CHAPTER 4

189 5 6
                                    

"DON'T YOU KNOW WHO IS HIM?! HE'S MR. AUGUST BLUE FRAZIER! THE BIG BOSS BEHIND THIS MASLUXY COMMERCIAL PARK! HE OWNED THIS WHOLE PLACE!!!"

Halos malaglag ang panga sa gulat ang tatlong security guard matapos nilang marinig ang sinabi ni Mr. Weylon Carr.

"W—what?!" gulat at hindi makapaniwalang sabi ng isang guard sabay lapit at luhod sa harapan ni August.

"Mr. Frazier, patawad po!" sabay-sabay nilang sabi habang nakaluhod sa harapan ni August.

"Tss" singhal ni August at dinaanan lang sila.

"Good Morning Mr. Frazier, I'm Weylon Carr, the one who managing this Masluxy Commercial Park. It's an honor to meet you!" bati nito kay August at nag-bow sa kanya, nagbow rin ang iba pa katulad ng ginawa ni Mr. Carr. Nagulat naman si August dahil hindi siya sanay sa mga gantong sitwasyon. Tumango lang siya bilang sagot.

"Mr. Frazier, what do you want to do with these people?" tanong ni Mr. Carr at tinuro ang tatlong guard.

"Fire them?" patanong na sagot ni August sa kanya. Kahit siya sa sarili niya ay hindi rin sigurado sa sinabi niya.

"Mr. Frazier please, kailangan ko po ang trabahong ito. Patawad po!" pagmamakaawa ng isang guard. Napaiyak na silang tatlong dahil sa sinabi ni August. Kita sa mga mata nila ang takot at pagsisisi kaya medyo naawa si August sa kanila. Hayys.

"Fine, I won't fire you but I don't want to happen this again!" sagot ni August sa kanila. Kung hindi lang talaga siya maawain ay pinatalsik na niya talaga sila rito. Ginagawa naman nila kung ano ang trabaho nila pero sana naman huwag na umabot ulit katulad sa ginawa nila kay August. Para sa kanya ay hindi makatarungan iyon dahil sa mahirap o mukhang mahirap ka lang.

Pumasok na siya sa loob ng Masluxy Entertainment at nagsimulang maglakad.

"Mr. Carr, I'm here to sign the documents." sabi ni August sa kanya.

"Yes Mr. Frazier, I was already informed by your father about it. Please, come this way..." sagot niya at itinuro ang daan papunta sa office. Kasunod niya namang naglakad ang iba pang tauhan.

Pagkadating nila sa office ay inilabas niya agad ang mga documents, medyo marami ito katulad ng inaasahan niya. Pinaliwanag ni Mr. Carr kay August ang tungkol sa mga businesses dito sa Masluxy Commercial Park. Lahat ng nandito sa Masluxy Commercial Park ay pagmamay-ari na ni August dahil nakapangalan na ito under his name. Nakapangalan naman ito sa pamilya niya before pero ngayon ay sa mismong pangalan na niya. Yung mga luxurious restaurants, luxurious bars, entertainment park at marami pang iba. May mga business na nakatayo dito pero iba ang nagma-manage like that Mill Crown Restaurant, 75% ng profit ay napupunta sa akin at yung 25% naman ay sa nagma-manage. In short, kumikita ako kahit hindi gumagalaw. Hindi na raw sila lugi sa 25% na profit dahil yung lang naman ang percentage ng shares nila. Gusto nilang maglagay ng shares dito dahil makalas at madaling kumita rito sa Masluxy Commercial Park. They can't manage to build a business here without the support of Frazier Family.

Matapos niyang pirmahan ang lahat ng documents ay dinalhan siya ng mga pagkain. Saktong hindi pa siya kumakain ng breakfast dahil nagmadali siyang pumunta ng bangko kanina nung nalaman niya ang lahat.

Inihain nila sa table ang iba't-ibang uri ng pagkain. Hindi alam ni August kung anong tawag sa mga 'yon. Sinimulan nalang niyang kumain hanggang sa mabusog siya. Pagkatapos niya kumain ay nagpahinga lang siya ng konti dahil maglilibot sila para bisitahin ang buong Masluxy Commercial Park.

"Mr. Frazier, nagustuhan niyo po ba ang mga pagkaing pinahanda ko?" tanong ni Mr. Carr kay August.

"Hmmm, masasarap lahat ng pagkain." sagot ni August.

The Noble RichmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon