CHAPTER 3

72 3 0
                                    

Matapos makipag-usap ni August sa parents niya ay agad siyang nagpalit ng damit. Hindi nila sinabi kung magkano ang laman ng ATM Card na binigay nila kay August, it's a surprise raw. Kailangan n'yang pumunta ngayon sa Masluxy Commercial Park para pirmahan ang mga importanteng documents dahil inilipat na raw under his name ang business na 'yon. Hindi niya pa rin nga alam kung totoo ba lahat ng iyon or joke lang. Ang hirap magsink-in sa utak niya ng lahat. Bago siya pumunta sa Masluxy Commercial Park ay dadaan muna siya sa bangko para i-check ang balance ng bank account niya gamit ang ATM Card na binigay sa kanya ng mga magulang niya. It doesn't matter kung anong bangko ang gamitin niya kasi under naman ng World Bank ang Golden-Black Plated Card niya. Doon palang sa World Bank hindi na niya alam na may ganoon pala kaya ang hirap tanggapin ng lahat para sa kanya.

Hindi naman kalayuan ang Bank dito sa University, walking distance lang naman kaya hindi na niya kailangang sumakay pa. Nilakad lang ni August ang papunta sa bangko hanggang sa nakarating siya sa entrance. Pinagbuksan siya ng pinto ng Security Guard. Medyo marami ang tao sa loob ng bangko at may ilan ding mga students mula sa casa ng First Class at Top Class. Pagkapasok niya palang ay pinagtitinginan na siya ng lahat.

"What that pauper doing here?" maarteng sabi ng isang student from casa First Class.

"Is he going to withdraw a money?" tanong pa ng isa niyang kasama.

Hindi pinapansin si August ng bank teller, tanging yung mga mayayaman lang ang inaasikaso at inuuna nila.

"Baka naman nandito lang siya para i-enjoy ang aircon nitong bank!" sabi naman ng isang casa Top Class. Hindi nalang ito pinansin ni August bagkos ay humingi nalang siya ng number para sa pila.

"Ewww, he's coming here in our spot. Oh my gosh, I can't take it!" maarteng sabi nung mula sa casa First Class.

"I think we should go! Next time nalang tayo mag-withdraw ng cash!" sabi nung kasama niya at nagmadali silang lumabas ng bangko. Sumama naman ang mukha ng bank teller noong lumabas ang ibang mga customer.

Nang si August na ang sunod ay mas lalong bumusangot ang mukha nito nang makita siya.

"How may I help you?!" pagalit na tanong nung bank teller sa kanya. Hindi nalang ito pinansin ni August bagkos ay nginitian niya pa ito.

"I want to check the balance of my bank account." sabi niya rito.

"Hahaha, that pauper wants to check the balance of his bank account? I wonder kung may laman ba talaga yung ATM Card niya! Hahahaha!" malakas na sabi nung casa Top Class student. Nagtawanan naman yung ibang tao sa loob. Sa totoo lang ay nahihiya na si August sa nangyayari, first time niya lang pumasok sa bangko dahil ngayon lang naman siya nagkaroon ng bank account at ATM Card.

Pasimple nalang niyang ibinigay sa bank teller ang ATM Card niya ng hindi nakikita ng iba. Nanlaki naman ang mata ng bank teller nang makita ang ATM Card ni August.

"This... this is Golden-Black Plated Card!" gulat na sabi ng bank teller. So totoo nga ang Golden-Black Plated Card na binigay sa kanya ng parents nya. Hindi naman napansin ng iba ang sinabi ng bank teller.

"Can you check the balance of my bank account?" tanong ni August dito.

"Y-yes... sure Sir!" medyo nauutal nitong sagot kay August at tinitigan pa siya nito. Medyo nag-iba ang trato nito kay August at naging magalang pero hindi nalang niya ito pinansin.

That Golden-Black Plated Card is limited only and only few rich people can own it. Additionally, the lowest maintaining balance of it is ten billion pesos! Kaya laking gulat nalang ng bank teller ng makita at mahawakan niya ang ganong type ng ATM Card. Only noble richman can have that kind of limited edition World Bank's Card!

The Noble RichmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon