Chapter 16: ♥ Dates and Mates: Nilly ♥

72 1 3
                                    

Bonggang palakpakan para sa kachorvahan ni Ms. Author {Andrea} sa last chapter! *standing ovation* Sana matripan mo 'tong chapter kong to kahit papano. :)

Enjoy reading!

~Ms. Author {Anjelu}

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Audrey's POV

"Even if there's a pain now, everything will be alright. For as long as the world still turns, there will be night and day. Can you hear me." 

"There's a rainbow always after the rain.. Ohh..." Kanta ko.

Haaaay, weekend. Wala akong magawa kundi mag-soundtrip ng mag-soundtrip sa iPod ko at mag-edit ng phonebook names. Dahil nga sa boredom at lakas ng trip ko, lahat binago ko eh.

*Beep! Beep!*

From: Bunsong Billy

Ate Audrey, tulong naman oh. Pwease? :):

Anong kailangan ng bunso kong kapatid this time? Natalie problem? Baka nanliligaw to, nangangaliwa. XP

To: Bunsong Billy

Ano yun bunso? Kita nalang tayo sa Teatas'. Alam mo yun diba? Dun sa may FZ.

Pinlay ko ulit yung naka-paus kong iPod.

"All I hear is raindrops.. Falling from the rooftop..."

*Beep! Beep!*

-___-"  Sa gitna ng soundtrip ko talaga? 

From: Bunsong Billy

Sige Ate Auds. Salamat ng marami!!!

Stinop ko na yung sounds ko, tapos nilagay ko na yung iPod sa backpack kong dadalhin. Nilagyan ko rin ng bond papers, including my phone, wallet, camera and pencil. Baka kasi kung ano nanamang binabalak netong lalaking 'to.

"Ma! Alis lang po ako."

"San punta mo, 'nak?"

"Sa Teata's lang po."

"Sige. Magingat ka." Nginitian ko si Mama at hinalikan sa pisngi tapos lumabas na ng bahay.

A tricycle ride to Teata's later...

"Ate Audreeyy!" Salubong sakin ni Billy

"Hi Bunsoy." Sagot ko sakanya, "Pumasok ka na jan, order tayo."

Inupo ko yung backpack ko sa silya tapos naupo na rin, si Billy naman naupo sa harap ko.

"Ate anong gusto mo?"

"Treat mo?"

"Oo ba!"

"Oh game!" Nagsmile ako "Yung Caramel Milk Tea."

"Geh. Saglit lang." Umorder na siya, good thing at hindi matao dito ngayon. Baka nasa taas, nag-FFZ. Yayaman mga Tita ko dito eh.

"Ate Auds oh." Inabot sakin ni Billy yung milk tea tapos naupo na rin siya.

"So.. Ano bang binabalak ng bunso kong kapatid?"

5 + 3 = I N F I N I T YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon