CHAPTER 1

54 4 1
                                    

Hapon na at kasagsagan ng init ng naglalakad si August sa may hallway. Pabalik na siya dapat sa may dorm niya nang may makasalubong siya.

"Hey August, buy us a coffee!" utos ni Chester nang makasalubong niya si August sa may hallway ng campus.

"Sure!" tipid n'yang sagot at inilahad niya ang kanyang palad para hingin ang pambili. Tutal palabas din naman siya para magpahangin.

"Here's the money for four cups of coffee and keep the change for you, go and hurry up!" dagdag pa ni Chester at inabutan siya ng dalawang libong piso. Ganito ang role niya dito, palaging inuutusan ng mga matataas ang casa pero pabor naman sa kanya ito dahil sa ganitong paraan niya nabubuhay ang sarili niya. Kada utos sa kanya ng mga matataas ang casa ay binibigyan siya ng pera at sapat na iyon para may maibili siya ng pagkain at ilang importanteng bagay na kailangan niya everyday.

By the way, He's August Blue Frazier, third year college student of Business Administration at isang scholar dito sa Crownland University. Matangkad si August at hindi maipagkakaila na may angking kagwapuhan ito. Bakit sa tingin ninyo ay August ang pangalan niya? Simpleng lang, dahil he was born on August 1, 2000 and he's 20 years old right now. You know what? Today is the last day of July, meaning tomorrow is his 21st birthday. Kung tatanungin niyo, Scholar ang pinakamababang casa dito sa university at sila rin ang kinikilalang pinakamahirap kaya madalas sila ang binu-bully at inuutus-utusan dito. Kung tutuusin ay laking pasasalamat pa nila sa Scholarship Foundation na binuo ng mga First Class and Top Class students kaya nakakapag-aral sila ng libre ngayon dito. Hindi man ganoon kaganda ang trato nila sa kanilang mga Scholars ay nagpapasalamat pa rin sila sa mga ito. Hindi ang university ang nagbibigay ng scholarship sa kanila kundi ang mga students lang din mula sa casa First Class at casa Top Class. Sila kasi ang pinakamayaman dito at ito rin ang way nila para may maging utusan sila and also for their popularity.

Naglakad na si August palabas ng campus at dumeretso sa isang kilalang Coffee Shop para bumili ng kape.

"Four cups of coffee please, take out." order niya.

"Four cups of coffee, Php 1,520.00 po." magalang na sagot ng cashier at ibinigay na ni August ang dalawang libong piso bilang bayad. Ganyan 'yang mga mayayaman, bumibili ng kape sa halagang Php 380.00 ang isang cup. Sinuklian naman siya ng Php 480.00, sapat na ito para may maibili siya ng pagkain ngayon at bukas. Sa ganitong paraan niya lang binubuhay ang sarili niya. Oo, naaawa na siya madalas sa sarili n'ya pero kailangan niyang tiisin dahil wala naman siyang choice kung hindi maging strong everyday.

And nanay ni August ay isang domestic helper lang sa ibang bansa at yung tatay niya naman ay isang factory worker sa ibang bansa rin. Matagal na silang nasa ibang bansa. Noong high school pa si August ay pinapadalhan pa nila siya ng maliit na halaga para may magastos pero simula noong nag-college siya ay hindi na nila pinapadalhan ng pera si August dahil sinabi niyang ipunin nalang nila para may maipagpatayo sila ng bahay. Mahirap lang ang pamilya nila kaya kailangan nilang kumayod. Matagal na rin niyang hindi sila nakakasama at nakikita ng personal. Sa loob ng maraming taon, through phone call and video call lang sila nagkikita at nag-uusap ng mga magulang niya.

Bumalik na si August sa campus dala ang apat na cup ng coffee at pumunta sa dorm nila Chester. Magkaiba sila ng dorm dahil sa kabilang building pa ang dorm ni August kasama ang mga kapwa niya casa Scholars at casa Average. Kumatok siya sa kwarto ni Chester para ibigay ang mga kapeng pinabili niya. Pinagbuksan siya nito ng pinto at nakita ni August sa loob sila Arvin, Lance at Nicks. Sila Chester Shareef, Arvin Liglet, Lance Whalen, at Nicks Gagnon ay mula sa casa First Class which means nasa one million dollars to one hundred million dollars ang yaman ng pamilya nila. Ganyan sila kayaman kaya parang barya lang sa kanila ang isang libo.

The Noble RichmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon