Chapter 17: ♥ Dates And Mates: Audrelo ♥

57 1 1
                                    

Ano sa tingin ninyu sa Chapter 16? Churvaness talaga ni Anjelu noh? Hay nakoo! At dahil dun ipapabongga ko tong Audrelo momentum na ito. Bwahaha! Malaevil scientist lang ang peg ko. Wutever. Alam ninyu mas nauna pa toh kaysa tapusin ko yung writer's work ko? 

Can't wait for tomorrow. Gimik with barkada and (Thank God!) comedy papanoorin namin tomorrow. Kung gawin nila yung horror kukunin ko yung clearbook na yan at paghahampas-hampasin sa kanila. Iiinvite pa ako tapos horror lang? Uwi na lang ako.

Fan, Vote and Comment po :)

~Ms. Author {Andrea}

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Angelo's P.O.V  

Umupo ako sa bench habang hinihintay na bumaba si Natalie. Himala nauna pa ako bumaba kaysa sa kanya. Monday na kasi ulit kaya eto hinihintay ko si Ms. Kupido. Kahapon lang may date na siya sa SJTGF, si Billy. 

"Angelo! Aga ata natin ngayon" biglang may tumawag saakin mula sa hagdanan. Si Natalie pala.

"Ganun talaga. Excited eh. Lika na" aya ko at tumayo na. Tumango siya at naglakad na kami papuntang Gate 1. 

Lumabas kami ng Gate 1 at dumiretso agad sa Infinitea. Hang out place noh? Lagi na lang dito. It's either milk tea obssession or dahil sa addictive na camera dun na tuwang tuwa kaming kawayan tuwing nandun kami. Either of the two. 

"Bibili ka ba?" tanong ni Natalie nang makaupo na kami. 

"Hindi. Ok lang" sabi ko. Tumango siya at pumunta sa counter. 

Maya maya bumalik din siya na may hawak hawak na signature flavor favorite niya, Cookies N Cream. Umupo siya sa tapat ko at naglabas ng notebook kung saan may drawing ng bench na ginamit namin nung tinanong ni Patrick si Cathy nung Sabado. 

"Wag tulala sa space. Walang kakausap sayu doon at sasabihin anong style mo para kay Audrey. Ano ba gusto mo?" tanong niya at nagsulat ng kung anu. 

"Ewan ko nga eh. Mental block ako ngayon. Kaya nga tulungan mo ko diba?" sagot ko naman at humawak pa sa ulo ko para may effect. Nagroll eyes lang si Natalie at nilabas yung cellphone niya. 

"Ughhh...Ikaw din. Tulungan mo din ako dahil padami ng padami humihingi ng tulong saakin. Kaya isip isip din" sabi niya at binaba yung phone niya na nakasilent dahil sa sobrang dami ng nagtetext at tawag. 

Napaisip ako dun. Ano kaya pwede? Si Auds tong pinaguusapan natin. Simple lang pero something important. Kumbaga something she won't forget. Na kahit even though hindi ako yung magtanong na maging GF ko siya maaalala niya ako. 

"Eto ha. Panimula lang na plano pero tulungan mo ako dagdagan" paninimula ko pagkatapos ng ilang minuto ng pagiisip. 

"Oh sure. Ano ba yan ha?" 

"Ganito..." 

Dianne's P.O.V 

"So may damit ka na ba para sa sayaw?" tanong ko kay Cathy. Nandito kasi kami sa mga picnic tables at naguusap. 

"Wala pa nga po eh. Baka samahan ako nila Ate Audrey at Ate Natalie sa pagshopping" sagot niya nang nakangiti. Naiingit ako sa kanya. Naaalala ko yung sakit nung nabalita saakin yung nangyari nung Sabado. 

5 + 3 = I N F I N I T YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon