."

Hindi ko pinansin ang pag-iinarte ni Maki.Sa halip ay mas pinagbuti ko pa ang paglalagay ng mga malulusog na palaka sa bitbit kong sako.Iniisip ko palang ang maaring reaksyon nila,nanginginig na ko sa galak.Hah!Akala nyo ah.

"Babae ka pa ba?Bakit hindi ka manlang nandidiri sa maputik na--yuck!tumalon-kunin mo!".

"Relax ka nga!" Tinawanan ko nalang ang pagiging praning niya.Ang cute lang.

"Ano ba kasi gagawin mo d'yan?Umuwi na kaya tayo!Magrereview pa ako e."

Binilang ko uli ang mga nahuli at ng sumakto ay saka ko binuhol ang tali.Tumayo na rin ako at pinagpagan ang sarili.Inabot naman niya sa'kin ang panyo at alcohol.
Naglinis ako ng kamay bago nakangiting nilahad sakanya ang sako,agad syang umiwas.

"Gagawin ko d'yan?!"

Natawa uli ako,"Hawakan mo malamang!Paano ako pipidal kung hawak ko pa 'yan?"

"I told you earlier na mag-kotse nalang tayo.Ayan tuloy!"

"Iistorbohin mo pa si Manong,kita mo namang pumoporma kay Ate Esing!" angil ko.Hinubad ko ang uniform at naiwang suot ang sando.

Nanlaki ang mata niya at malakas na batok ang inabot ko.Sinamaan ko siya ng tingin pero lalo lang siya namula sa inis.

"Gaga ka ba?Baka akala mo mga bata pa tayo?Mababastos ka dyan!"puna nya sa sandong suot ko.

Binalingan ko iyon at nagtataka siyang tiningnan.Makapal naman ah?Ni-hindi nga bakat ang bra ko e?Issue si Maki.Saka kung bastos talaga ang tao,kahit pa mag turtle neck pa ako,babastusin pa rin!Wala sa suot yan.Hindi naman din ganoon kaganda ang katawan ko.

"Kahit na!"

Nakailang pilit pa siya kaya wala na akong nagawa kundi isuot nalang ulit.Iniwan ko nalang bukas ang unang dalawang butones.Nanlalagkit na tuloy ako sa sarili ko.

Sumakay ako sa malaking bike niya,umangkas naman siya sa likod ko habang hawak ang sako.Nagsimula na akong magpidal kahit pa halos matumba na kami tuwing lilikot siya.Nagigitla kasi kapag tumatalon ang mga palaka.Tawa tuloy ako ng tawa.

"Nakapag-enroll ka ba?Doon sa sinasabi ko?"dinig kong bulong niya kasabay ng pag gewang ulit ng bike."Ay!Bilisan mo nga!Ang likot nitong mga alaga mo!"

Nag-enroll?

Ah!

"Oo.Inenroll ako ni Cleo."sagot ko.

"Si Cleo?Bakit hindi nalang ikaw?"naiinis niyang tanong, hinampas pa ako sa likod kaya natawa na naman ako.

"B-bakit hindi?"tawa ko,"Masakit puson ko e,ang hirap pa nga pakiusapan!"

"Hindi siya nahiya?Baka akalain ng iba 'bobo' siya!"angil niya ulit.Nilingon ko naman siya at sinamaan ng tingin.

"Ano ibig mo sabihin?Bobo ako?" Aba naman!Aminado akong hindi katalinuhan pero hindi rin naman ako palakol palagi no!

Binalikan ko ang tingin sa daan habang tumatawa siya.

"Ikaw kasi e.Kung saan-saan ka nagsususuot!Ayaw tuloy ng mga teacher sayo!"hagalpak niya porke't siya paborito.

"Kapag ako talaga napunta sa magandang section,who you ka sakin!"

"Swerte ka na kung magkaroon ka!"

"Aba!"

Tawa siya ng tawa sa likod hanggang mahawa na rin ako.Wala naman akong pake kung mawalan ako ng section,edi don't.Ang dami-daming school dito,ang dali lumipat!

