Chapter 3: ♥ First Day High ♥

94 2 3
                                    

Nagustuhan ba yung Chapter 2? Ikaw Ms. Author {Anjelu} ha! Lumilibre ka na ng bag dyan! LOL xD Waley pa manliligaw ni atehh eh. Sa second day pa yung isa and then da other one is sa third day of school pa. LONER! FOREVER ALONE! Bwahaha! I'm sooo badd. 

Fan, Vote and Comment na lang ;) 

~Ms. Author {Andrea}

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Natalie's P.O.V 

♪ ♫ ♪ I wish you were here. Yeah, I wish you were here. Music is better and lights are brighter when you are near. Am I makin' it clear? Music is better. And right now I just wish you were here ♪ ♫ ♪ 

Gahhh! First day na ba? Echos echos naman tong alarm ko ah. Kinapa-kapa ko yung nightstand ko sa tabi ng kama ko. Nakapa ko na sa wakas yung tunog ng tunog kong *ehem* iPhone. Kinuha ko at inoff yung alarm. 

"Gising na anak! Narinig ko na alarm mo!" tawag ni Mama mula sa labas. Ughh....

"Eto na po" sabi ko at kinusot-kusot mata ko bago tumayo. Pumunta ako sa dresser at sinuklay yung UBER gulo kong buhok. 

"Matt?!" sigaw ko nang malakas pagkatapos ko kunin yung uniform at ibang bathroom needs ko. 

"Hmmm?" sagot niyang inaantok. Ok wala pang tao sa CR ibig sabihin nun. 

Lumabas na ako sa kwarto at pumunta sa CR. Nilapag ko muna gamit ko at naligo na. 

A few minutes of singing in da shower... 

Nagbibihis na ako sa uniform ko habang pinapatuyo buhok ko. Once nakauniform na ako kinuha ko yung hair curler ko na regalo saakin nung Pasko. Yung dulo lang ng buhok ko kinulot ko dahil ayoko naman na magchorva-chorva. 

"Ateee! Tapos na ka ba?!" sigaw ni Matt mula sa labas ng CR. Nagsisimula na siyang kumatok sa pinto nang walang tigil. 

"Sandali langg!" sagot ko. Ang aga-aga masyadong atat tong kapatid ko. 

Sa wakas na tapos na din ako sa kaechosan ko sa CR. Kinuha ko ulet yung mga gamit ko at binuksan yung pinto. Bigla naman tumakbo sa loob kapatid ko at tinulak ako papalabas. Bigla daw bang ibalibag yung pinto sa likod ko?! 

Pinabayaan ko na lang at pumunta na sa kwarto ko. Nagsuot na ako ng black knee high at sapatos. Madalian kong pinulot mula sa gilid yung back pack ko at isang shoulder bag. Bumaba na ako at pumunta sa Dinning Room. 

"Morning ma!" bati ko. 

"Morning! Ok na ba lahat? Bag? Uniform? Notebook?" tanong ni Mama. Eto talagang si Mama masyadong natataranta eh. 

"Kapatid mo?" biglang tanong ni Dad. Hindi ko siya napansin ah! Woi! Bad girl! >//< 

"Morning Dad! Tska nasa taas pa po si Matt" sabi ko. Umupo na ako sa upuan ko at nagsimula na kumain ng almusal. 

Maya-maya nakatapos na ako sa pagkain kakababa pa lang ni Matt. Perfect timing din kasi tong lalaking to eh. Nagsimula na siya kumain at nagbasa na lang ako ng kung ano mula sa bag ko habang naghihintay. 

"Tapos na po!" sabi ni Matt at tumayo na para ilagay yung plato niya sa kusina. 

"Lika na" sabi ni Dad at niligpit na yung newspaper na binabasa niya. 

5 + 3 = I N F I N I T YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon