"Yu------"
May nakita akong lalaki, kayakap niya at pagkatapos yakapin ay nagholding hands. Japanese boy yun. Imposibleng kamag anak niya yun. Grabe, nasaktan ako. Di ko naisip na gagawin niya sakin to. Kaya pala di na siya nagtetext o tumatawag man lang sakin
*End of flashback*Grabe yung sakit na yun. Yung iisang babae na minahal ko. Gaganunin pa ko?
Ayoko ng maalala
************
Umaga na. Pagcheck ko ng cellphone ko, nakita ko nakalagay na sa "create message" nakalagay ang "hi". Naalala kong itetext ko pala dapat yung C.A. pero wag nalang pala muna. Inexit ko nalang, nakasave sa draft
Pumasok na ko sa school, at pasok na naman parttime mamayang 4pm. Nagtuturo kasi ako ng gitara sa music school. Hindi dun sa minamanage ng nanay ni Yuki. Lumipat na ko. Pero naaalala ko pa din siya pag pumapasok ako at nasasaktan.
Bago umalis ng bahay. May nagtext. Si ate kelly
Ate Keloy: Loi!!!! Nakaalis ka na ba ng bahay nyo?
Me: Di pa naman. Paalis palang.
Ate Keloy: Yes! Pasuyo naman nung project ko. Nakalimutan ko e. Please. Di na ko makakauwi. Straight yung class sched ko.
Me: Bahala ka jan
Ate Keloy: Sige na naman please. Last na talaga to. Ang tanga ko kasi e :(
Me: Biro lang. Sige, punta ako jan sa school mo
Ate Keloy: I love you! Salamat. Kala ko babagsak na ko. Thank you talaga
Yun, buti 11am pa yung klase ko. 9am palang naman. Dumaan muna ako sa school nila ate kelly. Di naman yun kalayuan sa school ko. Mga 30mins lang siguro ang layo.
Palakad na ko sa campus nila. Nang may nakita akong nagpapractice na band sa gymnasium nila
Pagpasok ko...
Parang kilala ko yung nag-iisang babae.
Lapit na ko ng konti
Sino nga ba yun?
Lapit pa...
C.A? Si alesana yun ah?
Bandang gitna siya ng stage. Di niya ko nakikita dahil ang daming babaeng nakiki-osyoso at nakatingin siya dun sa vocalist.
Ano ba yan, dapat tinatanggal na yang babaeng yan e
Oo nga gurl, nakakasira kay papa James yan, dapat ako ang nanjan
Mean girls? Pinag-uusapan nila si alesana?
Woooshoooo. Marunong ba kayo naggitara?
Nakisabat nalang ako
Sino ba yan? Kilala mo gurl?
Hindi! Ikaw ba?
Hindi din kaya nga tinanong sayo e!
Uy gwapo ah? Pero bat iba uniform niya?
Ano ba naman yan, obvious ba? Syempre di ako dito sa school na to kaya iba uniform ko.
Hi!
Nag-Hi ung isang mean girl sakin
Hi din. Galing nung babae maggitara noh? Di naman kagandahan yung boses ng vocalist
Mean girl1: Hay nako girl, gwapo sana pero inaaway si Papa james natin
Mean girl2: Hoy, maganda boses ng papa james namin. At magaling yung babae? Mas magaling pa kuko ko jan e
BINABASA MO ANG
A wish in this song
Short StoryCL as Coleen Alesana Cruz aka CA Choi Jong Hoon as Jeremy Loi Manansala aka Loi CNu as James Klein Santiago Lee Hong Ki as Brent Smith Read this 20 chapter story (Up to Playlist #20) to be loved, broke, cried, laughed and all emotions that we can fe...