Playlist #8

37 2 2
                                    

"Always weighing on my shoulder, A time like no other, it all changed on that day, sadness and so much pain.."

Np: Be the light by one ok rock

Day 1: JFKU College week

Grabe, dami nanonood samin, di na rin nagreact si James nung nalaman niyang ako ang pumalit kay Alesana. Pero nagawan niya naman ng paraan yung mata niya, naglagay siya ng malaking shades

Waaaaaaaah! Ang gwapo ni james kahit naka-shades

Sino yang guitarist? Ang gwapo waaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh

Kaya ayoko talaga magband. Ayoko kasing tinitilian ako, nakakabingi kaya

Di na ko tinamaan sa "Be the light" na kanta na yan. "Time won't so we keep moving on" Tama naman e, di titigil yung oras para satin kaya makakapagmove on din tayo

Pero salamat kay Alesana dahil naranasan ko to. Di ko pinapasalamatan yung pagka-injured niya, nagpapasalamat ako dahil ginawa ko to para mabili ko yung kwintas at the same time, madama kung ano ang pakiramdam na ginagawa mo ang gusto mong gawin sa maraming tao

Pag naririnig ko talaga yung kantang to, daming pumapasok sa isip ko.

Waaaaaaaaaaaaaaaaah! Moreeeeeeeeee!!!

Sigaw ng mga tao.

***********

Natapos na din yung performance, grabe yung mga babaeng umabang sakin

Pogi ano pangalan mo?

Dito ka ba nag-aaral sa kennedy?

Waaaah. Kuya, pasign naman!

Di ko sila pinansin at dumeretso kay ate kelly

Peter: Taga ibang school yang si Loi. Sana makagig namin siya nexttime

Greg: Pinalitan niya si Coleen pansamantala

Girl 1: Dapat palitan niya si Coleen para all-handsome band na kayo

Girl 2: Oo nga. Di naman maganda yun si Coleen

Ayokong sinasabihan ng nakatalikod yung mga kaibigan ko kaya lumapit ako

Di binabase sa itsura yung kagandahan. Try nyong mag-aral maggitara, baka gumanda din kayo tulad ni Coleen

Girl 1: Ha? Ang sungit mo naman!

Girl 2: Oo nga, ikaw may itsura ka pero ganyan ugali mo. Di ka sisikat pag ganyan

Peter: Tama na girls

Sorry girls, pero ayoko sumikat at kung kayo man lang magiging fans ko, di bale nalang

Ayoko na silang marinig at makaaway. Ayoko pa naman yung pumapatol sa babae. Atleast nasabi ko yun gusto kong sabihin

Dumeretso na ko kay ate kelly.

Te,yung sahod ko?

Ay oo nga pala. Busy ako. Magwidraw ka nalang jan. Balik mo nalang sa bahay mamaya. Salamat

San yung passwo---?

Nakita ko yung papel at nakalagay 9426 siguradong password yun. Loko talaga si ate, swerte ng magnanakaw nito pag nagkataon

Nagdiretso agad ako sa mall para magwidraw at mabili yung kwintas

Check balance:
31,457.56

Grabe! Ang laki ng pera niya. Swerte talaga ng magnanakaw ng atm niya

Nagwidraw ako, 6,000.00 tulad ng napag-usapan. Ang laki ng talent fee ko he he he

A wish in this songTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon