Nag-umaga na, pero wala pang text si Loi. Ito na yung kinakatakot ko, hanap hanapin ang text niya.
Nilakasan ko na yung sound ng phone ko para marinig ko agad pag may magtext.
Habang kumakain...
*Ting... ting... ting...*
Ayan na, may nag text. Tumako agad ako sa center table ng sala namin para mabasa ang nagtext
New message received
*Binuksan ko*
From 8888: Your Text to All Networks has already expired.
Ay nyawa. Bat ganito? Lakas ko makahopya hays
Pumasok na ko ng school pero wala pa ding text. Nagpaload ako nung break para matext siya. Di ako makatiis
To Loi: Hello, balita? :)
***********
Gabi na pero wala pa ding reply. Tawag kaya ako? Hay, bat kaya bigla nalang di siya nagtext?
Umabot ng mga 3days at sinubukan kong tumawag at magtext pero nung tumawag ako...
You're number that you have dial is either unattended---
Ano?
Ilang beses ko inulit pero nakapatay yung phone niya
Bat naman kasi di ko alam bahay nila? Di ko tuloy napuntahan kahit masilip lang man
Ah! Alam ko na!
Calling Kelly...
Oh nak? Bakit?
Ah~ ma, pwede magtanong?
Ano yun?
Nanjan si Lo--
Si Loi ba? Wala pa siya dito. 4days na ata?
Nasan siya?
Di ko rin alam e. Sensya na. Text kita pag dumating. Sabihan kong tumawag ka
Wag na! Nakakahiya. Sige ma, salamat!
Ano kaya problema? Siguro nakuha na siya ng manager ni brent. Pero bat ganun? Bigla bigla naman ata siya nawala?
》A hundred days have nade me older
Since the last time I saw your pretty (handsome) face《Np: Here without you by 3 doors down
Dumating ang ilang araw, linggo, at buwan. Wala pa din, di na siya nagpakita sakin. Nahuhurt ako, di man lang niya ako nacontact o gumawa ng way para itext man lang ako
》A thousand lies have made me colder
And I don't think I can look at this the sameBut all the miles that separate
Disappear when I'm dreaming about your face《Dumating ang eksatong ikatlong buwan na wala pa din. Di ko pa siya nakita. Nabalitaan ko nalang kay Kelly na umalis na siya papuntang america. Sobrang nasasaktan ako. Bakit? Bakit pa niya ko pinasaya kung papaiyakin niya ako at papaasahin lang?
》I'm here without you baby
But you're still on my lonely mind
I think about you baby
And I dream about you all the timeI'm here without you baby
But you're still with me in my dreams
And tonight... it's only you and me《Nandito ako ngayon sa mall, sunday, pinapanood yung fireworks.
Naalala ko siya kahit isang beses ko lang siya nakasama dito...
Naaalala ko din siya pag kumakain ng fishball...
Naaalala ko din siya pag nakakakita ako ng electric guitar...
Ang sakit pala. Nasasaktan ako, iba yung nadadama kong sakit kesa nung nadama ko kay James. Sa pagkakataon na to, walang tumutulong luha, nadudurog lang ang puso ko
Sa school
Bumalik yung dating ako, tahimik, walang imik at nakasimangot
Nakita ko si Kelly pero di ko na pinansin
Anak!!!
*Deretso lang ang lakad ko papasok ng building namin*
Hoy! Pansinin mo naman ako!!!
Ay ma? Bakit?
Hinihingal pa siya
Ang bilis mo namang maglakad
Sorry ma, di kita narinig
Ito, pinapabigay ni Loi sayo.
Inabot ni kelly yung sobre. Kaparehas ng sobre na inabot sakin ni kelly na pinabigay ni Loi
Ano to ma?
Sobre! Sulat yan. Pasensya na. Sabi niya sakin bigay ko daw niya sayo. Di ko agad nabigay. Gumawa kasi ako ng thesis
Di ko na kailangan to ma!
Sige na. Kahit basahin mo na. Tsaka parang may laman sa loob
Wag na ma! Di ko tatanggapin to ma
Sorry sa ginawa ng pinsan ko nak. Sorry at nasaktan ka lang niya. Di ko alam na mangyayari yung ganito. Na hahantong sa ganito na masasaktan ka. Sana tanggapin mo to please. Baka nanjan na ang explanation niya kung bat niya nagawa sayo to
Bigla akong niyakap ni kelly
Sorry talaga anak
Bigla kong narinig na suminghot ng sipon si kelly
Ma? Umiiyak ka?
Di nak. Pasensya ka na
Ha?
Pagtingin ko sa mata niya
Ma? Bat umiiyak ka?
Kasalanan ko kasi to. Ako may dahilan kung bat ka nasasaktan ngayon
Ma, ang totoo, oo nasaktan ako. Pero di mo kasalanan
Naguiguilty kasi ako...
Wag ka maguilty ma. Sige na, tatanggapin ko na tong letter baka mapanatag na din yung loob ko
Kinuha ko na yung letter at umalis na din bago mawala yung luha ni kelly. Hay, ako yung naguilty. Umiyak pa siya dahil sakin. Dapat si Loi talaga ang sisihin dito e
Pagbukas ko ng sobre, nakita ko yung necklace na binigay niya sakin at binigay ko sakanya. Ang laki ng papel pero laking gulat ko sa nabasa ko
Hi Alesana,
Pano ba ko magsisimula? Siguro mababasa mo to, nakaalis na ko. Sorry at pinaasa kita. Alam kong di wala naman ako sayo. At salamat dahil pinalakas mo loob ko. Sana kalimutan mo na ako. Sorry.
Ps: Ibabalik ko na yung kwintas. Sayo to
Fr: Loi
BINABASA MO ANG
A wish in this song
Kısa HikayeCL as Coleen Alesana Cruz aka CA Choi Jong Hoon as Jeremy Loi Manansala aka Loi CNu as James Klein Santiago Lee Hong Ki as Brent Smith Read this 20 chapter story (Up to Playlist #20) to be loved, broke, cried, laughed and all emotions that we can fe...