CHAPTER 2

68 4 1
                                    

Nagising nalang si August sa tunog ng alarm clock niya, pinatay niya ang alarm clock at nahiga ulit dahil medyo inaantok pa siya. Linggo naman ngayon at wala siyang klase kaya pwede pa siyang matulog ng ilang oras pa kung gugustuhin niya. Tinatamad pa rin naman siyang bumangon. Hindi niya alam pero wala siyang ganang kumilos ngayong buong araw na ito.

Alas otso na ng umaga nang naisipan na niyang bumangon. Nagmuni-muni lang muna siya saglit at inalala ang nangyari kagabi.

'D*mn it!'

Napamura nalang si August sa isipan niya nang maalala niya ang lahat ng nangyari kahapon. Masakit at naaawa na naman siya sa sarili niya.

'Ganon ba talaga ang mga mayayaman? Ang alam lang nila ay gumastos ng gumastos, maliitin ang mga mahihirap, at paglaruan?' sa isip-isip niya.

'Darating din ang araw na kayo naman ang magmamakaawa at luluhod sakin...'

Matapos niyang maging tulala sa kawalan ay naghilamos na siya at nag-toothbrush. May pagkain pa naman siya kaya hindi na lang muna siya lalabas. Parang mas gusto niya pang magkulong nalang muna sa kwarto niya buong araw at magmukmok.

*tok... tok... tok...*

Narinig niyang may kumakatok sa pinto ng kwarto niya. Lumapit siya dito at dahan-dahang binuksan ito.

"HAPPY 21st BIRTHDAY AUGUST!!!"

Nagulat si August sa sigaw nila at may nagpasabog pa ng confetti. Nakita niya ang mga dorm mates niya na kumpleto at may dalang maliit na cake. Si Cait Guerra, Rafa Shipley, Tyler Greyson, Matthew Gault, at Clayton Whittle. Si Rafa at Clayton ay kapwa niya casa Scholars. Si Tyler at Clayton naman ay mula sa casa Average. Si Cait naman ay mula sa casa Top Class. Hindi naman lahat ng matataas ang casa ay masasama ang ugali. Mayroon pa rin naman siyang totoong kaibigan na kahit mayaman ay mabait pa rin sa kanilang mga mabababang casa. Mas pinili ni Cait na dito magdorm sa kanila dahil nandito raw ang mga bestfriends niya. He's very humble after all.

"Tss, nag-abala pa kayo!" ayan nalang ang nasabi ni August sa kanila dahil medyo nahihiya siya sa pag-aabalang ginawa para sa kanya. Oo nga pala, today is August 1 and his 21st birthday. Kamuntik na niyang makalimutan dahil sa dami ng iniisip niya.

"Ano ka ba August, birthday na birthday mo ngayon pero parang pinagsakluban ng langit at lupa 'yang mukha mo! Dapat happy lang! Ito talaga oh!" sabi ni Rafa.

"Oh ano pang hinihintay mo August? Hipan mo na itong candle at nangangalay na ako! Hahaha" sabat pa ni Matt. Napangisi nalang si August at saka hinipan ang kandila. Ang inisip nalang niya bago i-blow ang candle ay sana maging maayos na lang ang lahat para sa kanya. Napapagod na si August sa totoo lang. Gusto na niyang lumuwag-luwag ang buhay niya.

"What's your wish August?" tanong ni Tyler.

"Ba't ko naman sasabihin? Syempre secret 'yon! Hahaha" sagot ni August sa kanya. Tinawanan lang siya ni Tyler at ginulo pa ang buhok niya.

"Ayan, dapat masaya lang. It's your day kaya i-enjoy mo lang!" sabi ni Clayton. Tumango lang si August at ngumiti bilang sagot.

"Since it's your birthday today August, I'm planning to host a dinner celebration later for you at Mill Crown Restaurant. You can invite anyone!" masayang sabi ni Cait.

"Ano ka ba Cait, hindi mo na kailangan pang pagkaabalahan ang birthday ko. Hindi mo na kailangang gumastos pa, isa pa alam kong mahal doon sa restaurant na 'yon. Sa Masluxy Commercial Park 'yon kaya alam kong napakamahal ang pagkain doon." seryosong sagot ni August kay Cait.

"Yeah I know but don't worry about the money, I'll take care all of it. It's your birthday after all, you are one of my besfriends and I know that you deserve it!" sagot naman ni Cait sa kanya. Alam ni August na mayaman si Cait dahil isa siyang Top Class richman pero alam rin niya kung gaano kamahal sa Mill Crown Restaurant since it is one of most luxurious restaurants sa buong Masluxy Commercial Park. Maaaring gumastos siya ng daan-daang libo para 'don or even million of peso. Hindi gusto ni August na gumastos ang ibang tao ng ganon kalaking halaga para lang sa kanya.

The Noble RichmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon