𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝐈𝐈: 𝐴𝑛𝑔 𝑆𝑖𝑚𝑢𝑙𝑎

17 2 0
                                    


Ilang araw mula nung magmessage si david sa isang page upang maging daan para mapalapit sa dalaga.

Paulit-ulit binabalikan ng binata ang page upang makita kung na-i-post naba ang kanyang story.

---

Lunes nanaman ng umaga.

Hindi maintindihan ni david ang nararamdam na tila ba may kakaiba sa araw na iyon.

Habang napapaisip si david ay bigla syang ginulat ng kanyang kaibigan na si joy.

"Huy! Lalim ng iniisip ah?" Panggugulat ng kaibigan.

"Hoooooy!" Pasigaw ni david sa kaibigan dahil nagulat.

"Ano ba kasing iniisip mo ha? HAHAHA! Abnuy ka!" Natatawang pangaasar ng kaibigan.

"Walaaaaa! Kainis!" Naaasar na sagot ni david.

"Sus! Sabihin mo na torpe! Torpe! Abnuy! HAHAHA!" Pangaasar ng kaibigan.

"P-pero s-s-secret lang ha?" Nahihiyang sagot ni david.

"Daliii na ah. Binibitin mo ako! Friends tayo di ba?" Pagtatanong ng kaibigan.

"Wag na mahiya baka matulungan kita Mr. Torpe" pahabol pa ng dalaga.

Sasagot na si david ng biglang matanaw nila ang sasakyan ng kanilang professor kaya't napatigil na lang siya sa pagkwekwento at sabay sabing,"Takbooo! Late na tayooo!"

Natatawa naman ang kaibigan dahil nakasuot ito ng sapatos na may heels kaya hindi ito makatakbo.

"Mauna kana torpe." Bilang tugon kay david.

"Hindi na, sabay na tayong malate. Madalas ka na ngang iwan, tapos iiwan pa kita?" Pangaasar na sabi ni david

"Hoooooy! Walang ganyanan! HAHAHA!" Medyo napangiti na hindi maunawaang nararamdaman ng kaibigan ng marinig nya ang sinabi ni david.

"Hindi na kita tutulungan sa babaeng nagugustuhan mo." Pabirong habol ni joy.

"Kaya nga hindi kita iiwan dahil tutulungan mo pa ako. HAHAHA!" Pabirong tugon ni david.

Nawala ang kakaibang nararamdaman ni david dahil sa biruan na dala ng magkaibigan.

---

Uwian na at sabay na naglalakad ang magkaibigan papalabas ng unibersidad.

"David?" Tanong ni joy

"Ano yun?" Tugon ni david

Gusto sanang itanong ni joy kung paano na lang kapag nahulog ang loob niya sa kanya ngunit hindi nya ito itinuloy at iniba na lamang ang tanong.

"Maalala ko lang, Can we talk about that someone na napupusuan mo? Yiiie" pagkukunwaring sagot ni joy

"Oo nga pala. Nakalimutan ko yan ah,  pero saka na lang yun. I decided to know her by my own." Nakangiting pagtugon ng binata.

Sa mga oras na iyon ay sa mga ngiti pa lamang ng binata ay nasisiyahan ang dalaga ngunit sa kabila nun ay tila ba nasasaktan sya.

---

Lumipas ang tatlong araw at naalalang i-check ni david ang page na kanyang minessage para sa kanyang secret confession para kay chris.

Nagulat sya ng makita nyang na-i-post na pala ito 2 days ago. Hindi maawat ng binata ang mga labi sa pagngiti na tila gusto nya nang sumigaw.

Habang binabasa ang sariling confession ay dali dali nyang tinignan ang comment box ng magulat sya sa mga comment.

"Chrissss! Peymus kana!"

"𝑵𝒂𝒈𝒃𝒂𝒍𝒊𝒌 𝒔𝒊𝒚𝒂"Where stories live. Discover now