2

19 3 0
                                    


~*~


Pinunasan ko ang pawis at nagmartsa pabalik sa kwarto ko para kunin ang wallet at cellphone.Tiningnan ko rin muna ang sarili sa salamin.

"Pota.Tao ka n'yan?" gigil kong sabi bago inabot ang suklay.Nag-messy bun nalang ako at nagpalit ng shorts,di ko napansing naka-pajama pa pala ako.

Maayos naman ang tshirt kaya di na ako nagpalit.Leche talaga,pati yung puson ko nagpaparamdam na naman.Lalabas na sana ako ng magvibrate ang cellphone ko sa bulsa.

Nagtext si Cleo.

From: Cleo-patra
Enroll ka na,pasalamat ka pogi ako ;) Bumangon kana dyan at kumain!

Sana sinabihan mo rin yung mga ulupong mong daberkads no?Kailangan ko pa tuloy bumili ng bigas!
Halos pangigilan ko na ang cellphone sa diin ko magtype.

To : Cleo-patra
Salamat nalang sa lahat,godbless.

Bumaba na ako't nadatnan silang nagsisiksikan pa rin sa Sofa.Bukas na ang TV pero halatang wala naman silang pakealam,kelan pa sila nanood ng peppa pig?

Nakasimangot ko silang binalingan,sabay-sabay naman silang nagbalikan sa kanya-kanyang ginagawa.Kala mo sinong kay aamo, mamaya pag-alis ko baka mag-party pa mga bakulaw na to.

Si Atlas the pasimuno agad ang pumuna sa ayos ko.

"Lakad mo?" pabalang niyang tanong.

"Care mo?"bara ko bago hinanap ang sandals.

Pumalatak lang siya pero hindi na sumagot.

Lumayo-layo kayo saakin kung ayaw nyo mabugahan ang apoy.Masakit ang puson ko at tiyan sa gutom kaya isang maling kilos,tatamaan talaga sakin.

Bumuntong-hininga si Caleb at nanantiya akong tiningnan.

"Hindi ka pa..kumakain?" Tanong niya.

Napatingin sakanya ang iba na parang saka lang iyon naisip.

"M-may ulam sa mesa,Kea." ani ni Kaito na parang ikabubusog kong  'yun lang ang kainin.

"Hindi pa yon panis?" kinig kong bulong sakanya ni Baste.Hininaan pa.

Buti nalang hindi ko kinain.Baka lalo pa masira tiyan ko.

"Io-order nalang kita,Kea!Teka!"magiliw na tumayo si Arlo pero inilingan ko nalang.

Nagbuga ako ng hangin at umiling nalang.

"Hindi na.Wala na rin namang bigas kaya bibili na ako.Sa labas nalang ako kakain." napangiwi pa ako dahil sa puson ko.

Si Caleb naman at Lexus ang tumayo,"Ihahatid ka na namin."

Tumikhim si Kaito at nagkamot ng ulo,"Maglilinis nga pala ako ng bahay!"

Kumuha sya ng walis at inabot naman ang basahan kay Baste."Tulungan mo ko para may ambag ka."

"Magdidilig ako ng mga halaman sa garden."walang ganang sabi ni Yvo at diretsong lumabas ng bahay.

Kumunot ang noo ko.Magsasalita na sana kaso naunahan ako ni Kaito.

"May garden ba tayo?"inosente niyang tanong.

Napaisip rin tuloy ako.Nagtinginan sila sa labas,nakita namin si Yvo na sakay na ng motor at kumaway pa samin.Tamad talaga.

Kung ano man sumasapi sakanila,sana huwag ng umalis.

"Huwag na kayo sumama,dadaanan ko nalang si Maki."

Si Makiya,dating kapitbahay namin yon pero lumipat na ng kabilang subdivision.Close pa rin naman kami kahit na ganoon,schoolmate din kasi.

"Akala ko ba aalis bakit nandyan pa rin.."pasaring ng isa,siya nalang ang nasa sofa at nakataas pa ang paa.

Nagwawalis pa rin si Kaito sa sala habang si Baste ay nagpupunas ng pader,nasa TV ang tingin.Boplaks.

Umirap ako at tuluyan ng lumabas ng bahay.Padabog ko pang sinarado ang gate,sinipa-sipa ko pa sabay takbo paalis at pumara ng jeep.

Kabagin sana kayo.


Imbis na sa kainan talaga ako pumunta,kina Makiya nalang.Sayang lang pera ko no..pwede naman makikain doon lalo na close din kami ng Mama niya.Para-paraan lang yan.

Nadatnan ko siyang naggugupit ng kung ano-ano sa labas ng bahay nila.Nakaupo  siya sa maliit na upuan at nasa lapag naman ang mga color paper.

"Ano yan?"

"SSG Duties."maikling sagot niya.

Naniniwala na talaga ako doon sa nabasa ko sa internet.Sa magkaibigan,hindi mawawala na may isang pala-aral at isang....medyo lang.

Natigil siya sa paggugupit at tumingin sakin.Naupo naman ako sa swing na malapit sakanya.Pinagmasdan ko ang mga ginugupit niyang mga letters pala,baka may paganap na naman sa School kaya ganyan.Hays,kung ako  sakanya,iuutos ko na lang yan sa nga maid nila dito sakanila.

"Magpasa ka nga pala ng excuse letter kung bakit ka absent no'ng isang araw.Hinanapan pa rin ako ni Sir."

Ano ba yan,tanda pa rin yon?Napasarap ang tulog ko e.Napuyat ako sa pag-aayos sa kwarto ko.Bwisit talaga sina Arlo.

"Para namang ikatatanggal ng lisensya niya yung excuse letter ko."ngumuso ako at dinuyan ang sarili.

"Ewan ko sayo,Azikea.Pinaglihi ka ba sa 'sarcasm' ?"

Napahagalpak ako ng tawa.Hindi kasi iyon ang unang beses na sinabihan ako ng ganoon.Laughtrip lang.

"Hays."napapangiting saway niya bago ako abutan ng gunting,  "Why don't you just help me here?"

"No, Thankyou.Pagkain talaga ipinunta ko dito kasi gutom na gutom na ako.."madrama kong sabi.Binalik sakanya ang gunting at dahan dahang tumayo.

"Wow ha?"

"Medyo nahihiya pa nga ako e.Andyan ba si Tita?"

Tumango siya at tinuro ang loob ng bahay."Oo,pumasok kana.May tira pa atang fried chick------"

Hindi ko na siya pinatapos at sinalubong nalang ang Mama niya na palabas sana ng pinto.

"Tita!"












Never Have I EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon