Woooooooooooooooooooooooow!!!
"You just gonna ignite the light... and let it shine. Just owe the night... like a forth of july"
Yan lang ang nasabi ko. May fireworks kasi, di ko alam na may fireworks sa ganitong mall. Habang may kumakanta ng fireworks.
*pagkatapos ng fireworks*
Pano mo nalamang may fireworks? Araw araw ka dito noh?
Haha. Wala naman. Dito kasi kami lagi ng ex ko.
Huh? Ex?
Di ko na sya masyadong tinanong. Pero lumungkot siya ng nabanggit niya yung ex nya. May kanya-kanya talaga tayong taong kinahihinaan. Yung tipong pag napag-usapan sila, tipong nalulungkot ka at nasasaktan.
Pagkatapos nun, nag-aya na sila kumain. Treat ni bob, pero nakakahiya dahil di naman kami masyadong close pero nilibre nya kami
Umuwi na din kami. Halos yung huling pag-uusap namin ni Loi, eh yung ex niya. Di nawawala sa isip ko kung ano kayang itsura ng ex niya? Bat kaya sila naghiwalay? Pero isa lang sigurado ko, maganda yun.
-Loi's POV-
Gusto ko sana ihatid si CA pauwi. Pero nahihiya pa ko. Sobrang interesting ng buhay niya para sakin. Di ko malimutan yung Alesana sa pangalan niya.
Dalawa nalang kami ni ate kelly naiwan pauwi. Takot pa kasi ung bob na yun sa daddy ni ate kelly.
Habang naglalakad..
Ate, may number ka ba ng CA?
Bakit? Gusto mo siya noh????? *Nang-aasar yung itsura*
Haha. Di ah! Gusto ko lang siya maging kaibigan.
Hmp! Kaibigan ba talaga?
Loko, bahala ka nga. Wag na nga.
Eto na eto na, 0915xxxxxxx
Ganyan si ate, pag nang-aasar, gustong gusto akong pinipikon. Kung di ko lang pinsan at babae to, nabatukan ko na e.
Wag mo sasaktan yan, anak ko yan. Takot sa mga lalaki yun, dahil sa tatay niya. Tsaka may napupusuan siyang lalaki sa school. Di lang ako boboto sa lalaking yung kung sakali
Bakit? Anong meron sa tatay niya? At sino yung lalaki sa school?
Iniwan kasi sila ng nanay niya. Si James yun. Bat ang dami mong tanong? Curious ka sakanya??
Anong curious? Nagtatanong lang
Nagtatanong? Bat gusto mo bang ligawan? Dadaan ka muna sakin bago mo maligawan yun
Biniro ko si ate dumaan ako sa harap niya
Oh ano ginagawa mo?
Sabi mo dadaan muna ako sayo? Dumaan ako sa harap mo
*Binatukan ako sa ulo*
Aray!!!
Ay nako loko loko ka talaga! Haha. bilisan mo na nga maglakad. Text mo nalang siya tungkol sa buhay niya. Sakanya ka magtanong wag sakin. Mag-aalas-10 na oh. Pero yieeeeeeeeeee hahahahaha
Sige, asar pa. Mababatukan ko na rin talaga to malapit na.
Pag-uwi ng bahay, kinuha ko agad ang gitara ang tumugtog. Ito yung gawain ko pag may malalim na iniisip.
Itetext ko ba? O matutulog na?
Itetext ko na ba?
Hinawakan ko na yung cellphone.
Hi
Iki-click ko na yung send ng...
Kuya, pautang naman.
Biglang pumasok sa kwarto ko si Jerra. Kapatid kong 4years gap sakin.
May katext ka na kuya? Parang huling nakita kong hawak phone mo nung nagbreak kayo ni ate Yuki ah?
Wala. Di na kita papautangin jan
Sige na. Joke lang. Ito naman si kuya, di mabiro
Magkano ba uutangin mo?
500 lang naman.
Ang laki naman! Para saan ba?
May project kasi kami. Sige na
Kinuha ang wallet, binigyan ng 300.
Kulang! Humingi ka kay mama. Bayaran mo yan ah?
Ay nako! Sige na nga. Pero sino nga katext mo? Babae ba? Yieeeeee
Di ko pa nga tinetext! Lumabas ka na. Kumatok ka nexttime ah?
Pakilala mo sakin ah? Haha. Di na kita babayaran :p
Lahat talaga ng tao dito loko-loko. Di natatapos ang araw na di ako naaasar e. Namiss ko tuloy si Yuki. Text ko kaya siya? Baka balikan pa niya ako.
*Flashback*
(Two months ago)
8months monthsary namin ni Yuki (siya ay half japanese na nakilala ko dahil mama niya ang nag-mamanage sa pinagtrabahu-han kong music school noon)
Kada-monthsary namin, pinag-gagastusan ko at nag-eeffort para lang isurprise siya.
Ngayong 8th month, dun ko siya sa bahay namin dadalhin para makilala na siya ng buong angkan ko.
Pero ng araw na yun, di kami nagkita. Nagtext siya.
Loi, sorry kung di ko nasabi sayo. Ngayon ang alis namin nila mama papuntang japan. Dun na ko pinapaaral ng papa ko.
Ginusto kong habulin siya pero di ko alam kung san ko siya pupuntahan. Gusto kong maiyak sa mga nabasa ko.
Yung feeling na, di ko maigalaw yung paa ko. Pinilit kong tumakbo papunta sa bahay nila.
Nadatnan ko ang tita niya.
Ay umalis na sila Yuki, kagabi pa. Di na sua nagtext sayo?
Pano nangyari yun? Kagabi siya nagtext sakin pero kanina ko lang nareceive?
Tita, sigurado ka? Nagtext siya sakin kanina e.
Baka late receiver ka lang
Tita! Bat di niya sinabi sakin??
Di ko alam loi. Pasensya na talaga. Contact mo nalang siya sa facebook. Tatanungin ko nalang ang mama niya para makuha ang number niya.
Si.... ge... ti....ta.... salamat
Mejo nanginginig ang boses ko, di ko na alam ang susunod na gagawin ko. Bat ba di niya ko sinabihan?
**********
Pagkatapos ng 1week, nalaman ko ang address nila sa Japan. Pero di man lang nagtetext o nagchachat si Yuki. Pumunta ako ng bangko, chineck kung magkano na ang naiipon ko.
Php. 21,539.50
Pinaencash ko lahat at bumili ng plane ticket papuntang Japan para makita siya.
Ang pinag-ipunan ko para sa tuition ko nextsem at pang celebrate sana namin sa anniversary namin, naging plane ticket nalang bigla.
************
Osaka, Japan
Salamat naman at di ako naligaw pagpunta sa bahay nila Yuki. Nakita ko si Yuki, lumabas ng bahay, naglalakad. Kahit di ko alam kung san siya papunta sinundan ko lang siya. Kahit gusto ko siyang yakapin, di ko alam kung bat di ko magawa. Habang naglalakad. Tatawagin ko na sana siya ng biglang...
Yu-----
BINABASA MO ANG
A wish in this song
Short StoryCL as Coleen Alesana Cruz aka CA Choi Jong Hoon as Jeremy Loi Manansala aka Loi CNu as James Klein Santiago Lee Hong Ki as Brent Smith Read this 20 chapter story (Up to Playlist #20) to be loved, broke, cried, laughed and all emotions that we can fe...