~*~
KAGAT-kagat ko ang dulo ng ballpen habang sumisilip sa bintana ni Mrs.Vedusco.Bitbit ang maliit na paper bag ay dahan-dahan akong lumapit sa may pintuan,nakapikit ang isang mata bago buksan ang pinto.
"Pst!Mukha kang tanga,Kea."
Natigilan ako sa ginagawa at agad na nilingon ang pinagmulan ng boses.Kita ko agad si Kaito na may nginunguya sa bibig,natatawang nakatingin sa'kin.
"Anong ginagawa mo dito?"mahinang sabi ko,sumilip sa labas ng bintana.
"Maraming nagbigay ng chocolates kay Tanda.Tikman mo masarap.." inangat nya ang hawak na tsokolate.
Nanlaki ang mata ko at tiningnan ang mesa sa harap nya.Nagkalat ang mga balat ng pinagkainan nya!Hindi pa nakaligtas sa'kin ang pagbulsa n'ya sa maliliit.Hindi maipagkakailang lumantak ng chocolates dahil may tira pa sa ngipin.
Seriously?Crush 'yan ng mga kaklase ko?Kadiri naman.
"Gago."mahinang asik ko,"Hindi 'yan sayo tapos nilalantakan mo.Itapon mo nga 'yang mga balat.Mag-iiwan ka pa ng ebidesya."
"Kabado ka masyado.Mamaya pa yon, nakikipagtukaan pa.."sabi niya bago tumawa ng malakas.
Dali dali naman akong lumapit at tinakpan ang bibig niya.Ngumiwi ako ng maramdamang basa ang palad ko dahil sa laway nya,kadiri talaga! Tinanggal ko agad iyon at pinunas sa uniform niyang lukot na naman.
"Dugyot."
Ay wow?Hiyang-hiya ako sayong hapon ka.
"Ano ba yan? Chocolates din?"nguso niya sa bitbit kong paperbag.Doon ko lang naalala muli ang pinunta ko don.
Lumapit ako sa table ni Mrs.Vedusco at maingat na pinatong 'yon.Tumabi naman siya sakin at sinilip ang ginagawa ko.
"Ano ba!Ang init kaya!"angil ko.
Ang init naman dito,hindi ba uso aircon sa office na to?Sa kabilang department naman hindi ganito e.Amoy-MALL pa nga sa lakas ng aircon.
"Ano ba kasi 'yan?Ayaw mo ipatingin.Bold ba yan?"siraulong tanong niya.
"Tanga ka talaga."iling ko.
Nagpunas ako ng pawis bago lumayo sakanya.Tinuro ko ang pintuan.
"Sibat na ako.Bahala ka d'yan,sumakit sana ngipin mo."
Pagkalabas palang ay amoy ko na agad ang simoy ng tagumpay.Hindi kasi ako nakapagpasa ng project kaya pinag-initan ako kanina ni Mrs.Vedusco.Para payagan niya akong makapagpasa kahit late,pina-print ko yung mga stolen shots na kuha ko sakanila ng 'boytoy' niya.
Hmp!Akala niya siya lang marunong mang-blackmail ha?
Wala daw ako grades kapag hindi ko 'yon napasa, e sa malay ko bang deadline na pala no'n?Bwisit kasi sina Arlo.Nagyaya pa mag marathon ng Harry Potter.Nawala tuloy sa isip ko yung mga gawain sa School.
"Saan ka galing?Pangiti-ngiti ka pa."
Kung minamalas ka nga naman.Akala ko si Kaito lang ang makikitang bakulaw ngayon,meron pa pala.
"Wala ka bang klase at naghahasik ka ng lagim dito sa corridor?"walang gana kong pagbabalik ng tanong sakanya.
Sinuklay ko ang maikling buhok gamit ang mga daliri.Maikli lang talaga siya,hindi aabot ng balikat ko.Naiinis kasi ako kapag mabanas tapos kailangan ko pa magtali ng buhok.Hindi pati ako marunong mag-ayos ng gano'n kaya pinagupitan ko nalang kay Maki.
"Sumagot ka nga ng matino kapag kinakausap."striktong sabi niya.
Hays,kahit kailan talaga.Dinaig pa tatay ko kung manermon.Natatawa nalang akong nailing.
"Stress ka ba,Caleb?"biro ko,"May dinaan lang ako sa teacher ko."
"Hindi mo sinabing kina Makiya ka matutulog kahapon."
Nagkamot ako ng ulo.Nawala pala sa isip ko.
"Nalimutan ko.Saka wala naman akong number niyo,magagawa ko?"
Tumingkayad ako ng konti para maabot ang nasa may buhok nya.Mga petals ng rose.Kinuha ko 'yon at pinakita sa kanya,hindi alintana ang lapit ng mga mukha namin at ang bahagyang panglalaki ng mga mata niya.Umatras naman agad ako at inabot nalang sakanya yon.
"Pati buhok mo may flowers.Sana all."
Tumikhim sya at namulsa."Paano ko mabibigay ang mga numbers namin kung papalit-palit ka ng cellphone?"
Magagawa ko kung lagi nalang pinagtitripan ng mga kasama ko sa bahay ang cellphone ko?!!
Gusto ko iyong isagot pero nakakahiya kay Caleb.Sa kanilang lahat,siya ang pinakapormal.Nakaka-intimidate yung tinginan niya kahit dapat ay sana ako.Saka babae pa rin naman ako, mahina sa gwapong nilalang.
Huwag lang talaga silang magsasama-samang magbabarkada at mas gugustuhin ko talagang sa Mars nalang tumira.
"Nasa cafeteria na sila.Sasama ka ba?"alok niya.
Napatingin ako sa ibang estudyanteng napapatingin.Bakas ang inggit sa mga kababaihan pero mas naiingit ako sa hawak nilang mga chocolates at bouquet.
Valentine's ngayon pero ni-isa ay walang nagtangkang maglaman ng locker ko.Sigurado akong meron naman kaso malamang nasa tiyan na yon ni Arlo o ni Kaito.Maraming posibleng salarin e.
"Ayaw ko.Nakakain na ako."tanggi ko.
"Sabay ka daw kay Cleo pag-uwi.Huwag mo na ulitin yung ginawa mo last time."
Ngumiti nalang ako at tumango.May sasabihin pa sana siya pero kumaway na ako at dali-daling tumakbo palayo.Tinakasan ko kasi sila last time,sobrang bwisit lang talaga ako kay Atlas noo.Di ko kayang makipag plastikan.
Sino bang matutuwang makita yung sandamakmak nilang picture, na nakapaskil sa bawat sulok ng kwarto ko?I mean..kung picture ko nalang sana diba?baka matuwa pa ako.Pero hindi e,pinagsama samang pictures nila na parang isang araw lang kinuhanan kasi same outfits.
Hanggang ngayon gigil pa rin tuwing naiisip ko kung gaano kahirap tanggalin ng mga 'yon.Hindi ko talaga sina pinansin matapos yon,lalo na si Atlas at Arlo na pasimuno.
At syempre,buo na ang plano kong ganti.
Evil laugh.