Yung pinag-enrollan kasi sakin ni Cleo,para yun sa mga hindi sigurado kung papasa next pasukan.Kumbaga,dalawang linggo na pagpasok doon at pagbawi sa grades para makasama sa ibang section.Sa University lang ata naman ang ganon e.Palibahasa ayaw nilang may babagsak na estudyante,baka maapektuhan ang maganda nilang reputasyon.

Silvenia University.Doon kami nag-aaral.Ilang beses ko na nabisita ang Detention Room diyan.Madalas na dahilan?Natutulog sa klase at pambubully 'kuno'.
Hindi ko maalala kung kelan ako nang-bully ha? I mean..aware akong binabaliktad lang nila ako at sinisiraan.Gawain ng mga taong inggit.Pero hindi nila ako magawang patalsikin kasi may kapit ako sa taas haha.

"Saka pag-iinitan lang ako nila Triana."pagtukoy ko sa demonyitang yon.Yung grupo nila,feeling lagi pagmamay-ari nila ang University.Nakakainis kaya.Makita ko palang ang buhok niyang laging nakakulot na para bang a-attend ng kasal,nakakagigil na!

"Hayaan mo nalang kasi."

Ano pa ba nga ba?

Nakarating na kami sa tapat ng bahay namin kaya tumigil na ako.Bumaba na ako at siya naman ang pumalit sa pwesto ko.

"Akin na." inabot ko ang sako at ngumiti sakanya.

"Salamat sa pagsama!Makakalayas kana!"biro ko.

Inirapan nya lang ako bago pasimpleng nilingon ang gate.Wusyu,sige na nga pagbigyan!

"Hays,sige na.Silay kana.."minuwestra ko ang daan papasok pero umiling lang siya at pilit na umubo.

"Di na.Baka malagot na ako kay Mama."

Tumango naman ako at tuluyan ng nagpaalam.Nakita ko pa syang lumilingon-lingon parin.Hindi pa rin makamove on na panay lalaki ang kasama ko sa bahay.Umirap ako sa kawalan bago pumasok.Wala pa panigurado ang mga ugok na 'yon.

Tinago ko muna ang sako maliit na bodega namin.Bukas ko pa naman mapapakinabangan yan.Yung order ko nalang kay Sally ang kulang then violaaaa!

"Hoy!"

"Ay palaka!"napatakip ako ng bibig  at sinarado agad ang pinto ng bodega.Nagmamadali akong pumunta sa Sala at sumunod naman siya.

"May pinaplano ka no?"

Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan."Huwag mo ko igaya sayo."

He tsked."Saan ka galing?"

"Kina Makiya!"

Alam kong duda si Atlas sa mga sinasabi ko pero hindi nalang nagsalita.Tumabi siya sakin sa sofa at hinablot ang remot sa tabi ko.

"Pangit 'yang pinapanuod mo!" puna niya sabay lipat sa basketball.

"May sinabi ba akong maganda?Heh!"pinagkrus ko ang braso.

"Wala ka bang balak magpalit ng damit?Pawis ka."mahinang saad niya sabay iwas ng tingin.

Tiningnan ko ang sarili.Oo nga pala!

"Matutuyuan ka ng pawis--"natigilan siya ng makitang nakatingin ako sakanya.Bigla siyang ngumisi."Mabaho ka na."

Binato ko sa mukha niya ang katabi kong unan."Kapal mo!"

Umayos kami pareho ng upo at naghari ng katahimikan.Ganon naman palagi,wala ako makausap ng matino sakanilang lahat.Hindi naman ganito nong mga bata palang kami,nagbibinata na talaga sila.

Lakas ko naman maka-nanay!

"Saan mga kalahi mo?"tukoy ko sa ibang kasama sa bahay.

"Nagpaparami?"ngisi niya.

Sana inosente ako para hindi ko nagets no?

Ikaw ba naman tumira sa isang bahay kasama ang mga lalaking to,panay ganon ang biruan nila.Hindi naman ako bingi para hindi marinig yon.

Napailing nalang ako.

"Tumawag nga pala siya kanina.Nangangamusta."may panunuya sa tono nyang hindi ko nagustuhan.

Kinalma ko ang sarili at umaktong normal ang lahat.

"Sino?"

Pinatong niya ang siko sa tuhod niya't nakahalumbaba akong tinitigan.Nagtaas siya ng kilay at madilim ang mga mata.

"Sino nga ba?"



























Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Never Have I EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon