Playlist #1

196 3 0
                                    

*Teneng... teneng...*

Pinapractice kong igitara yung kanta ng banda ko para sa school activity bukas na "Never seen anything "quite like you"" ng the script. Ako kasi yung napiling lead guitarist ng band sa classroom na "The James Band" Pangalan palang alam na kung sino nag-isip. Yung crush kong simce 1st year na si James. Napakaswerte ko at ako napili niyang guitarist.

*knock knock*

/pagbukas ng pinto/

Bakit po tita?

Anong oras na? Gabing gabi na naggigitara ka pa. Baka magising ang mga bata.

Sorry po. May performance po kasi kami bukas

Ano? Performance? Maggigitara ka?

Opo tita

Alam ba yan ng nanay mo?

Di po. Wag mo po sabihin please. Alam mo namang di ako papayagan nun

Hay nako. Oh siya. Di ko na ipapaalam. Magpahinga ka na. Maaga pa pasok mo bukas.

Thank you tita! Sige, tulog na po ako. Goodnight po

***********
*30mins before performance*

Parang do or die samin to. Di kasi namin alam kung magugustuhan kami ng mga tao.

Si james = ang vocalist namin (at obvious na sakanya nakapangalan ang band)

Si greg = ang bassist namin

Si C.A. ehem ako = ang lead guitarist

At si peter = ang drummer

Habang busy ang tatlo sa pag-uusap, sila lang kasi nagkakaintindihan, nakaupo lang ako sa gilid, pinapractice ang chords para di magkamali.

Nang may narinig akong boses.

Anak!

Si kelly papalapit sakin (si kelly ay nanay nanayan ni C.A. dito sa kwentong ito, basahin ang storya ng buhay at pag-ibig niya sa "This 16Dimensional Love")

Bakit po ma?

Magsisimula na ba performance nyo? Yiee. Kinikilig ako. Feel ko, sisikat kayo!

Magsisimula within 10mins.

Okay! Goodluck! Alam kong kaya mo yan. May sasabihin ako sayo after nyong magperform!

Ano yun? Ngayon na

Mamaya na! Oh yan na. Kayo na ata next. Gooooo anaaaaaaaak!

Thanks ma

I think i want you more than want
And no I need you more than need
I wanna hold you more than hold
When you stood in front of me

Grabe, nakakainlove yung boses ni james. Sakanya lang ako napapatingin habang kinakapa yung chords.

Well I've seen you in jeans with no make up on
And I've stood there in awr as your date for a prom
I'm blessed as a man to have seen you in white
But I've never seen anything quite like you tonight....

Natapos ng maayos ang performance.

"Waaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh! More!!!!!!!"

Sigaw ng mga babae. Grabe mukang abg daming tinamaan sa boses ni James.

MC: Nagustuhan nyo ba?

Audience: Ooooooooooooo!!!!!

MC: sample palang yan! Makikita nyo yung performance ng band nila sa College week. Abangan nyo girls

Audience: aaaaaaaaaaw

Paglabas ng stage, daming nakaabang sa likod, gustong malaman ang pangalan ni James. Grabe, sa do or die, "Do" kami. Dahil daming girls ang nabighani kay James. Isa na ko dun hays

Anak!

Si kelly.

Bakit ma?

Ang galing mo! Ikaw nagdala hahahaha.

*hinawakan kamay ko*

Bat ang lamig ng kamay mo? Grabe

Kinabahan lang ma. Si james kaya nagdala. Gwapo niya noh?

Gwapo ka jan! Hmp! Mas gwapo pa si Bob jan (Boyfriend ni Kelly. Basahin ang storya nila sa T16Love. Papromote lang :p)

Nevermind! Ano pala sasabihin mo?

Nevermind ka jan! Ay oo nga pala. May gagawin ka ba bukas?

Sunday diba? Wala pa naman bakit?

Ayaw kasi ako payagan ni daddy sa date namin ni Bob. Pwede ka sumama? Chaperone?

Ma naman. Baka ma out of place lang ako sainyo

Di yan. Ako bahala. Ano sama ka? Sige na please

Hays, sige na nga. Basta libre mo ko float.

Haha. Sige ba. Kahit 10pcs pa

Kaya ko ba yun? Sige. Sama na ko. Wag nyo ko iOP ah?

Oo naman! Okay. Uwi na ko nak! Kita kits sa sundate. Hihi

***********
*day earlier: Friday 10:09pm*

-Kelly's POV-

Nako, ang tagal naman umuwi...

Ayun! Loooooooi!!!!

Pinsan ko pala si Loi. Mas matanda ako ng isang taon sakanya. Yung tatay ko at nanay niya very close siblings. Kaya close din kaming magpinsan

Anong meron ate? Bat ka nakatambay jan?

May favor ako. Anong oras uwi mo sa sunday?

Hmmmm. Baka 5pm bakit?

Samahan mo ko sa mall please

Ayoko nga

Sige na naman. Ayaw ako payagan ni daddy makipagdate pag di ka kasama.

Ayoko. Busy ako

Pag sumama ka, bibilihan kita ng pinag iipunan mong gitara!

Di ako madadaan ng suhol mo

Ayt. Kahit 10minutes lang. Kailangan ko lang ng ebidensya na kasama ka. Please.

Pumasok si Loi papunta sa bahay nila. Sinundan ko lang siya

Sige na please

Nakita ko mama niya

Tita, ayaw sumama ni Loi.

Tita: hay nako loi, sumama ka na. Kanina pa ko kinukulit ng keloy na yan

Loi: Hay nako! 10mins lang ah?

Oo! Oo! Yesssss! Thank you pogi kong pinsan! Labyu!!!!!

10mins lang tsaka yung gitara ko

Aw! Oo na oo na. Sige. Sa sunday, 5pm dun sa mall. Alis na ko bye hihihi yehey

Papayag din pala. Pero may naisip akong paraan para magtagal yun si Loi sa mall. Sana di mapurnada ang mga plano ko :)

A wish in this songTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon