Alesa----
Di ko na sya pinatapos matawag ang pangalan ko. Dahil pumunta ako sa tagong lugar sa school na di niya ko makikita. Ayoko siya makausap. Ngayon pa? Badtrip ako sakanya
-Loi's POV-
Tatawagin ko palang si Alesana ng bigla siyang lumayo. Bakit? May virus ba ko para layuan? Ngayon ko sana ibibigay yung kwintas at gusto ko siyang icongrats, galing niya pa maggitara.
Susundan ko sana siya ng...
Pre, galit sayo si Coleen. Wag mo ng balaking sundan
Hinarang ako ng mayabang na si James
Ha? Sakin galit? Baka sayo?
Inagaw mo yung matagal na niyang pangarap nag magperform sa stage. Alam kong pangarap niya ang tumugtog kasama ako
Ano? Wala akong inaaga---
Tanggapin mo ng ako ang gusto niya at di ikaw na mang-aagaw. Pag niligawan ko yang coleen na yan sasagutin agad ako nun. Pustahan pa tayo magkano ha? Magkano?
Di ko na napigilan ang inis at pagkabadtrip ko. Sinuntok ko na naman ang mayabang na to. Ayoko sa lahat yung pinipikon ako ng mayabang
*Booog*
-C.A.'s POV-
Babalik sana ako sa gym para kunin yung gitara at magtago ng...
*booog*
Kitang kita ng dalawang mata ko kung pano sinuntok ni Loi si James. Grabe! Di pa nga nawawala inis ko sakanya, gagawa pa ng gulo? Pinigilan ni Greg at peter si James na gaganti ata.
Nakita ko si Loi na nakita nya ko na natakot. Lalapit sana siya pero...
Loi, ano ka ba? Tara, umuwi na tayo. Wag ka gagawa ng gulo dito. Sinisira mo yung last day ng program namin!
Pinigilan siya ni ate kelly at umalis na sila. Parang may sasabihin siya sakin pero ayokong pakinggan, lumapit agad ako kay james
James, ayos ka lang?
Ayos? Sino ba di magiging okay pag sinuntok?
Pagpasensyahan mo na yun. Di ko alam tunay na ugali nun
Wag mo kakaibiganin yung mga ganung tao, mga mayayabang
Oo, pasensya ka na talaga.
Salamat at lumapit ka sakin. Pangalawang beses na ko nasuntok nun
Alam ko naman yun
-Loi's POV-
Di ko alam kung anong sasabihin ko kay Alesana. Siguradong di niya ko papaniwalaan. Sino ba ko para pagkatiwalaan niya?
Ate, galit ba sakin si Ale- C.A?
Ha? Bat magagalit sayo? Baka kanina, gumagawa ka ba ng gulo sa school. Bat mo ba sinuntok yung James yabang na yun?
Sinabi kasi sakin ng g*gong yun na inagaw ko daw kay Coleen yung pangarap niya magperform sa stage. At nag-aaya ng pustahan kung sino sasagutin ni Coleen samin
Ano? G*go talaga yun! Grabe naman yun! Nako patay, alam ko na kung bat mukang galit sayo si Coleen. Sorrrrrrry
Bakit ate?
Di ko nasabi sakanya na ikaw ang papalit. Nawala sa isip ko nung lunes. Sorry talaga
Ate naman!
BINABASA MO ANG
A wish in this song
Cerita PendekCL as Coleen Alesana Cruz aka CA Choi Jong Hoon as Jeremy Loi Manansala aka Loi CNu as James Klein Santiago Lee Hong Ki as Brent Smith Read this 20 chapter story (Up to Playlist #20) to be loved, broke, cried, laughed and all emotions that we can fe...